Chapter 20.1

613 28 4
                                    

Hindi nakapasok sa eskwelahan si Fina ng tatlong araw. Ipinahinga niyang mabuti ang kanyang namamagang paa na ngayon ay unti-unti ng gumagaling. Sa tatlong araw niyang pananatili sa bahay hindi ni minsan nawaglit si Elcid sa kanyang isip. Ang pagpangko nito sa kanya at pagdala sa ospital. Hindi niya maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ng lalaki kung bakit niya iyon ginawa. Lalo na at nasaksihan pa naman ito ng kanyang kasintahang si Pia. Hindi na niya nakita ang reaksiyon nito ng bigla siyang buhatin ni Elcid. Nakatuon kasi sa sakit ng kanyang paa at ang pagkagulat sa ginawa ni Elcid ang kanyang atensiyon. Ngunit siguradong-sigurado siya na sa ginawang iyon ni Elcid ay galit na galit ito ngayon sa kanya. Alam na kasi niya na pinagseselosan siya ng dalaga.
Lagi naman umuukilkil ang tanong sa isip niya kung bakit? Ito naman ang kasintahan ni Elcid. At wala naman siyang intensiyon na pagselosin ito. At hindi rin lingid sa kanya na iniiwasan siyang madalas ng binata. Hindi siya manhid para hindi iyon maramdaman. Gusto niyang umakto ng normal kapag kasama ang mga ito, ngunit lagi na lamang may patutsada si Pia sa kanya. Kaya minsan tuloy ay alangan siyang kausapin ito lalo na si Elcid dahil alam niyang pinagmamasadan ng dalaga ang kilos niya at kung paano siya makitungo sa binata. Hindi na niya malaman kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili.

Napabuga na lamang siya ng hangin. Ipinilig ang kanyang ulo at inumpisahang gawin ang kanyang mga aralin. Kailangan niyang ituon ang kanyang atensiyon sa pag-aaral. May mga dapat siyang aralin dahil nahuli siya sa lectures sa hindi pagpasok ng tatlong araw. Hapon na noon at malapit na siyang matapos sa ginagawa ng mapasulpot ang kaibigang si Tesa.

"Friend, how are you?" Pangungumusta nito.

"Okay naman na. Baka pumasok na ako bukas."

"Pasensya ka na ngayon lang kita napuntahan ha. Medyo busy na sa school ngayon. Alam mo na naghahanda na ang lahat para sa Intrams next week."

Hindi pa naikukwento ni Fina sa kaibigan ang buong pangyayari ng araw na maaksidente sila ni Elcid. Siya namang tanong nito kung ano talaga ang nangyari. At bago pa niya mailahad ang buong senaryo, nagsalita pa ulit ito.

"Oo nga pala, alam mo ba na iyang si Pia eh binibigyan ako ng attitude?!"
"Parang nagpaparinig siya sa akin na kesyo 'paagaw atensiyon daw ang kaibigan ng isang tao diyan'. Sinasabi niya sa mga Freshman na member ng Drum and Lyre!"

"Narinig ko pa na nagpapansin ka daw kasi sa boyfriend niya kaya mo ginawa ang nangyari!"
"Pinigilan ko na nga lang ang sarili ko! Kaunti na lang isalaksak ko sa bibig niya ang Drum stick eh!" Iritadong sabi nito.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ulit ni Tesa.


"Well, obviuosly hindi ko naman sinadya ano?!" Si Fina. Na parang nakaramdam ng pagkapikon sa mga ikinwento ng kaibigan. Nawala lamang siya ng tatlong araw ang dami na palang natahing kwento ni Pia patungkol sa kanya.

Inilahad ni Fina ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. Hindi rin niya itinago kay Tesa ang pagdadala nina Elcid at Tristan sa kanya sa ospital. At mga sinabi ni Elcid sa kanya.

"Heto naman kasing si Elcid eh! Alam mo hindi ko rin siya ma-gets! Minsan hindi rin nakakatulong sa'yo!" Reklamo pa ng kaibigan.
"Alam naman niya na nagseselos na nga si Pia, may pabuhat-buhat pang nalalaman! Hindi na lamang hinayaan si Tristan. Hayan tuloy nagawan ka na ng kwento." Inis na sabi ng kaibigan.
"Naku pasalamat yang Elcid na iyan hindi pa nagkukrus ang landas namin! Hindi ko siya matiyempuhan sa school eh! Pagsasabihan ko talaga siya!" Sabi pa ni Pia.


Tahimik naman si Fina. Bigla na naman nagsalita si Tesa.

"Fina, sabihin mo nga sa akin, si Elcid ba eh may gusto rin sa'yo?" May kuryosidad na tanong nito.

"Ano?!" Imposible ka!" Angil ni Fina.

"Bakit naman?! Kasi isipin mo ha, bakit ganun na lang kung pagselosan ka ni Pia? Maliban sa insecure siya sa'yo sa magandang boses mo kesa sa kanya, ano ba ang dapat niyang pagselosan diba?"
"No offense friend ah, pero maganda naman siya at mayaman pa. Ano ba ang problema niya sa'yo?"

"Ewan ko. Pero alam ko namang imposible ang mga sinabi mo na magkakagusto si Elcid sa akin." May lungkot sa himig niya.

"At bakit naman imposible?! Paano ka nakakasiguro?"

"Dahil alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin wala ng iba pa." Sagot ni Fina.
Hindi na rin naitago ni Fina ang kinikimkim na damdamin mula ng araw na manggaling siya sa salo-salo sa mansiyon nina Elcid. Wala kasi siyang pinagsabihan nito. Maski ang kaniyang ina. Pinilit niyang isantabi ang nangyari ng gabing iyon sa isang bahagi ng kanyang isip. Ngunit hindi na niya napigilan ang sarili at maluha-luhang ikinuwento ito sa kaibigan.

"Whoah?!"
"Fina, hindi ako makapaniwalang may ugali din pala ang Mama ni Elcid!"
"Mataas pa naman ang tingin ko sa mag-asawang Villaflor!"
"Lalo na ang Mama niya? Eh hindi ba, hindi kaila sa lahat dito sa San Jose na galing din siya sa hirap at ayaw din siya ng Lolo ni Elcid?!" "Kahit bilang kaibigan tutol din siya?!" Ay grabe naman siya!" Dismayadong sabi ni Tesa.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ito?! Nabanggit mo na ba ito kay Tristan? Sasama ka paba sa banda? Eh yung biyahe niyo sa Ilocos? Malapit-lapit na rin iyon." Sunud-sunod na pahayag pa ni Tesa.

"Hindi ko sinabi kay Tristan. Pilit niya akong tinatanong pero hindi ko masabi sa kanya. Kaya huwag mo na lang babanggitin ang mga ikinwento ko sa'yo. Ayokong magkaroon ng usapin sa grupo." Pakiusap niya.
"Pinagiisipan ko na rin na pagkatapos ng taong ito ay titiwalag na ako. Tutal malapit na tayo magtapos ng Higschool next school year."


"Mas mabuti pa nga siguro. Para mawala na ang isyu ninyo ni Pia. Mula ng dumating yang si Elcid eh ginulo na niya ang buhay mo, pati ang damdamin mo."


"Maayos din ito. Susubukan ko na lang na hindi magpaapekto sa kanila. Ayokong idamay ang sarili ko kung may problema silang dalawang magkasintahan." Determinadong sabi niya.

"I agree friend!" "Just take it one day at a time."
"At mas makakabuti iyon, para manahimik na iyang si Pia." Suportadong sabi ni Tesa.

Hindi man alam ni Fina kung paano haharapin kapag nagkita sila ni Elcid pipilitin niyang huwag ng magpaapekto sa lalaki at kay Pia. Ngunit nangangamba siya sa ibinalita ni Tesa na gumagawa ang babae ng kuwento patungkol sa kanya. Ayaw niyang pag-usapan siya ng dahil dito. Pero sa isang banda sabi ng isip niya, hindi na niya problema kung mismong ang babae ang nagseselos sa kanya. Hindi niya kontrolado ang bagay na iyon. Ang pwede at kakayanin niyang kontrolin kung kinakailngan ay ang patuloy na pagkahulog ng kanyang loob kay Elcid.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon