Hindi naman maitago ni Pia ang pagkairita. Naupo ito ng pabagsak sa tabi ni Elcid.
"Pia are you okay?" Nagtatakang tanong naman ni Elcid.
"How about you? are you okay?" Mataray naman na tanong din ni Pia kay Elcid.
Nagtataka naman siya at kung bakit nagiba na naman bigla ang mood nito. Ano na naman kaya ang nagawa niya na hindi nagustuhan ng dalaga.
"Elcid, iho. Can i talk to you for a minute?" Sabi naman ng kanyang Mama.
Sumunod naman si Elcid sa Mama nito.
Lumayo sila sa kinaroroonan ng grupo."Elcid, may gusto ba sayo ang Fina na yun? Is there something going on between you two?" Prangkang tanong ng ina.
"Mama!" What are you talking about?!"
Hindi napigilan ni Elcid ang emosyon sa sinabi ng ina.
"Fina is a good friend."
"Bakit niyo naman nasabi yan?""Just answer my question. Do you like that girl?"
"Mama, Pia and i are together. And Fina is just a friend."
"Are you sure?"
"Of course Mama! Ano ba namang klaseng tanong iyan Mama?"
"Okay. I just want to make sure."
"Make sure about what?!" Tanong ni Elcid.
"That you're making right choices." Sabi ng Mama nito.
"You might wanna avoid being close to her. I don't know if you noticed but Pia is jealous!""What?! Pati ba naman kayo? C'mon mama. There's no reason for her to be jealous. She's thinking too much. And you are, as well."
"You better make sure Elcid. Before making your life complicated with girls, asikasuhin mo muna ang pagaaral mo. Hindi kita ibinalik dito sa San Jose to just play with girls." Pagpapaalala pa nito.
Hindi alam ng mag-ina na narinig lahat ni Fina ang usapan ng dalawa. Makikigamit sana ito ng banyo ng hindi niya inaasahan na sa daraanan niya ay naroon pala at naguusap ang mag-ina.
Nagalangan siyang tumuloy. At hindi naman siya napansin ng mga ito. Babalik na sana siya sa grupo ng bigla niyang marinig ang kanyang pangalan. Natigilan siya at narinig ang buong paguusap ng mag-ina.
Parang binuhusan siya ng nalamig na tubig sa narinig. Paulit-ulit na nag-eeko sa kanyang pandinig ang sinabi ni Elcid.
'Fina is just a friend'. Nanlumo siya sa mga narinig. At lalo na ang kaalaman na ayaw sa kanya ng Mama ni Elcid. Kahit bilang kaibigan. Sinabihan pa ang anak na iwasan ito dahil nagseselos si Pia sa kanya. 'Anong masamang bagay ba ang kanyang nagawa at lahat ng tao sa buhay ni Elcid ay ayaw siya?'
'Dahil ba mahirap lamang siya?' Ganun nga siguro ang pamantayan ng mga mayayaman. Ngunit naisip niya na hindi ba galing din ang Mama ni Elcid sa hirap noon? Siguro nagbabago nga tao kapag nakalasap na ito ng karangyaan sa buhay.'
'Kasalanan ba ang maging mahirap? Tanong ng isip niya. Parang bigla na lamang siyang nakaramdam ng awa sa sarili.Bumalik na siya sa umpukan ng grupo. Tahimik siyang umupo at nakikinig na lamang sa usapan ng mga kasama. Magkakwentuhan naman sina Tristan at Pia. Naisip niya tuloy na sa kanilang lahat, siya lamang ang hindi maalwa ang buhay. Lahat ng kanyang mga kasama ay hindi maikakailang may mga kaya ito. Ngunit hindi ito kagaya ng ibang mayayaman, ni minsan hindi ipinaramdam ng mga ito sa kanya ang kakulangan na mayroon siya. Maliban na lamang kay Pia. Ngunit ngayon, sa pagkakataong ito gusto na niyang umalis at tumiwalag sa grupo. Gustong-gusto na niyang umiyak. Pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para doon. Kaya pa niyang itago ang sakit. Kaya pa niyang dayain ang kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.