Natapos na lahat ng mga kompetisyon sa kanilang Intrams. Hinihintay na lamang nila ang mga resulta sa bawat debisyon. Naglagi naman sina Fina, Tesa at Tristan kasama ang grupo ng banda at sayaw sa silid aralan ni Mr Santos. Wala naman sina Pia at Elcid sa naturang silid.
Habang nagkukwentuhan ang lahat tahimik lamang si Fina at hindi maiwasang mapatingin-tingin sa pintuan ng silid kapag may dumarating o dumaraan doon. Napansin naman siya ng kaibigang si Tesa. Lumapit ito at ipinatong ang sandwich at inumin sa armrest ng upuan ngunit parang hindi niya ito napansin dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Nakatuon ang kanyang tingin sa isang sulok ng silid.
"Hoy! Tulala ka diyan? May hinihintay ka bang dumating?" Sa maintrigang tanong nito.
"Huwag kang magalala, nandiyan lang iyon sa paligid. Magpapakita rin iyon sa'yo." Sabi pa nito."Ano na namang pinagsasabi mo diyan?!" Depensa niya sa kaibigan.
"Si Elcid ba ang hinahanap mo? Parang nakita ko kanina magkasama sila ni Pia eh." At nagpakita ito ng mapang-inis na ngiti sa dalaga sabay kagat ng kinakain nitong sandwich.
Bigla naman napasimangot si Fina sa sinabi nito.
"Joke lang! Hindi na kita mabiro. Kaagad nakasimangot! Kumain ka kaya friend."Hinarap naman niya ang kaibigan.
"Totoo ba na nakita mo silang magkasama ha Tesa?" Usisa niya."Hinde! Biro lang yun. Malay ko kung nasaan si Elcid. Bakit nga ba missing in action ang drama ng lalaking iyon? Pati itong si Pia gumaya rin!"
"Malay naman natin baka magkasama nga ang dalawang iyon." Malungkot na saad niya.
"Uyyyy selos ka?" Sabi ni Tesa.
"Ako magseselos? Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? At wala naman akong karapatang magselos ano?!" Depensa sa sarili.
"Oh easy ka lang. Masyado kang defensive friend! Heto ang sandwich kumain ka muna at baka gutom lang yan." Tatawa-tawang sabi ni Tesa.
Inabot na lamang niya ang tinapay at kinain ito habang abala pa rin ang isip niya kung nasaan nga ba si Elcid. At si Pia? Magkasama nga ba talaga ang dalawa? Pilit niyang nilalabanan ang pagseselos na nararamdaman niya. Nasa ganoon siyang isipin ng may isang estudyanteng pumunta ng silid at ipinaalam na maguumpisa na ang Ceremony para parangalan ang mga winners.
Mabilis na silang nagtungo sa Gym. Iniwanan na lamang nila ang kanilang mga gamit sa silid. Nang lahat sila ay makaalis na ay siyang pagpasok naman ni Elcid. Dala ng binata ang kumpol ng mga pulang rosas. Nakita nito ang bag ni Fina na nasa isang upuan. Ipinatong niya ito roon. May kalakip pa itong maliit na card na nakapangalan sa dalaga. Tanging 'Congrats' lamang ang kanyang isinulat roon. Hindi na siya nagdagdag pa ng kahit anong mensahe at hindi rin inilagay kung kanino ito galing. Bago pa siya umalis ng silid, may ngiti pang sumilay sa kanyang mga labi at nagtungo na rin sa gym.
Nang makaalis si Elcid sa silid hindi nito namalayan na may isang pares ng mga mata na nagbabantay sa kanya at nasaksihan nito ang pagdadala niya ng bulaklak. Nakakubli si Pia sa isang malabong na halaman sa may labas ng silid at kitang-kita nito ang ginawa ni Elcid. Hindi niya sinasadyang maabutan ito doon. May nakalimutan kasi siya sa kanyang bag at dali-dali siyang bumalik sa silid. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niyang pumasok si Elcid sa silid at dahan-dahang nagmasid.
Nang makaalis ang binata ay inusisa ang bulaklak at nakita ng dalaga na nakapatong ito sa ibabaw ng bag ni Fina. Binasa pa nito ang maliit na card na nakakabit doon.
"So you think you guys can fool me? All along siguro ay may secret affair na kayong dalawa! Will see! Hanggat may Pia sa paligid ninyo, you two will never be happy!" Sabi nito sa sarili sabay lamukos ng card na hawak nito.
Kinuha ni Pia ang bulaklak at may naisip itong ideya para isipin ni Fina na bigay ito ni Elcid sa kanya. Naghanap siya ng isang sticky note sa desk ni Mr Santos at isinulat roon ang 'To the most beautiful girl in my life. My Pia. Congrats!' Inilagay pa ni Pia ang pangalan ni Elcid sa note. At itinabi ang kanyang bag sa bag ni Fina. Ipinatong niya ang bulaklak doon at idinikit ang sticky note upang mabasa ni Fina ang nakasulat mamayang pagpasok nila ng silid. Sasadyain niyang magpahuli kina Fina upang ito ang unang makakita ng bulaklak.
Lumabas na siya ng tuluyan sa silid at nagtungo sa Gym. Nagsisigawan na ang lahat. Nakita niyang nasa stage na ang grupo niya sa sayaw at si Mr Santos upang tanggapin ang trophy. Naroroon din si Elcid at katabi si Fina. Sila ang nanalo sa debisyon ng sayaw. Nagmamadali siyang lumapit sa stage. Ngunit hindi siya kaagad makalapit sa may hagdan ng stage dahil sa nagsisiksikan ang mga nanonood doon. Kinamayan naman sina Elcid at Fina ng isa sa mga hurado na nag-abot ng trophy.
"Good job! You guys are great and perfectly match!"
Narinig pa niyang sabi ng hurado sa dalawa. Pinilit niyang makaalpas sa siksikan. At nagpasalamat na ang announcer sa pagtanggap ng trophy ng grupo. Nang nakaakyat na siya sa hagdan ng stage ay pabalik na ang mga ito patungo backstage. Nakita siya ni Mr Santos at niyakap siya ng teacher sa excitement nito."Pia, where have you been!? You missed the moment! We won!" Tili pa ng teacher. At inaabot sa kanya ang trophy.
C'mon let's take a picture tutal nandito ka na.""It's okay no need!" Sabay irap nito sa teacher at nawalk-out papunta ng back stage dala ang trophy nila. Kita dito ang pagkadismaya. Halos magkasabay naman si Elcid at Fina papunta sa backstage at nakita ang inasal ng dalaga sa kanilang teacher.
Nagkatinginan pa silang tatlo.
"Ano ba naman si Pia oh!" Eh paano wala siya kanina kung saan-saan nagpupunta. Kasalanan ko ba kung namiss niya ang acceptance ng award. Alangan hintayin pa siya. Hay naku! Nakakaloka siya ha!? Ayaw kong pa-stress sa kanya at masisira ang araw ko!" Pataray na saad naman ng teacher sa dalawa na tahimik lamang.Nagtungo na nga ang lahat sa backstage. Nagbatian ang lahat pati na rin ang ibang level na nanalo ng award. Nagpunta naman doon ang ina ni Tristan at binati silang lahat ng ginang.
May isang award pa na naghihintay sa grupo ng hindi nila inaasahan. Narinig na lamang nila ang pagaanunsyo ng announcer ng kanilang grupo sa sayaw. Nakuha rin nila ang 'Best dance performance award'. Hiyawan ang lahat sa backstage! Tinatawag ang kanilang teacher na si Mr Santos.
"Mr Santos i think you should bring Elcid and Fina with you to accept the award." Sabi ng mama ni Tristan na si Mrs Belmonte.
"Yes, of course!" At tinawag ang dalawang magkapareha. Lumapit naman ang mga ito. May ibinulong naman si Fina sa kanilang teacher.
"Mr Santos si Pia na lamang po ang magpunta roon. Tutal wala siya kaninang tanggapin natin ang unang trophy." Mahinang sabi ni Fina sa teacher.
"Okay. Sure. You're really nice iha!" Sabi pa ng teacher. At tinawag na nito ang biglang sumiglang mukha ni Pia.
Lumapit ito sa kanila. Nang aktong aalis na si Fina hinila siya sa kamay at pinigilan ni Elcid."I think you should come too. Tayo naman ang official na magkapartner hindi ba?"
Nagulat siya sa inakto ng binata.
"Sige na at magdali kayo, hinihintay na kayo sa labas." Pagtataboy naman ni Mrs Belmonte.
Lumabas na nga sila at tinanggap ang award. Nagpakuha silang apat ng picture. Pinagitnaan ni Pia at Fina ang kanilang teacher at si Elcid naman ay tumabi kay Fina. Umakbay pa si Elcid kay Mr Santos at halos akbay-akbay na rin siya ni Elcid. Nasamyo ni Fina ang amoy ng binata. Sadyang kaybango nito. Kahit maghapon na silang nagbabad sa eskwelahan at nakuha ng magsayaw, napakapresko parin ng amoy nito.
"Smile!" Bulong pa nito sa kanya. Kinilig siya sa binata at hindi alintana ang mga braso nito na sa kanya na lamang nakaakbay.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.