Inihinto ni Tristan ang kaniyang sasakyan sa may tabing gate ng isang napakalaking bahay. Hindi na kasi ito makapasok sa loob sapagkat marami na ring sasakyang nakaparada sa harapan nito.
"Tristan hindi ba talaga nakakahiya. Parang andami niyo yatang bisita." Si Fina habang pababa na sila ng sasakyan.
"Don't worry, they won't bite." Pabirong sabi pa nito.
"Mga close relatives lang naman at mga family friends ang mga inimbitahan ni Mama."Napatingin na lamang si Fina sa kanyang paligid ng pumasok na sila sa garahe ng bahay nina Tristan. At tuloy tuloy ng pumasok sa bulwagan ng kabahayan.
Napanganga siya sa malawak na espasyo ng bahay. Kaytaas ng kisame at may napakalaking Chandelier sa gitna. May malaki itong living room, may stairway papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Sa bandang baba ng hagdan naman ay may Grand Piano pa na sa tantiya niya ay may malaking halaga sapagkat sa brand na Steinway na nakaukit dito.
Ang mga kagamitan ay premera klase. Pang mayaman sabi nga ng iba.
Hindi maikakailang may kaya ang may-ari ng bahay na iyon. Mansion na nga rin kung tutuusin.Nahihiya man si Fina kay Tristan ay huli na ang lahat kung uurong pa siya at yayaing umuwi si Tesa. Bigla kasi niyang naramdaman ang insekyuridad at nakita ang realidad at agwat ng buhay nila ni Tristan. Mayaman ito at ang pamilya niya. Paniguradong mas gugustuhin din ng pamilya nito na kasing alwa ng buhay ang makatuluyan ni Tristan pagdating ng araw.
Samantalang siya, mahirap ang buhay nilang mag-ina. Kung hindi pa sa dalawang trabaho na rin ng kanyang nanay ay hindi siya makakahabol sa mga bayarin sa San Jose High. Kaya gusto niyang mag-aral ng husto at makatapos hanggat kaya ng kanyang ina. Gusto niyang matupad ang mga pangarap niya at para sa kanyang ina. Kaya sa ngayon mas makabubuti sigurong ignorahin niya na muna kung ano man ang nararamdaman niya para kay Tristan.
Tutal pareho pa naman silang mga bata pa. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga seryosong relasyon. Determinado na siya na hindi muna siya magpapaligaw."Wow!" Ang laki naman ng bahay niyo Tristan, nakakalula!" Kumento ni Tesa.
"Hindi ko ito bahay, bahay ito ng aking mga magulang." Pasimpleng tugon nito.
"Eh hindi ba nagiisang anak ka? E di mamanahin mo din naman ito sa kanila hindi ba?" Dagdag pa ng napakausisang si Tesa.
Nagpatuloy na sila ng paglakad papunta sa may likod ng bahay. Nandoon kasi ang reception ng party. May swimming pool doon na nilaglagan ng mga petals ng rosas at may mga floating candles pa. Eleganteng-elegante ang pagkakaayos ng mga lamesa. May banda ring umukupa ng maliit na stage. Naghahanda na rin ang mga ito para sa mga kantahan.
Nagkaumpukan na ang lahat sa paligid ng may kaarawan at patapos na ang kantang "happy birthday" nang makalapit na sila sa mga ito.
"Happy birthday to youuuu..." At nagpalakpakan na ang lahat sabay bati ng mga bisita. Nagbeso-beso pa ang ibang mga bisita sa Mama ni Tristan.
Nilapitan ni Tristan ang ina.
"Mama, Happy happy birthday." Yapos niya ang ina at kinintalan pa ng halik sa noo.
Napansin naman ni Tristan na wala pa ang kanyang Papa.
"Where's Papa?"
"Hay naku iho, hindi kana nasanay sa Papa mo."
"As usual... male late daw siya may problema yata sa ISCorp."
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.