Kalahating oras ng nakaalis sina Fina at Tristan ngunit hindi pa rin maipinta ang mukha ni Pia ng magbalik si Elcid sa grupo pagkahatid sa may pinto sa dalawa.
Nagpaalam naman na ang kanyang Mama na magpapahinga na kay Pia at iba pang kasama.
"I hope to see you again, Pia iha." sabi pa ng mama ni Elcid.
"Same here Tita, i hope I can visit you in Manila sometime. Madalas po kasing bumyahe ang Tita ko doon and sometimes I go with her."
"Ganun ba? Just let me know and you're always welcome to visit me there. Sabihan mo lang si Elcid."
"Sure Tita!"
"Okay, goodnight!" At nagbeso-beso pa ito sa dalaga.
Humalik na rin si elcid sa Mama nito at tuluyan na nga silang iniwan.
"Pia, can we talk?" bulong ni Elcid.
Lumayo naman ang dalawa upang pribadong makapagusap.
"Do you have a problem with Fina?"
"What do you mean?" pagmamaang-maangan ng dalaga.
"Are you really jealous of her?" direktang tanong ng lalaki.
"Do you wanna know the truth?"
"Yes! im jealous!!" Bahagyang taas ng boses nito.
"Hindi ba sabi ko sa'yo, there's no reason for you to be jealous. She is our friend."
"Our friend?" sarkastikong tanong pa nito.
"She maybe your friend, but she's not my friend. We maybe in the same group but we we're never close. I have my own friends."
"Why are you so jealous of her?"
"Because i know she likes you! In case you don't notice." Turan nito.
Gulong-gulo naman si elcid sa tinuran ng kasintahan.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na iyan?" kalmadong tanong ni Elcid.
"I'm not blind. When she looks at you i know there's something."
"So, basically this are just your feelings, to all of these? Because of what you saw? That she stares at me? At binibigyan mo na ng meaning iyon? Tama ba?"
"Binabantayan mo ba ang mga kilos niya? Pati na rin ba ako binabantayan mo rin?"
Hindi naman makatingin ng deretso si Pia kay Elcid.
"Did you say something to my Mom about this?"
Hindi kumibo si Pia. Ang pagtahimik nito ang siya na ring sagot na may nabanggit nga ito sa kanyang Mama. Kaya siguro siya kinausap ng kanyang Mama kanina. Hindi niya malaman kung ano ang mga bagay na sinabi ni Pia sa ina. Ayaw niyang madamay si Fina sa mga inaakala ni Pia tungkol sa dalaga at sa kung ano man ang kanyang nadarama. Ngunit sa isang bahagi ng kanyang damdamin, hindi nga ba may katotohanan ang mga dahilan ni Pia para magselos ito? Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Hindi ito patas sa dalaga.
"So what do you want me to do?" Bawi na lamang niyang tanong kay Pia.
Bumuntung hininga ang babae at sinabi ang gustong mangyari.
"I want you to avoid her."
"Pia, you know I can't do that. Nasa iisang grupo tayo. And to also remind you na kami ang magkapareha sa sayaw natin."
"I know! But i don't want you to offer her a ride and take her home all the time. And just to also remind you, there's Tristan! You might want to consider his feelings. We all know na sila hindi ba? Kahit hindi nila inaamin."
"Let's not fight over things that we're not even sure of." Sabi pa ni elcid.
"I just hope na matapos na ang Intrams na yan! I really can't trust her. I don't trust her Elcid!"
Parang naiiyak ng sabi nito. Inalo na lamang ni elcid ang kasintahan at niyakap ito.
"Okay, i'll do what you want but please leave Fina out of this."
"If you're that jealous of her then i'll try to avoid her as much as possible."
"Let's not create issues lalo na nasa iisang grupo tayo. It's not fair to Fina and drag her into this, because of what you feel towards her. Fina is not a bad person, I've known her since we we're little."
"But Elcid, babae din ako. I can feel she likes you."
"Let's not get into that either. Let's pretend this issue did not occur. Let's forget about Fina okay?"
Sabi na lamang ni Elcid para tuluyan ng kumalma ang dalaga.
Umayon naman ito kay Elcid at nagpaamo na siya dito.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang iba nilang kasamahan maliban kay Pia. Naiwan silang dalawa na lamang sa may Lawn. Gustong magpahatid ni Pia kay Elcid ngunit malalim na masyado ang gabi at kakagaling lang niya sa sakit. Kaya pumayag na rin si Pia na ang driver na lamang ang maghatid sa kanya.
Nakaakbay si Elcid sa kasintahan habang naglalakad na sila patungo sa may garahe ngunit bigla na lamang humarap sa kanya at napahinto sila sa paglakad.
"Babe, do you love me?" Sa tonong paglalambing nito. At ipinulupot nito ang mga braso sa batok ni Elcid.
"Of course!" sagot ni elcid.
"Of course what?!" Sa nang-aakit na ting ni Pia.
"Of course, I love you!" Sabi ni elcid.
Hanggang tenga naman ang ngiti ni Pia ng marinig ang mga katagang iyon at bigla na lamang niyang kinabig palapit pa ng husto si elcid. Napahawak naman ang binata sa likod ng dalaga. Damang-dama na niya ang mga dibdib nito sa kanilang pagkakadikit. Hindi naman niya naiwasan at biglang uminit ang kanyang pakiramdam. Inumpisahan naman siyang halikan ng dalaga. Tumugon naman siya. Nagpalitan sila ng halik, naging masidhi ang mga halik ni Pia. Ayaw mawala sa katinuan ni Elcid sa ginagawang paghalik ni Pia sa kanya. Baka may makakita sa kanila biglang paalala ng isip niya.
Kaya siya na ang umawat kay Pia sa ginagawa nito.
""P-Pia, its getting late ipapahatid na kita." Sabi niya sa pagitan ng mga paghalik nito.
Tumigil naman ang dalaga.
"i love you..." Sambit pa ng dalaga. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Ngumiti naman si Elcid.
Pag-alis naman ni Pia napahawak na lamang si Elcid sa ulo nito, pumikit at bumuntong hininga. Hindi naalis sa isip niya si Fina. Paano niya iiwasan ito? At ano ang katotohanan sa mga sinabi ni Pia na may gusto ito sa kanya? Alam niyang sa isip lamang iyon ng kasintahan dahil sa pagseselos nito. Pero bakit parang gusto niyang malaman kung totoo nga ito?
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.