Mahigit kalahating oras ng naghihintay sina Fina sa silid kung saan sila mageensayo ng sayaw nina Elcid. Naroon na si Miss Bea at Mr Santos. Patingin-tingin sa relo ang huli. Siya naman ay palakad-lakad.
"Hay naku! Nasaan na ba si Elcid?!" Sa tinig na may pagkainip.
"Fina bakit hindi ka muna maupo iha. Kanina kapa pabalik-balik ng lakad. Nahihilo na ako sa'yo." Sabi pa nito."okay lang po ako Sir, gusto ko lang mastretch ang paa ko." Pagpapalusot niya.
Pero ang totoo ay kinakabahan siya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita ni Elcid ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman pag nakita ulit ito. Sadyang ayaw yata nitong magpakita sa kanya. Nang magbalik siya sa ensayo ng banda ay ito naman ang wala. Nagpaalam daw ito kay Tristan at mayroong aasikasuhin. Napatanaw siya sa may bintana sa pag-iisip. May kutob siyang kakaiba na parang may nangyayari kay Elcid. Ano kaya ang problema nito?' Hindi na naman niya napigilan ang pag-aalala."Hello! Sorry I'm late." Nang sa wakas ay dumating si Elcid.
Nang marinig ni Fina ang boses na iyon ay biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib.Humarap siya sa pagkakatalikod at sinalubong naman ni Elcid ang kanyang tingin. May ngiti ito sa labi at kaytagal siyang tinitigan nito. Bigla na lang siyang nailang at nagyuko. Para siyang yelo na unti-unting natutunaw sa titig nito.
Pinukaw naman ni Mr Santos ang pansin ni Elcid.
"Buti naman at dumating ka na! Saang lupalop ka ba nanggaling?!" Si Mr Santos na kunwang naiinis ang himig ngunit nakangiti kay Elcid.
"Pinaghintay mo pa si Fina, ang aga niyang dumating dito!" Dagdag pa nito.Tiningnan naman ni Elcid si Fina habang kausap si Miss Bea. Pakiramdam niya'y parang kaytagal niyang hindi nasilayan ang dalaga kahit ilang araw lang naman iyon. Gustong-gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit.
"Elcid, come here." Pagtawag sa kanya ni Miss Bea.
Lumapit naman siya at kay Fina pa rin nakapako ang tingin. Ayaw naman siyang tingnan ng dalaga.
'Elcid ano ba yang mga tingin mo na yan?' Naiilang lalo ako sa'yo. Tigilan mo na yan!' Kausap na naman ni Fina ang sarili at kunwang hindi pansin ang pagtitig ng lalaki."Kumusta ka Fina? Okay na ba ang paa mo?" Tanong ng binata.
"Oo, okay na." Simpleng sagot niya.
Sabay na silang nagtanggal ng sapatos at medyas ni Elcid."So ready na kayong dalawa?" Si Miss Bea.
"Opo." Halos magkasabay nilang sagot.
Nauna muna si Elcid na tumungtong sa bangko at inilahad niya ang kamay kay Fina upang alalayan ito. Tinitigan naman ni Fina ang mga kamay na inilahad ni Elcid bago inabot naman iyon ng dalaga. Magkaharapan silang dalawa ngunit pinili ni Fina ang yumuko at hindi tingnan si Elcid. Parang naninibago kasi ito sa kanya. Hindi niya maintidihanan ang lalaki. Kailan lang ay sadyang iniiwasan siya nito at hindi kinakausap. Ngayon naman iba na naman ang ikinikilos at mga tingin nito. Napakunut-noo tuloy siya. Hindi niya tuloy napansin na habang nagbibigay ng instructions si Miss Bea ay mahigpit na hawak parin ni Elcid ang kanyang dalawang kamay.
Hinayaan na lamang niya ito. Kahit nahihiya siya.
Hindi naging madali para kay Fina ang sayaw. Ilang beses siyang nalaglag. Nararamdaman niya ulit ang pagkirot ng paa niya pero hindi kasing sakit ng dati. Pinahinto muna sila ni Miss Bea.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.