Chapter 15.1

654 22 3
                                        

Pagsundo sa kanya ni Tesa kinaumagahan nasa isip pa rin niya kung dadalo ba siya kina Elcid o hindi?

"Fina, kumusta na nga pala yung ensayo niyo sa Sayaw sa Bangko? Handa na ba kayo sa kompetisyon?"

Hindi naman siya sumagot. Parang wala siyang narinig na sinabi ng kaibigan.

"Fina, hoy!"
"Okay ka lang ba?"
"Parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Si Elcid kasi eh!" Bigla na lamang sabi niya.

"Anong ginawa ni Elcid?" Nagtatakang tanong ni Tesa.

"Wala naman, ang kulit kasi niya. May salo-salo daw sa isang Linggo sa mansion, kasi darating ang Mama niya. Niyaya niya ako. Actually ang buong grupo ng banda."

"O tapos?"

"Ayoko sanang pumunta. Hindi ako kumportable."

"Bakit naman? Niyaya ka naman pala."

"Eh alam mo na... Nitong mga nakaraan napapansin ko kasi si Pia, parang laging balisa kapag magkausap kami ni Elcid o kaya kapag napagiiwanan na magkasama."
"Gusto ko lang umiwas, baka kasi ano pa ang isipin niya."

"Bakit ka naman iiwas kung wala ka naman ginagawang masama?"
"Bakit may nangyari ba?"

"Wala naman. Pero alam mo Tesa bakit ganun? Tuwing magkakalapit kami ni Elcid, iba ang pakiramdam ko?"
"Hindi naman sa umaasa ako na pareho kami ng nararamdaman, pero may iba eh..."
"Pero siguro ako lang yun."

"Alam mo friend masyado kang nagiisip. As long as sa loob mo wala kang masamang ginagawa wala kang dapat ipagalala."
"Unless guilty ka friend?"

"Hindi naman sa ganun. Kung maaari nga ay tuluyan na siyang iwasan eh. Pero paano naman mangyayari yun kung nasa isang grupo lang kami hindi ba? Tapos heto pa ang Sayaw sa Bangko."

"Iniisip ko na nga ring hindi sumama papunta ng Ilocos eh."

"Naku bakit naman hindi ka sasama? Sayang naman yung experience friend. Para naman maexpose ka sa ibang lugar. Malay mo may makadiskubre pa sa talent mo. Hehe" Pagbibiro naman ni Tesa.
"Sumama ka na, hindi ba ready to go na kayo doon? Huwag mo na lang masyado pansinin si Pia. Alam mo namang insecure yun sayo. At nandoon si Tristan, hindi ka nun pababayaan." Pangeeganyo pa ng kaibigan.

"O siya. Pero sa isang Linggo yung kina Tristan hindi talaga ako sigurado. Alam mo ba na omorder siya ng kakanin kay Nanay? Pwede mo ba kaming tulungan sa paggawa Tesa?"

"Of course my friend! Kayang-kaya natin iyan."

"Salamat ha."

Pagdating nila sa eskwela ay sinalubong sila ni Tristan sa may pintuan ng classroom.

"Fina, kumusta?" Bati ni Tristan.

"Parang kagabi lang tayo nagkita Tristan? May problema ba?" Tanong naman niya.

"Wala naman. Siya nga pala nakita ko si Elcid kanina, at nangiimbita siya sa isang Linggo sa mansion nila?"

"Ahh oo, nangiimbita nga darating daw ang Mama niya galing yata ng Maynila, bibisitahin siya."
"Hindi ko nga sigurado kung makakadalo ako, umorder din kasi siya ng mga kakanin kay Nanay."

"Bakit hindi ka sasama? Baka isipin ni Elcid na iniiwasan mo talaga siya?"

"Eh hindi ba iyon naman ang dapat?" Sagot niya kay Tristan.

