Chapter 35.1

476 19 3
                                    



Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang ensayo nagtulong-tulong na na magligpit ang lahat. Maaga silang natapos sa ensayo, kabisado na kasi nila ang mga aawitin sa performance nila sa pagpunta sa Ilocos. Nakikiramdam lamang si Fina sa ikinikilos ni Elcid. Nagdadalawa ang isip niya kung kailangan ba niyang kausapin si Elcid. Hindi kasi niya maintindihan ang lalaki sa mga ikinikilos nito. Parang kung umasta ito ay parang walang nangyari noong nagdaang gabi. Napakagat tuloy siya sa kanyang labi ng wala sa loob niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong ang kanilang tingin ni Elcid. Naalala tuloy niya ng sinabi ng binata noong gabi na hinalikan siya nito. Na hindi nito maipapangako na tuwing gagawin niya ng pagkagat sa kanyang mga labi ay baka hindi nito mapigilan ang sarili na halikan siya sa harap ng maraming tao. Bigla tuloy siyang kinilig at napangiti sa sarili. Sabay naman ang paglapit ni Tristan.

"Fina uuwi ka na ba?"

"Ah oo, kailangan ko rin maaga makauwi dahil tutulungan ko pa si Nanay gumawa ng mga kakanin." Habang sinasabi nito ang mga iyon ay nakatingin si Fina sa gawi ni Elcid. Hinihintay niya ang lalaki na magsalita kung mag-aalok ba ito na ihatid siya.

"Elcid, bro laro tayo ngayon!" Pagyaya naman ni Carlo sa binata na maglaro ng basketball.


"Sure bro! wala naman akong gagawin sa bahay eh." tugon naman ni Elcid.


"Tristan, game ka ba?" Tanong naman ni Cris sa lalaki.

"Sige ba! Anong pustahan natin?" Sabi ni Tristan.


"Mag two teams tayo. Toss coin kung sino kapareha. Kung sino matalo na Team sasagot ng dinner." Sabi ulit ni Carlo.

"Wala rin akong gagawin sa bahay, can I watch you guys play?" Pagsingit naman ni Pia sa usapan ng mga ito.

Nagkatinginan ang apat na lalaki.

Si Elcid naman ang nagsalita.

"Okay." Simpleng sabi nito.

Hindi naman nakaligtas kay Fina ang usapang iyon ng kanyang mga ka-grupo. pakiramdam tuloy niya ay bigla siyang na-out of place ng mga sandaling iyon. Kaya nagpasya na lamang siyang magpaalam sa mga ito.

"Sige guys mauuna na ako sa inyo." Pagpapaalam niya.


"Mag-iingat ka Fina! "Halos sabay sabay na sabi ng tatlong lalaki maliban kay Elcid na masyadong abala sa pakikinig sa sinasabi ni Pia. Hindi na niya hinayaan ang sarili na marinig kung ano man ang pinagbubulungan ng mga ito. Ang gusto lamang niya ay umalis na sa silid na iyon dahil hindi niya kayang makita si Elcid na ganoon kalapit kung kausapin si Pia.

Kaybilis ng kanyang mga hakbang palayo. Ngunit bigla na lamang siyang napahinto at napalingon sa silid na kanyang nilisan. "Kung inaakala mo na hahabol ako sa iyo Elcid manigas ka!" "Kung ayaw mo" wag mo!" Nag-ngingitngit niyang sabi sa sarili. At tuluyan na siyang nagmartsa patungo sa hintayan ng mga sasakyan.

Habang nakaupo siya at naghihintay sa waiting shed pilit kinalma ni Fina ang sarili. Gusto sana niyang sumama sa grupo kanina upang panoorin si Elcid maglaro ng basketball. Pero wala namang nagyaya sa kanya na sumama. At kinakailangan din niyang umuwi para tulungan ang kanyang ina sa mga gawaing bahay. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot at pagka-awa sa sarili. Naisip din niya na baka sinasanay na ng grupo ang kanilang mga sarili na wala ang presensya niya dahil nalalapit na rin ang kanyang pag-alis.

Pagbaba niya ng tricycle at bago pa siya tuluyang pumasok sa bahay ay sadyang napatingin si Fina sa bahagi ng maliit nilang Garden kung saan siya unang hinalikan ni Elcid.

"Fina gumising ka! Panaginip lamang ang mga nangyari." Sabay tinapik-tapik pa ng dalaga ang dalawang pisngi nito. At tuluyan ng pumasok sa kanilang bahay.


Nadatnan naman niya ang kanyang ina na naghahanda na ng iluluto nitong mga kakanin.

"O anak nariyan kana pala.Kumain ka na muna bago mo ako tulungan dito." Saad ni Aling Sol.

"Mamaya na ho Nay. Pagkatapos na ng pagluluto natin ng kakanin. Magbibihis lang po ako." Paalam sa ina.

Sinundan naman siya ng tingin ng ina hanggang makapasok ito sa kanyang silid. Alam niyang may gumugulo sa isip ng anak. Mula ng magkausap sila ni Elcid at pinakiusapan ang binata ay napansin niyang nagiging matamlay ang dalaga. Iniisip tuloy niya kung tama ba ang kanyang ginawa. Ngunit baka may ibang bagay ang gumugulo sa isip ng anak. Ano man ito ay aalamin niya mismo sa kanyang prinsesa.

Habang naghahalo ng kakanin si Fina, ay tinanong siya ng kanyang ina.

"Anak kumusta naman sa school?"

"ho? okay naman po Nay." Simpleng tugon ng dalaga.


"Ahhh... eh kumusta naman ang mga bandmates mo? Siguradong malungkot sila dahil aalis ka na sa banda." Tanong ulit nito.

"Okay naman po sa kanila. At naiintindihan naman nila ang desisyon ko."


"Sabagay sa banda ka lang naman aalis, hindi naman ibig sabihin na hindi na kayo magkakaibigan diba. Lalo na iisang school lang kayo at makikita mo parin naman sila. Hindi naman nagtatapos iyon doon, hindi ba anak?"

Tumango na lamang si Fina at pilit na ngumiti sa ina at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.


"Basta anak kung sakaling may gumugulo sa isip mo at kailangan mo ng kausap maliban kay Tesa, naririto lang ako para sa'yo."

"Salamat po Nay sa suporta." tugon naman sa ina.


Halos si Fina na ang tumapos sa mga niluto nilang mag- ina. Pilit na niyang pinagpahinga ito sapagkat maaga pa itong papasok sa trabaho kinabukasan. Nang matapos na niyang linisin ang mga kanilang mga ginamit ay hindi pa rin siya natulog. Umupo siya sa kanilang maliit na sala ng sandali. Napasilip siya sa bintana at tanaw niya ang liwanag ng buwan at ning-ning ng mga bituin. Ng hindi pa siya makuntento ay lumabas siya at sumandal sa may pintuan. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang kalangitan at napapikit. Walang ibang nasa isip kung hindi si Elcid. Ano kaya ang ginagawa nito? Tulog na kaya ito? Iniisip din kaya siya nito? Mga tanong na nasa isip lamang niya. Kasabay ng buntong hininga ay ang pagmulat ng kanyang mga mata. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niyang may isang lalaking nakatayo sa tapat ng kanilang kahoy na gate at nakatitig sa kanya. Si Elcid. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata upang siguraduhing totoo ang kanyang nakikita. Pagmulat niya ay wala na ito. Napakunot-noo siya. Napabuntung hinga siya ng malalim. "Fina, umandar na naman ang imahinasyon mo. Pagod lang iyan! Puro ka na lang imahinasyon! Yan tuloy!" Pinagalitan ang sarili.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at nagpasyang magpahinga.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon