Chapter 10.2

780 29 0
                                        

"Why do birds, suddenly appear?
Every time you are near
Just like me, they long to be
Close to you
Why do stars, fall down from the sky?
Every time you walk by
Just like me, they long to be
Close to you"

Damang dama ni Fina ang pagkanta. Parang inilalahad lamang niya ang tunay niyang nararamdman habang inaawit ang 'Close to you' ng Carpenters.

Nakapikit pa ito. Gusto niyang damhin ang bawat liriko ng awitin. Dalang dala siya. Ganun din ang pag sabay ng mga instrumento sa himig niya. Nang matapos ang kanta sa huling linya nito ang 'close to you...' Iminulat niya ang kanyang mga mata. At siya namang pagsalubong ng titig ni Elcid sa kanya.

Nailang naman si Fina at nagbaba ng tingin. Hindi ito nakaligtas kay Tristan. Hindi nito maiwasan na pagmasdan ang dalawa. Sa bawat ngiti, sa bawat titig..
"Oo, nagseselos siya." "Nagseselos siya kay Elcid." Sa loob niya.

"Wow! That was a good one Fina!" Puna ni Carlo.

"I agree! It was mesmerizing!" Agad na kumento naman ni Elcid at hindi mapalis ang tingin kay Fina.

"Thank you guys. And of course, Pia also did a good job as my background!" "Good job Pia!" Pagbati ni Fina sa dalaga.

"Thanks." Ngumiti naman ito ng pilit.

"Let's take a break for a while. Siguro isang final run then we can all go ahead for dinner?" Sabi naman ni Tristan.

Ibinaba ng grupo ang kani-kanilang mga instrumento. Para magpahinga ng kaunti. Nagkwentuhan muna sina Carlo, Dave at Cris.

Umupo naman si Fina sa tabi ni Tesa.

"Friend nakita ko yun!" Panunukso nito sa mahinang boses.
"Ang alin?" Painosenteng tanong niya.

Nagmuwestra pa ito na parang may hawak na mic at pumikit at binigkas ang mga linya ng kanta 'close to you'...

"In fairness dalang-dala ka sa Lyrics. Nakakarelate kaba?"

"Loka ka baka marinig ka diyan!" Sawata niya.

Kumuha naman si Tristan ng tubig. Nag salin ito para sa dalawang baso.
Lumapit naman si Elcid at ganun din ang ginawa.

Lumapit si Tristan para abutan si Fina ng maiinom at ganun din si Tesa.

"Thank you." Sabay nilang pasalamat.
"Wow ang gentleman!" Biro pa ni Tesa.

Ganun din sana ang balak gawin ni Elcid ngunit naunahan na siya ni Tristan.
Eksakto naman ang paglapit ni Pia sa kanya.

"Elcid is that for me?" Pabirong tanong nito.

"Yeah of course! Here.." At iniabot nito ang baso sa dalaga.

"Thank you. You're so sweet." Sabi pa nito.

Patuloy na nagkwentuhan ang dalawa sa isang tabi. Patawa-tawa pa si Pia sa mga kwento ni Elcid. Patapik-tapik pa ito sa hita ng lalaki.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon