Chapter 12.2

781 24 0
                                        

Kung ano ang lakas ng ulan ng kulog at kidlat sa labas ay ganun naman ang katahimikan na namamagitan kina Elcid at Fina sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan.

Lagi lang ang buntung hininga ni Elcid. Siya naman ay nakatitig sa magkahalukipkip niyang mga kamay.

Paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay nina Fina ay kaagad na siyang nagtanggal ng seatbelt.

"Fina wait!" Si Elcid at hinawakan ang kamay nito bago pa tuluyang matanggal ang seatbelt niya.

Napatitig naman siya kay Elcid.

"Wait here!" Sabi ng binata.

Bumaba ito ng sasakyan ng hindi alintana ang ulan. May kinuha itong jacket sa may pinakalikod ng sasakyan. At tumungo sa tapat ng pintuan niya. Binuksan ni Elcid ang pintuan upang alalayan siya.

"Elcid anong ginagawa mo?"

"Halika ka na Fina.!" "Para hindi ka mabasa."

Inilalayan siya ni Elcid makababa ng sasakyan at pareho silang sumuklob sa jacket ni Elcid.

"Hindi mo na kailangang gawin ito." Sabi pa niya. Habang mabilis silang naglakad patungo sa pronta ng pintuan nina Fina.

"Ayokong magkasakit ka." May haplos naman sa puso niya ang mga sinabi nito.
'Tama ba ang narinig ko? May pagaalala si Elcid sa akin?' Sa isip ng dalaga.

"Atska kasi baka malagot ako kay Nanay Sol. Baka hindi na niya ako bigyan ng paborito kong ube. Hehe!" Pagbibiro ni Elcid.

"Ano kaba?! Noong mga bata nga tayo naabutan din tayo ng ulan noon kapag naglalakad. Hindi naman tayo nagkakasakit."
Hindi niya sinasadyang alalahanin ang mga nakaraan. Ngunit natural na lang itong lumabas sa kanyang bibig.

"Hindi mo pa pala nakakalimutan iyon?"
"Akala ko kasi wala ka ng maalala sa mga panahon na magkakasama tayo." Pasimpleng sabi ni Elcid.


"Oo, naman. May mga bagay naman na hindi mo agad makakalimutan." Sabi na lang niya.

Nasa tapat na sila ng pintuan nina Fina. Hindi na inalis ni Elcid ang Jacket niya sa mga balikat ng dalaga.

Tumuwid ito ng tayo at inayos ang pagakakabalabal ng Jacket sa balikat ng dalaga. Alam kasi ni Elcid na ngatog na ito sa lamig kanina pa.
"Magpalit ka kaagad ng damit." Sabi pa nito.

Aakto na siyang paalis. Ngunit hinila ni Fina ang braso nito.

"Pero Elcid, mababasa ka."

"Okay lang ako.
"Pumasok ka na sa loob."
"Goodnight Fina."

"Isasauli ko na lang ang Jacket mo bukas. Salamat at Mag-iingat ka." Iyon na lang ang kanyang nasabi.

"You dont need to. You can keep it."
Sabay kindat pa ni Elcid sa kanya.

Tumakbo na nga ito patungo sa nakaparadang sasakyan niya. Hindi pa siya pumasok kaagad ng bahay. Hinintay niya hanggang makalayo at mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Elcid.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon