Kung anong hirap para kay Elcid ang pagaadjust sa Maynila , ay yun namang bilis para kay Fina ang masanay sa pagkawala ng dating kababata.
Pagkatapos niyang magtapos ng elementarya pinilit ng kanyang Ina na ma enroll siya sa San Jose Highschool. Ginawang semi-private na kasi ito ng pamahalaan at hindi na makakaya pa ng kanyang ina kung i-eenroll pa siya sa ibang pampublikong iskwela sa may karatig bayan. Mas magiging hindi praktikal kasi ito. Magiging mahirap din para kanya sa araw-araw niyang pagpasok.
1st year highschool at umpisa na ng pasukan.
"Fina! Halika ka na at mahuhuli na tayo!" Ang hiyaw ng napakalas na boses ng kanyang naging matalik nang kaibigang si Tesa.Lulan ito ng tricycle ng kanyang Tatay.
"Oo andiyan na!" At nagmamadaling paglabas niya ng kanilang bahay.
"Magandang umaga po mang Delfin." Bati niya sa ama ni Tesa.
"Magandang umaga naman anak."
"Hay naku! ewan ko ba kasi sayo napakatagal mong mag-ayos!" Pagsita kaagad ng kaibigan at hindi pa nga nakakaupo sa loob ng tricycle.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa harap ng salamin? Nakikipagtitigan kaba sa sarili mo?"
Inirapan niya ang kaibigan."Inihanda ko po kasi ang mga rekadong gagamitin ni Nanay mamaya para sa mga kakanin." Pagdadahilan niya.
"Ows talaga lang ah? Pero bakit may kakaiba sa hitsura mo ngayon?"
Pambubuska ng kaibigan."Anong iba?" Patay malisya niyang tanong.
"Saan ang punta mo?!" "Bakit kapa nag makeup?!" Sabay tawa.
"Anong make up?! Hindi kaya!" Pagkakaila niya.
"Pulbos lang yan, ano kaba!""Pulbos? Baka naman pati harinang bigas ni Nanay Sol eh hindi mo na pinatawad?!" Sabay hagalpak ng kaibigan.
"Hoy Fina, papasok lang tayo sa eskwela, hindi ka mag-mu-muse doon". Pandagdag asar pa ng kaibigan.
"Bakit ano namang masama kung mag-ayos?!" Giit niya.
"Tesa, walang masamang maging presentable. Palibhasa kasi ikaw wala kang paki kahit mukhang panis kana sa maghapon mo." Ganting buska naman niya sa kaibigan.Ganun sila palagi ni Tesa. Nagbibiruan at nagaasaran. Mula ng makilala niya ito, hindi na naghiwalay ang dalawa. Madalas umistambay ito sa kanilang bahay. Lalo na kapag walang pasok. Minsan ay tumutulong tulong din kapag gumagawa sila ng kakanin ng kanyang ina. Pagkatapos kasi noon ay padadalhan niya si Tesa ng kakanin para maiuwi sa kanila. Ikinatututuwa naman iyon palagi ng kababata.
Palagi rin siyang kaagapay ni Tesa sa kanilang mga aralin. Mas matalino kasi ito lalo na pagdating sa Math subject. Siya naman ay mahilig sa History. Na pinakaayaw naman ng kababata.
Nagpatuloy ang pagiging iskolar ng kaibigan sa tulong narin ng programa ng Mayor sa kanilang bayan. Kailangan lang mamintina ni Tesa ang kanyang mga grado para hindi mawala ang kaniyang pagiging iskolar.Hindi man siya ganun katalino gaya ng kaibigan, hindi rin naman pahuhuli ang kanyang mga grado noong nasa elementarya pa lamang siya. Kaya nga pareho sila ni Tesa na napunta sa higher section base na rin sa kanilang mga grado. Gusto niyang pagbutihan pa ang kaniyang pagaaral upang makatapos at upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina. Pangarap kasi niya na magkaroon ng sariling restaurant o kaya naman ay patahian ito.
Mula kasi ng magenroll siya sa San Jose High maliban sa pagtitinda ng kakanin napilitan ang kanyang ina na pumasok sa isang alteration shop malapit sa may Centro sa kanilang bayan. Marunong kasi itong tumabas ng mga tela at gumawa ng mga simpleng mga damit. Napagaralan ito ng kanyang ina sa yumao niyang Lola.
-o-
Kagagaling lamang nina Fina at Tesa sa Library isang araw. Paglabas ng dalawa eh hindi mapigilan ang kakatawa.
"Hahaha!" Ano ba yan may kagandahan pa naman sana si Maam Marilen. Kaso ututin pala!" Walang ampat sa pagtawa si Tesa.
"Sssshhh.." Wag ka ngang maingay ang lakas ng boses mo." Sabay hagikgik na rin niya.
Narinig kasi nilang napautot ang kanilang matandang dalagang Librarian ng mapadaan ito kanina sa kanilang gawi sa loob ng Library.Habang tawa parin ng tawa ang kaibigang si Tesa, biglang natahimik naman si Fina.
"Sssshhhhh..." Si Fina.
"Bakit na naman?" Tanong nito.
Magsasalita pa sana si Tesa ng biglang takpan nito ang kaniyang bibig."Hindi mo ba yun naririnig?"
"Ang alin?" Pagtataka ni Tesa.Patuloy parin sila sa paglakad.
"Yung kumakanta, ang ganda ng boses niya."
Narinig na rin ito ng kaibigan."Halika hanapin natin kung saan nanggagaling yun." Yaya naman ng Kaibigan. At nagpatiuna na ito.
Sumunod naman siya.Hanggang sa nasa dulo na sila ng Pathway. At malapit doon ay isang kubo na pwedeng tambayan ng mga mag-aaral. At doon nangagaling ang magandnag boses ng isang lalaki habang nanggigitara. Nakapaligid din sa kanya ang ibang mag-aaral na halatang naaaliw sa boses niya. Nakinig lang sila sa may di kalayuan.
"Wow! Parang Ariel Rivera lang kung bumanat". Komento ni Tesa.
Tahimik parin at nakangiting nakikinig si Fina.
Ng matapos na sa pagkanta ang lalaki pinapalakpakan siya ng mga nakapaligid dito. At biglang napadako ang tingin sa kinaroroonan nilang magkaibigan.
Nginitian siya nito. Ngumiti rin naman siya at nahihiyang nagbaba ng tingin.Siyang paghuli naman ni Tesa ng reaksiyon nya sa kababatang si Fina.
"Wowwww.. Ang ganda mo friend!" Pagbibiro nito. Sabay siko sa kababata.
At nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa kanilang klase.
May itinatanong si Tesa tungkol sa kanilang aralin ng mapansin niyang ngingiti ngiti ang kaibigan na parang wala sa sarili."Uy grabe ka!" Sabay kalabit kay Fina.
"Hoy, Fina! Nasa lupa ka palang wala pa sa langit. Kung makangiti ka para kang nasa alapaap. Nginitian ka lang para ka ng lutang diyan"!
"Hayaan mo na nga ako Tesa." "Bawal ba ang humanga?"
"Humanga?! Agad-agad crush mo?" Di mo pa nga alam kung marunong yung magsipilyo. Sa malayo mo palang siya nakita. Pag kinausap ka niyan panigurado bad breath yan!" Patawang biro ng kaibigan.
"Alam mo panira ka ng moment"!
Nahahawa na tuloy siya sa mga linya ng kaibigan."Pero kung sabagay maganda ang boses, marunong pang manggitara, hindi rin kapangitan. Pwede na rin".. Si Tesa.
"Teka lang, baka naman kasama siya sa Choir ng school? Pagpapatuloy ni Tesa.
Umaliwalas pang lalo ang mukha ni Fina."Bakit hindi mo alamin?" Paguutos sa kaibigan.
"Pagiisipan ko..."sabi naman ni Tesa sabay pagtaas ng kilay sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomantiekNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.