Chapter 29.2

600 29 2
                                        

Huling dumating si Tristan sa silid para sa kanilang meeting. Bago pa sila magsimula ay kinausap ng binata si Fina sa isang tabi. Gustong magpaalam ni Tristan sa dalaga kung ito na ba ang tamang pagkakataon na ipaalam sa kanilang mga kasama ang kanyang pagalis sa banda.

Naiintindihan naman ni Fina ang katayuan ng lalaki. Kung kailan niya pinatatagal ang pagpapalam sa mga ito ay mas mahihirapan silang makapag adjust sa kanyang nalalapit na pagkawala. Gusto rin niya na maging maganda ang maging trato ng mga ito kay Pia bilang isang lead vocals.

Napansin naman ni Elcid na parang seryoso na nagbubulungan ang dalawa sa isang tabi. Habang patuloy siya sa pagtambol ng drums ay nakatuon naman ang kanyang paningin kina Fina at Tristan.

Hindi nagtagal ay binuksan na ni Tristan ang paksa tungkol sa kanilang pag-alis papunta ng Ilocos. Handa na ang kanilang mga waver at isa-isa iyong iniabot sa mga kasamahan upang mapapirma sa kanilang mga magulang or guardian. At idinitalye na nito ang mga dapat dalhin sa kanilang mga gamit. Ang kanilang paglalagi ng halos tatlong araw. Ang oras at kung saan sila magkikita-kita. Iisang sasakyan lamang ang maari nilang sakyan. Ang Van na nirentahan ng mga Tito at Tita ni Pia upang maghatid sa kanila sa Ilocos at maghatid sa kanila pabalik ng San Jose.

"Okay guys, any other questions?" Tanong ni Tristan. Umiling naman ang lahat tanda na wala ng tanong ang iba pa.

"Okay kung wala na kayong tanong, may sasabihin sana ako sa inyo." Seryosong sabi ni Tristan. Tumingin ito kay Fina bilang paghingi ng permiso sa kanyang sasabihin.

"I don't know how to say this, but i want you all know na napag-usapan na namin ni Fina ito. As your leader of this band, i had to discussed this with her many times and unfortunately she have already decided that.... She is leaving the band." Malungkot na pagbabalita ng binata.

"Whattttttt????!" Halos sabay-sabay na sabi at pagkagulat ng mga kalalakihan sa grupo. Napanganga at nanlaki  naman ang mga mata ni Pia sa kanyang narinig.

"What do you mean she's leaving the band? How about the Ilocos gig?!" Si Pia na nag-aalala para sa kanilang ilocos trip.

"Fina, why dont you tell them what we have agreed." Sabi ni Tristan.

"Sasama parin ako sa Ilocos. And i will finish all the commitments ng banda up to the end of the school year." Patuloy naman ni Fina.

"Pero sino ang papalit na maging lead vocals natin?!" Hindi maipinta ang mukha ni Cris.

"Sino pa ba ang qualified na maging lead vocals, huwag na tayong lumayo. Pia is the only person na magrereplace sa akin. We dont need anyone else. We can get another back up singer." Sabi ni Fina sa mga ito.

Napanganga naman si Pia sa pagkagulat. Hindi niya ito inaasahan. Gayun din naman sina Cris, Carlo at Elcid. Tahimik na lamang ang tatlo sa mga sinabi ni Fina.

"Fina, pwede bang malaman ang dahilan kung bakit ka aalis? Ayaw mo na ba kaming kasama? Nagsawa ka na ba sa pagmumukha namin? Tanong ni Carlo.

Napalunok naman ang dalaga at napatingin kay Tristan. Bumuntung hininga siya at nagsalita.

"Hindi naman sa ganun..."
"Masyado na kasing kinakain ng oras ko ang mga practice natin sa banda at gusto ko ring e-focus muna ang sarili ko sa pag-aaral. Gusto ko kasing mag-qualify sa scholarship na inooffer ng school for Collage." Maliban sa pag-iwas kina Pia at Elcid ay may halong katotohanan naman ang sinambit ng dalaga.
Kailangan niya ang suporta ng scholarship para makapag-aral siya ng kolehiyo. Habang maaga ay gusto na niyang paghandaan ito. Isang taon na lamang ay magtatapos na siya ng 4th year Higschool. Gusto niyang tumungtong ng kolehiyo. Gusto niyang maging nurse. Iyon ang kursong napili niya at gusto niya. 
Sa hirap ng kanilang buhay alam niyang kailangang bunuin iyon ng kaniyang ina para lamang makapasok siya. Hindi nito kakayanin na magisang pagtrabahuhan ang kanyang mga gagastusin para sa kurso na pinili niya. At kung kinakailangang magtrabaho siya para makatulong dito ay gagawin niya.

"Kaya sana kung ano ang trato niyo sa akin ganun din ang gawin niyo kung may bago mang miyembro na magiging parte ng bandang ito. At ganun din sana kayo sa magiging bago niyong lead vocalist." Pakiusap ng dalaga.

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan? I mean, we can work things out naman sa mga schedule ng practice." Sabi pa ni Carlo.

Sumabat naman si Pia.
"Fina, I'm glad you told us early. At least we can start to find a back up singer di ba? And don't worry about us. I understand your situation. Sometimes we have to prioritize things right? And you just chose the right thing for you."
"Guys, ano ba naman kayo! Let's not be sad coz Fina is leaving, instead let's celebrate her. Kasi she is choosing her dream. And she need this. We should support and understand her. Hindi naman siya mawawala or something, she'll be around the school... And don't you worry Fina, the band will do just fine without you. Goodluck sa'yo ha." Malawak ang pagkakangiti ni Pia ng sinabi ang lahat ng ito.

"Thank you Pia." Sabi na lamang niya sa dalaga. Hindi malaman ni fina kung sarkastiko ba ang babae o may halong katotohanan ang mga sinabi nito.

Samantala napadako naman ang tingin ni Fina kay Elcid, tahimik lamang ito na nakikinig sa lahat. Hindi maipinta sa mukha nito kung malungkot ba ito, galit o nabigla lamang sa narinig. Nagsalita naman si Tristan kapagdaka.

"Fina, we just want you to know na our friendship doesn't end here. Kahit hindi ka na maging bahagi ng banda, we're still your friends. Sana huwag mong kalilimutan yan." Sabi pa ng binata.

"Tama si Tristan, hindi ka na iba sa amin. Kaya anything you need na makakatulong kami, don't hesitate to call us." Sabi ni Cris.

"Oo naman, salamat sa understanding. At sa lahat-lahat ng pinagsamahan natin. Siyempre nakatatak na sa puso ko ang SJ Medley." Pilit na ngiti naman ni Fina kahit nakakaramdam na siya ng lungkot. Mahirap at masakit sa kanya ang bagay na dapat niyang gawin. Pero ito na ang kanyang napagdesisyunan. Magiging okay din ang lahat sabi naman niya sa isip.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon