Hindi naman mapakali si Tristan. Palakad-lakad at pabalik-balik ng tingin sa gate. Halatang may hinihintay.
"Bro! Dont worry darating din yung mga iyon." Sabi ni Cris.
"Ewan ko ba kasi sa iyo Bro! Tagal na niyan hindi mo pa nasabi kay Fina?" Gatong naman ni Carlo.
"Kayo talaga puro biro!" Depensa naman ni Tristan.
Nilapitan naman siya ni Dave. Seryoso itong nagtanong kay Tristan.
"Bro! Bakit hindi mo pa kasi ligawan? Alam mo ang babae hindi yan nakukuha sa paramdam. Dapat isaloob mo rin!"
"Lalo na sa tipo ni Fina."
"Masyado siyang inosente sa mga ganyan. Eh hindi ba wala pa siyang nagiging nobyo?"
"Bago ka maunahan ng iba, kung ako sa iyo unahan mo na!"
"Ikaw din." Pagbabanta nito."Sa palagay mo bro may pag-asa ako kay Fina?"
"Alam mo kung malinis naman ang intensiyon bakit naman hindi?"
"At matagal mo na rin siya kakilala hindi ba?"
"Basta kami Bro! Suportado kami sa iyo!" Hiyaw naman ni Cris at Carlo at parang alam ng mga ito ang seryosong pinaguusapan ng dalawa.
Ilang minuto pa ay dumating na rin sina Elcid. Sinalubong naman ni Dave ang mga ito at pinapasok sa gate.
Nagsibabaan na ang lahat sa sasakyan at niyaya na ni Dave ang lahat para tumuloy sa hapag."Ang tagal niyo naman kanina pa kami gutom." Sabi ni Cris.
Si Tristan naman ay nilapitan si Fina.
"Okay lang ba sa Nanay mo Fina ang pagpunta mo dito?""Okay lang naman. Ipinagpaalam ako ni Elcid... A-At ni Pia." Dagdag niya.
"Ah ganun ba. Okay." Sabi nito.
Wala namang masyadong bisita. At sila- sila nga lamang ang nandoon. Maliban na lamang sa ibang pinsan at Tito at Tita ni Dave na nag alaga sa kanya.
Nagpa-cater na lamang ang mga ito para hindi na abala pa sa mga Tita niya.Tumuloy na silang lahat sa loob ng bahay at nagsipag kuha na ng makakain.
Iniistima ni Pia si Elcid. Inabutan ito ng pinggan. Sinalinan ng pagkain sa plato. Tinatanong kung ano ang gusto.
"Ahm Pia this is enough. Thank you." Sabi kay Pia na halos punuin nito ng pagkain ang plato ni Elcid.
Napansin siya ni Elcid na wala pa siyang plato kaya inabutan siya nito.
"Fina here's plate for you."
Inabot niya ito at nagpasalamat.Napansin naman niya ang pagsimangot ni Pia sa kanya.
"Friend, hindi kaba nasaktan? Tanong ni Tesa
"Saan?" Tanong ni Fina.
"Kasi naapakan ko ang hair mo!"
"Ang haba kasi masyado ng hair mo!"
"Saan ka pa! Pinagsisilbihan ka!"
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.