"Oo pero sa sitwasyon mo, ikaw lang naman ang may nililihim na damdamin. Kaya mas magiging halata kung palagi kang iiwas kay Elcid."

"Alam mo Tristan wala ka ng preno  kung pagsabihan mo ako noh?"

"Hindi naman sa ganun, pino-point out ko lang naman ang totoo."

"Tama ka na nga diyan." Inismiran kunwari ang binata.

Napagtanto niyang may punto nga naman ang binata. Tama ito, mas maganda siguro kung umakto siya ng normal sa harapan ni Elcid. Yung walang pagaalinlangan.
At naisip din niya si Pia. Sa mga inaasal nito ng mga nakaraang araw. Siguro ay nagseselos ito. Wala naman siyang dapat ipagselos. Wala siyang ginagawang bagay na makakapag paramdam nito ng selos. Halos hindi nga niya kibuin si Elcid kapag nasa ensayo sila. Maliban na lang kung may itatanong ito. Ayaw niyang magkaroon ng mahabang paguusap dito dahil alam niyang may mga matang laging nakabantay sa kanya.

"O ano Fina, saan na naman naglakbay ang isip mo?" Sabi ni Tristan.

"Oo na sige, dadalo na ako."

"Gusto mo isabay na kita. Dadaanan kita sa inyo."

"Okay sige. Salamat ha."

"Basta ikaw. Alam mo namang malakas ka sa akin. Ako lang ang hinde." Biro pa nito at bahagyang humilig pa ito sa balikat niya.

Eksaktong pagdaan naman si Elcid kasama ang ibang kamag-aral sa pasilyo at kitang kita niya ang inakto nina Fina at Tristan.
Nakita naman ng dalawa ito. Kahit medyo malayo tumango lamang si Elcid bilang pagbati. Ganun din naman si Tristan. Huli na para makapag react pa si Fina. 

Pilit na lamang siyang ngumiti kay Tristan. Naiintindihan naman kasi nito ang tunay niyang damdamin para kay Elcid.

Pagkatapos ng maghapon nilang klase, deretso na sila sa ensayo para naman sa banda. Nakahanda na ang lahat ng awitin na kanilang kakantahin para sa pag luwas nila sa Ilocos.
Pagdating nila sa silid, nagaantay na ang grupo.
Binati ang lahat at sinadya niyang hindi tumingin ni Fina kay Elcid.
Ganoon din naman ito, hindi rin ito tumingin sa kanyang gawi. Patuloy lamang siya sa pag tambol sa drumset.

Bago pa sila magsimula ay may sinabi muna si Pia.

"Guys, i have a request to make."
"Gusto ko sanang magkaroon ng solo performance para sa Ilocos gig." Surprise number para sa mga Tita at Tito ko. Kung okay lang sa inyo?"

Nagkatinginan naman lahat ng grupo. At kasunod ay ang nagtatanong na mga tingin ng lahat kay Fina.
Nahalata naman iyon ni Pia.

"Okay lang ba sayo Fina?" Tanong ni Pia.

"Oo naman. Magandang idea nga iyon. Siguradong matutuwa ang mga Tito at Tita mo Pia." Sinserong sagot ni Fina.

"Okay." simpleng sabi ng dalaga.
"Na-arrange ko na pala ang song. I dont really need the whole band with me. Si Tristan at ako na lang ang maguusap dahil gusto ko acoustic version." Pagpapatuloy pa nito.

"Okay." Pagsang ayon naman ng lahat sa dalaga.

-o-

Lumipas na ang mga araw ng ensayo sa banda at sa Sayaw sa Bangko. Ilang Dalawang Linggo na lang Intrams na nila. At pagkatapos nito ay kasunod naman ang biyahe ng grupo papunta ng Ilocos.
Padating na rin ang araw ng Linggo na salo-salo kina Elcid.
Ng huli niya itong makausap ay sinabi ng binata na siya na lamang ang sasadya para kuhanin ang kanyang mga inorder sa hapon ng Sabado.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon