Katatapos lamang ng awitin na ininsayo nila ng grupo. Nang kuhanin ni Tristan ang atensiyon ng mga miyembro.
"Guys, stay a little bit longer. Meron sana akong gustong ipaalam sa inyo."
"And also we have to wait for someone na gusto kong ipakilala sa inyo."
"While we're waiting may gusto rin kaming sabihin sa inyo ni Dave." Ang kanilang drummer.
"Unfortunately he has to leave the band."
"Huh??? What? Why???"
Halos sabay sabay at gulat na tanong ng grupo."Naapproved na kasi ang matagal ng hinihintay na petition niya papuntang UK." And his parents can't wait for him to be there."
"Talaga?" "Congrats Bro!" Sabi naman ni Cris, ang kanilang keyboard.
"Mamimiss ka namin." saad pa ng ibang miyembro.
Kinakabahan naman si Fina sa susunod pang ibabalita ni Tristan.
"Well, fortunately I've found someone who will replace Dave."
Tahimik na mang nakikinig ang lahat kay Tristan.
"Wow! Agad- agad may kapalit?" Si Carlo ang base guitarist.
"Yes!" "He is new in school...and...." Patuloy pa sanang magsasalita si Tristan ng biglang may kumatok sa bukas na pintuan ng silid. Napako ang tingin ng lahat sa dumating.
Tumayo si Tristan at sinalubong si Elcid sa may pintuan.
"Elcid, pasok ka sabi nito."
Si Fina naman ay tulalang tulala sa pagkakatitig sa dumating na si Elcid.
"Guys, i want you to meet Elcid. Elcid Villaflor. He is a transferee from Manila and he will be our new drummer."
Pagpapakilala ni Tristan.Shocked ang lahat. Lalong lalo na si Fina.
Hindi naman nakaligtas kay Tristan ang reaksiyon nito.Nakangiti namang bumati si Elcid sa lahat.
"Hi, everyone!" Tipid na bati nito.
Lumapit si Elcid ng isa-isa sa grupo at kinamayan ang mga ito. At muling ipinikilala ang sarili. At pinakahuling kinamayan ay si Fina.
"Hello, again Fina!"
"Hindi ko inaasahan na kasali ka rin pala sa bandang ito." Nakangiting bati ni Elcid at hindi pa rin binibitawan ang pagkamay sa dalaga."Hello, Elcid!" "Welcome to our band!"
Sibil na bati naman ni Fina sa binata.
At nagtitigan pa ang dalawa.Tumikhim si Tristan.
Bigla namang binawi ni Fina ang kamay na hawak parin ni Elcid.Parang magneto ang tingin nito na hindi niya maipaliwanag. At sa yapos ng kamay nito ay parang may kuryente siyang naramdaman.
"Fina! Ano kaba! Si Elcid lang yan. Bakit ba nagkakaganyan ka!?" Pagsawata sa sarili.
"Ahhhmm Elcid, you can start joining us on our next practice.
M-W-F ang practice ng banda." "Usually we start at 4:30pm." Pagbibigay impormasyon ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.