Samantala sa Maynila. Inip na inip na si Elcid sa napakalaking mansion ng kanyang lolo. Inaasahan kasi niya pagkatapos ng libing ng kanyang Lolo Ignacio ay kaagad na silang babalik ng kanyang mga magulang sa San Jose. Kaylungkot ng bawat araw na lumipas. Namimiss na niya ang kanyang mga dating kababata. Ang paglalaro ng Basketball, si Lani, si Fina. Si Fina, na hindi man lang niya nasilayan o nakausap bago man lang siya umalis. Gusto rin sana niya itong i-congratulate sa kanilang pagtatapos ng grade six. Kaya nga lamang hindi niya ito naabutan ng sadyanin niya ito sa kanilang bahay. Wala rin ang ina ni Fina ng araw na iyon.
Sadyang naging mailap kasi ang kababata mula ng hingin niya ang pabor dito na magkalapit sila ni Lani. Kapag tinatanong naman niya si Lani kung bakit hindi na nila nakakasama si Fina ay panay "ayaw niya sumama" ..ang laging sinasabi nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang namimiss niya ito. Hinahanap-hanap ang presensya ng dating kababata.Mahigit dalawang oras na siyang nakakulong sa kanyang kwarto ng hindi niya matiis na lumabas. Dere-deretso sya sa Library ng kanyang amang si Thomas. Naabutan niyang magkausap ang kaniyang ama, ang Inang si Miranda at ang abogado ng kanyang Lolo Ignacio na si Atty Belmonte.
"Papa can i please talk to you?" Si Elcid.
"Can this wait?" tanong ng kanyang ama.
"Nope". Si Elcid na seryosong seryoso ang hitsura.
Nagkatinginan ang magasawabv Villaflor.
Nagpaexcuse si Thomas sa mga kaharap at lumabas ng Library kasunod naman si Elcid."What is it that you need?" "Hindi mo ba nakitang may ka meeting ako Elcid?" ang kanyang ama.
"Papa, when are we going back to San Jose?" Tanong niya.
Tinitigan siya ng kanyang ama.
"Son, Im afraid its not going to be soon". Pagtatapat ng kanyang ama.
"But why Papa?" Pagrereklamo sa ama.
"Lolo is gone, and there's no reason for us to stay here.""Elcid, you may not understand this yet. But I want you start learning how to live this life that you have."
Anak isa kang Villaflor. Hindi ka isang pangkaraniwang bata lamang na papasok sa school at uuwi ng bahay. Maglalaro ng basketball maghapon kagaya ng iba mong mga kaklase sa San Jose"."Your life doesn't depend in San Jose."
"In due time you have to know and manage our business. "Kaya habang maaga pa lang gusto ko ng ipaalam sayo ang mga bagay na ito. Dahil darating ang araw, all of this can be yours. You alone at ng magiging pamilya mo." Paliwanag ng ama.
Hindi pa rin maintindihan ni Elcid ang mga sinabi ng ama. Ang pagbabalik sa San Jose ang ninananis kasi ng damdamin niya.
Iniwan na siya ng ama at tumuloy naman siya sa kwarto ng kanyang yumaong Lolo Ignacio. Nakita niya ang malaking kwadro ng Lolo niya nya doon. Pinagmasdan niya ito. Bumalik tuloy sa kanyang alaala ang mga masasayang araw na nakasama niya ang kanyang lolo.
Hindi man tanggap ng kanyang lolo ang kanyang ina noon, hindi siya kinamuhian nito. Bagkus magiliw siyang tinanggap ng matanda. Lagi siya nitong pinadadalhan ng mga mamahaling damit, laruan, chocolates at kung ano-anu pa. Lalo na pagka nanggaling ito sa mga business trips sa ibang bansa. Madalas din siyang ipaluwas ng Lolo niya noon tuwing bakasyon upang hiramin sa kanyang mga magulang. Hindi naman na tumutol ang kanyang ina sa mga ganung pagkakataon.
Laging sinasabi ng kanyang Lolo Ignacio sa kanya na mag-aral ng mabuti. Maging masipag at masikap sa buhay. Dahil darating ang araw na walang ibang pupuntahan ang lahat ng kanyang pinapaguran kundi sa kanya. Dahil siya lamang ang kaisa-isang apo na maaring magmana ng lahat ng kanyang ari-arian.
Dismayado kasi ang kanyang Abuelo sa kapatid ng kanyang ama, ang Tita Maricel niya. Mas pinili kasi nitong manirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang banyagang asawa. At dahil na rin sa pangengealam ng matanda. At napagdesisyunan kasi ng kanyang Tita Maricel at asawa nito na hindi magkakaroon ng anak. Kaya masamang-masama ang loob ng kanyang Lolo.
Umuwi lamang ang Tita maricel niya upang daluhan ang pagkamatay nito. Hindi na nito naabutang buhay pa ang matanda. At nung nakaratay ito sa Hospital. Dahil na rin sa mga commitments nito sa pagiging misyunero. Nagkataong nasa Africa kasi ang mga ito ng ibalita sa kanya ang pag-panaw ng ama.
Kinagabihan kinatok siya ng kanyang Mama para yayaing kumain.
"Elcid iho, dinner is ready." Pagtawag ng Ina.
"Im not hungry Mama."
"But iho you've been skipping meals since we came here. Baka magkasakit ka niyan. Please open the door." Pakiusap ng kanyang ina.
Pinagbuksan ang ina.
"Mama, im so bored here. Can we just go back to our own house?" Pagrereklamo niya.
"Im sorry iho, i know this is a big change for you. We can't just leave everything behind here. May mga naiwang business ang Lolo Ignacio mo na dapat asikasuhin ng iyong Papa."
"Mama, pwedeng ako na lang ang pauwiin mo sa San Jose." giit pa niya.
"Ano ba ang gusto mong balikan sa San Jose?"
"Mama, my friends are there. Hindi na nga rin ako nakapagpaalam sa kanila bago ang graduation eh!" Pagmamaktol niya.
"Well, you can make new friends here in Manila. Sanayin mo na ang sarili mo dito Elcid. This is now our new home whether you like it or not." Pangkaklaro ng ina.
"Mama, pleaseeeee..."
"Elcid, can you please be more mature about this?" We can't just go back to San Jose just because you wanted to!" Pangsesermon ng Ina.
"Now get up and fix yourself at sumunod kana sa hapag at lalamig ang pagkain." Dagdag pa ng kanyang Mama na medyo tumaas na ang boses dahil sa kakulitan niya.
Natahimik na lang siya.
Wala ng nagawa sa sinabi ng ina. Hindi niya ito mapipilit kahit ano pa ang pakiusap nito sa mga magulang.
Wala na nga talaga siyang ibang pagpipilian kundi ang masanay sa buhay sa Maynila.Mahirap man pipilitin niyang mamuhay malayo sa San Jose. Gagawin niya ang utos ng mga magulang hindi dahil yun ang gusto niya. Kundi dahil sa pinanghahawakan niyang pangako sa sarili na balang araw babalik at babalik siya sa lugar na kanyang kinamulatan.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.