Chapter 17.2

576 28 2
                                    

Magkasunod na silang lumabas ni Fina patungo sa sala nina Elcid.
Nakita niyang papasok na ang kanyang ina sa pintuan. Natigilan naman si Fina sa paglakad.

"Hello, Mama!" Pagsalubong sa ina ni Elcid.

"Hello iho. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Mabuti-buti na Mama."

"Salamat naman at inalagaan kang mabuti ni Nanay Pasing." Sabi pa nito.

"Mama, si Fina nga po pala. Kaibigan ko at bokalista ng banda."
"Si Fina po at ang Nanay niya ang gumawa ng mga kakanin. Yung paborito kong ube naalala niyo Mama?" Pagpapakilala ni Elcid.

Tumingin naman ang mama ni Elcid kay Fina. Sinipat ito mula ulo hanggang paa.

"Magandang hapon po." Bati naman ni Fina.

"Magandang hapon din." Pormal na sabi nito.
"By the way is Pia here?" Tanong ng Mama ni Elcid.

"Wala pa nga po Mama pero pinasundo ko na siya sa driver. Papunta na siguro iyon."

"Oh okay. Nasaan ang iba mo pang mga kasama?"

"They're all here, pinapunta ko muna sila sa Lawn.

"Okay. Aakyat muna ako sa kwarto, i just need to take a shower. Sobrang init sa labas."

"Okay, Mama take your time."

Umakyat na nga ang Mama ni elcid sa kwarto nito.
Tahimik lang naman na umupo si Fina sa sala.
Inanyayahan  siya ni Elcid na puntahan ang kanilang grupo sa may Lawn.

Ngunit dumating na ang kanina pang hinihintay na si Pia.

"Babe!!!! Pagtawag ng dalaga kay Elcid.
Niyakap ng dalaga at hinalikan sa pisngi si Elcid ng hindi alintana ang presensya ni Fina.

"Finally! Ikaw na lang ang hinihintay." Sabi ni Elcid.


"Im so sorry. Hinahanap na ba ako ng Mama mo?"

"Yeah...nagshower lang siya sandali at bababa na rin siya."


"Oh, hi Fina!" Pagbati naman sa kanya ng dalaga.

"Hello, pia." Tugon niya.

At bumaling ulit ang dalaga sa kasintahan.
"How are you babe? Nagkasakit ka daw? Are you okay?" Haplos pa ng dalaga sa mukha ni Elcid.
Parang ipinakikita talaga nito ang pagiging malambing niya sa binata.
Ibang-iba ito kung kumilos kapag nasa harapan niya ang mga ito. Parang sinasadya nito ang mga paglalambing kay Elcid. Kapag kaharap naman ang lahat sa grupo ay may reserbasyon naman ito.
Hindi naman alam ni Elcid kung paano kikilos sa harapan ni Fina sa inaakto ng kasintahan. Naiilang siya sa ginagawa nito.

"Halika na kayo at puntahan na  natin sila." Sabi na ni Elcid. At kumala na sa pagkakayakap ni Pia.

Pinuntahan na nga nila ang mga kasama at niyaya na sa hapag. Sandali na lamang kasi ay maghahapunan na.
Nasa hapag na ang lahat ng bumaba na ang Mama ni Elcid. At ipinakilala niya isa-isa ang lahat at panghuli ay si Pia. Ang kanyang kasintahan.

Lumapit naman agad si Pia sa Mama ni elcid at humalik ito.

"Hello, Tita! It's nice to finally meet you sabi ni Pia."

"Oh hello Iha! Thank you for coming."
"Madalas kang ikwento ni Elcid sa akin tuwing nagkakausap kami."

Narinig naman ni Elcid ang sinabi ng ina. Kapag nagkukwento siya sa kanyang Mama, hindi naman ito tungkol kay Pia lang. Ang pagaaral nito ang lagi niyang kinukumusta, ang banda niya at ang mansion. Hindi nga ito madalas magtanong sa personal na relasyon niya lalo na kapag sa mga babae.

Nagmamasid naman si Fina. Halatang gustong-gusto ng ina ni Elcid ang dalaga. Bakit nga naman hindi, maganda ito, at may kaya sa buhay, kaya nararapat lamang ito sa kanyang anak. Napakaswerte naman ni Pia, sabi ng isip  niya. Kung sila ni Elcid ang magkakatuluyan sa bandang huli, napakaswerte nito sa pagmamahal ni Elcid.

"Fina, mapapanis ang laway mo niyan. Kanina kapa walang kibo diyan." Sita naman sa kanya ni Tristan.

"Hayaan mo lang ako, okay lang ako Tristan. Gutom lang ito."
At uminom na lamang siya ng tubig.



"Well, i guess everything is here on the table. Help yourselves and let's enjoy our dinner." Sabi naman ng Mama ni Elcid.

Nagsikain na nga ang lahat at habang nasa hapag nagsimula na ring magkwentuhan at biruan ang kanilang grupo.

Lingid sa kaalaman ni Fina ay pinagmamasdan siya ng Mama ni elcid.
Napansin kasi niya sa anak niya na lagi ang tingin nito sa dalaga. Kilalang kilala niya ang kanyang anak. Ang mga panakaw na tingin nito kay Fina.
Alam niyang may iba sa mga titig na iyon ng anak.
Pinagmasdan din naman ang kasintahang nitong si Pia. Mas gugustuhin niya ito para sa anak. May kaya ang pamilya nito. Hindi man maikakailang moderno ang dalaga, mas gugustuhin niya ito kesa sa isang anak ng nagtitinda ng kakanin. Sa isip-isip niya.

"Tita, maybe after dinner we can play a song for you. Tristan ikaw ang manggitara at kakanta ako." Sabi ni Pia.

"Okay, sure!" Pagpayag naman ng ina ni Elcid.

Ng matapos na ang lahat nagtungo sila sa may sala, at doon na lamang ipinahanda ng ina ni Elcid ang kanilang panghimagas.

Naghanda naman si Pia para sa kanyang aawitin.
Hindi malaman ni Elcid kung ano ang mararamdaman. Sa ikinikilos kasi ng kasintahan ay parang nagpapalakas ito sa kanyang ina. Naiiling na lamang siya. Ngunit hindi ba ay dapat lamang na matuwa siya? Dahil sa tingin niya ay gusto naman ng kanyang ina si Pia.
Pero bakit parang hindi siya sabik sa isiping iyon.

Umawit na nga si Pia para sa ina ni elcid.
Nakinig naman ang lahat at pinalakpakan ito ng matapos.

"Very good iha!" "You have a very nice voice!" Pagpuri pa ng Mama ni Elcid.
"Thank you Tita at nagustuha ninyo." Sabi naman ni Pia.

"Fina, ikaw naman ang kumanta. Tutal naumpisahan na ni Pia, lubusin na natin!" Pambubuto naman ni Carlo.

"Oo nga naman Fina." Pag-sangayon rin ni Elcid.

"Fina, halika ka na." Pagtawag sa kanya ni Tristan.

Lumapit na nga si Fina kay Tristan ngunit bago pa niya maumpisahan ang kanyang awitin, ay nagpaalam muna ang Mama ni Elcid.
Nakaligtaan daw nitong tawagan ang kanyang esposo. Kaya umalis muna ito sandali.

Sumabay naman si Pia dito at makikigamit daw ito ng kanilang banyo. Kaya sabay na silang umalis at iniwan sandali ang grupo.

("I just wanna be close to you" By Whigfield")
Nobody pays much attention
They misuse their time
Maybe it's better to mention
Moments passing by
A secret to tell
I got something they don't have
And baby it's you that is lifting me high
I just wanna be close to you
'Cause I understand
The strength of your hand
Oh and love that you put me through
You're more than a friend
So love me again...

Habang inaawit ni Fina ang bawat linya ng awitin, parang binibigkas na rin niya ang laman ng kaniyang damdamin. Hindi man ito direkta para kay Elcid.

Tulala naman si Elcid na nakikinig sa awitin ni Fina. Hindi na niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Pia at ang Mama nito.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon