Chapter 30.2

724 31 5
                                    

Napapikit si Fina ng mariin ng maramdam ang labi ni Elcid sa kanyang mga labi. Gusto niyang itulak ito palayo sa kanya. Ngunit parang nawalang bigla lahat ang kanyang lakas. Bago sa kanya ang sensasyong ipinadarama sa kanya ng lalaki. Hindi siya pamilyar sa pakiramdam na iyon. Sa mga telenovela o mga pocketbooks lamang niya nababasa ang mga iyon. Hindi niya alam kung paano tugunin ang mga halik ni Elcid. Ngunit dahil sa masuyong paghalik ng lalaki sa kanya ay nakuha kung papaano ito humalik, walang kahirap-hirap siyang natuto at tumugon sa mga halik ng binata. Napakawit ang kanyang mga kamay sa batok ng binata. Hindi na napigilan ni Elcid ang sarili at iniyakap nito ang mga kamay sa mga baywang ni Fina. Kaytagal naghinang ng kanilang mga labi. Liyong-liyo siya sa mga halik ng binata. Hindi niya alam kung gaano ito katagal. Ang alam lang niya ay bolta-boltaheng kuryente ang hatid ng halik nito sa kanyang pakiramdam.

Nang mapagod at maghiwalay ang kanilang mga labi ay halos habol nilang pareho ang kanilang hininga.
"Oh Serafina..my Serafina...." Bulong ni Elcid. Idinikit nito ang noo sa noo ng dalaga. At nakapikit parin ito. Hindi parin siya binibitawan nito at ganun din naman si Fina.

Napakagat labi si Fina at nakapikit din. Nang magmulat siya ng mata ay nakatitig sa kanya si Elcid. Ngumiti ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap nito. Yakap na parang ayaw na niyang matapos. "Tell me this is not a dream." Sabi pa nito na hindi parin siya binibitawan.

Tulala si Fina sa nangyari. Wala siyang maapuhap na sabihin. Kung panaginip ba ang nangyari parang ayaw na niyang magising. Ito ang kanyang unang halik. Ang tamis ng unang halik na nagmula sa lalaking matagal na niyang iniibig.

"Fina, are you okay?" Nagaalalang tanong ni Elcid.

Napatango na lamang siya kay Elcid.
"You don't need to say anything. Not tonight. I'll see you tomorrow. Maguusap tayong dalawa, okay?

Inabot ulit ng binata ang kanyang dalawang palad. Pinagsalikop ito at kanyang hinagkan. Napamaang naman si Fina at wala sa loob na napabuka ng bahagya ang mga labi sa ginawa nito. Hinayaan niya ang lalaki sa sweetness nito. At biglang mariin siyang kinintalan ulit ng mga halik ng binata.

"Don't always do that. Otherwise, I can't promise not to kiss you infront of many people." Bulong ng binata sa kanyang tenga.


Hinila na siya ng lalaki at inihatid sa may tapat ng pinto.
"Pumasok ka na sa loob. And get some rest. Goodnight!" Malawak ang pagkakangiti nito.


"Gu-goodnight." Sa wakas na sambit niya.

Nakaalis na si Elcid ngunit tulala parin siyang nakatayo sa kanilang pintuan. Hawak ang kanyang mga labi. Pilit pinuproseso ang nangyari at paano ito nangyari. Nang magbalik sa realidad ang kanyang katinuan, nahampas ni Fina ang noo! 'Patay kang Fina ka! Anong ginawa mo?! Bakit hinayaan mo iyong mangyari?!' Bulong sa sarili na parang sising-sisi siya sa nagawa.


"Fina anak?" Pagtawag ng kanyang ina.
"O nakaalis na ba si Elcid?" Pagtataka ng ina nito.


"Ah-O-oho nay. Hindi ko na kayo tinawag ng magpaalam. Sabi ko ako na lang magsasabi." Palusot niya sa ina.


"Okay ka lang ba anak? Parang namumutla ka?"

"Ho?? Halos pumiyok siya ng sagot sa ina.

"Wala naman kayong problema ni Elcid hindi ba?" Tanong ng ina.
"Mukhang seryoso yata ang sinadya niya sayo? Maari bang malaman?" Pagtatanong ng ina.



Napalunok siya bago magsalita.
"Ah-oho nay, aaaahh kasi nagpaalam na ho ako sa kanila sa banda kanina. Nagpunta po siya dito para kumbinsihin ako na huwag umalis." Pagsisinungaling niya.

Hindi siya makatingin sa ina ng deretsso dahil alam niyang may halong pagsisinungaling ang sinabi niya. Ayaw niyang magsinungaling sa ina, ngunit ayaw din niyang bigyan pa ito ng isipin. Siya na lang ang bahalang haharap kay Elcid. 'Ngunit paano? Paano niya haharapin si Elcid? Pagkatapos ng nangyari may mukha pa ba siyang ihaharap sa binata?' Tanong niya sa sarili.
At naalala niya ang sinabi nito. Maguusap pa daw sila bukas? Natulala na naman siya sa pagiisip.

"Fina, naririnig mo ba ako anak? Sabi ko isara mo na ang pinto. Kanina kapa nakatayo diyan. Baka pumasok ang mga lamok niyan." Sabi ng kanyang ina.



"Opo nay, opo!" Isinara na niya ang pinto at nagpaalam na sa kanyang ina na maghihilamos at matutulog na.

Pagpasok niya sa kanyang silid, napasandal siya sa likod ng pinto. Tinakpan ng isang palad ang kanyang bibig at mariing pumikit. Hindi pa siya nakuntento ay humarap pa siya sa salamin. 'Fina gising! Fina gising!' Pagtampal sa kanyang mga pisngi na animoy nananaginip.

Ngumuso-nguso pa siya sa harap ng salamin. Binabalikan ang aktong hinahalikan siya ni Elcid. Napangiti ang dalaga.

Pagkatapos niyang maghilamos at magbihis ay tuluyan na siyang nahiga. Ngunit hindi nawaglit sa kanyang isip si Elcid. Hindi pa siya makatulog dahil gising na gising ang kanyang diwa. Pilit niyang binalikan ang mga tagpong kanina lamang naganap. Napapikit at nasambit ang pangalan ni Elcid habang mahigpit na yakap ang kanyang unan. 'Elcid, oh elcid haayyyy ano itong ginagawa mo sa akin?' Tanong niya sa kawalan.



Sa mansion ng mga Villaflor, hindi naman mapagsidlan ang kasiyahang nadarama ni Elcid. Kagaya ni Fina ay hindi rin dalawin ito ng antok. Kaybilis ng mga nangyari kanina lamang. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadama ng hagkan niya si Fina. Kaytamis at kaylambot ng mga labi nito. Kaybango ng kanyang hininga at amoy ng kanyang buhok. Parang gusto niyang magbabad sa mga yakap at halik nito. Gusto niyang maging pormal ang panliligaw sa dalaga. At una niyang hihingan ng pahintulot si Aling Sol bilang respeto dito. Manliligaw siya kay Fina ng pormal. Gusto niyang itama ang bawat hakbang na kanyang gagawin. Malaki ang kanyang pag-asa na balang araw magiging opisyal ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya pipilitin ang dalaga sa gusto niyang mangyari. Hihintayin niya ito kung kailan ito magiging handa. Susuportahan niya ang dalaga sa mga pangarap nito sa buhay at sa mga gusto niyang maabot. Sana lang ay bigyan siya ni Fina ng pagkakataon na maipadama sa kanya ang pagaalaga at pagmamahal na nararapat para sa kanya.
Dala ang isiping iyon ay tuluyan na siyang inanod ng pagtulog ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon