Pumasok na si Fina sa eskwelahan. Nailalakad na rin niyang mabuti ang kanyang paa. Tulynan ng nawala ang pamamaga ng paa nito ngunit kailangan pa rin niyang magdahan-dahan sa paglalakad para hindi ito mabinat.
Ng makita siya ni Tristan sa papasok sa may pintuan ay dali-dali siyang sinalubong nito at inalalayan."Fina! Thank God you're back!" Tuwang-tuwa sabi ni Elcid at pinaupo siya nito.
"Im sorry I didn't have chance to visit you. You wont believe how crazy it has been this few days na wala ka." Pagbabalita pa nito."Ano kaba? Wala yun Tristan. Alam kong busy kayo." Ibinalita nga sa akin ni Tesa medyo busy na nga daw ang lahat."
"Oo kasi halos magkakasabay-sabay ang mga practice pati sa ibang level. Tapos ang banda pa natin at sayaw."
"Nagpractice pa ulit kayo ng sayaw? Akala ko bang last na nung nakaraan?"
"We have to. Na-te-threaten yata si Mr Santos sa lower level. Medyo naparanoid yata nung malaglag ka sa bangko."
"So paano kayo nagpractice kulang naman kayo?" Interesadong tanong niya.
"Well, since you're not present si Miss Bea muna ang partner ni Elcid. But she actually told us na kapag magaling kana, both of you and Elcid should just meet her once para maipractice niyo ang sayaw, kahit hindi na raw kami kasama."
"Ano?! Bakit pa?!" Nagrereklamong tanong niya kay Tristan.
"I dont know. I told you they're so paranoid about the competition."
Napailing na lamang si Fina. Kung kailan naman ayaw na talaga niyang mapag-isa kasama si Elcid ay doon pa hindi umaayon sa kanya ang tadhana.
"Kumusta naman ang banda? How's the practice dun sa mga songs natin?"
"It's okay. Mahirap nga lang kasi wala ka dahil ikaw ang lead vocals. Si Pia na muna ang nag-lead. Kaso mareklamo naman gusto pa palitan ang arrangements. Sabi ko we have no time to do that. Kasi malapit na rin yung gig natin sa Ilocos."
"Napaka-picky pa, ung acoustic solo performance niya hindi siya makapagdecide sa key!" Haaayyyy nakakastress!" Sabi Pa ni Tristan.
Mukhang na-stress nga ito sa practice. Nais sana niyang banggitin dito ang pagtiwalag sa grupo para sa next school year ngunit ayaw na niyang madagdagan ang stress level nito. Saka na lamang kapag may tamang pagkakataon. Sa ngayon ay kailangan muna nilang tapusin ang mga commitments nila sa school.Pagkatapos ng first period ay inaya ni Tristan sina Fina at Tesa para magmeryenda sa canteen. Welcome back treat daw ito ng binata para kay Fina.
"Wow ah?! Tristan iba ka talaga. Ang swerte talaga ng magiging nobya mo sa'yo!" Pagbibiro ni Tesa sa binata.
"Ewan ko ba kasi sa iba diyan. Masyadong nakatingin sa malayo." Parinig pa ni Tesa sa kaibigang si Fina.
"Uy Tesa, huwag mo na akong paringgan. Matagal na naming napagusapan ni Tristan iyan!" Paglilinaw ni Fina.
"Baka lang makalusot. Ehe!" Biro pa ni Tesa.
"Nice try Tesa!" "Nice try!" Sabi pa ng natatawang si Tristan.
Habang naglalakad sila patungo sa Canteen inaalalayan naman siya ni Tristan sa paglakad. Nakapulupot ang mga kamay ni Fina sa isang braso nito. Hindi niya maiwasang mapatingin-tingin sa kanyang paligid. Parang may hinahanap ang kanyang mga mata. Pakiramdam kasi niya ay may nakatitig sa bawat galaw niya. Inaasahan niyang makikita niya si Elcid sa paligid. Ngunit bigo siya. Sa isip niya baka magkasama ngayon ang magkasintahan kung saang sulok ng eskwelahan.
Nagkwentuhan sila sa loob ng canteen. Kahit pa kwento ng kwento si Tesa ng nakakatawa, iba naman ang itinatakbo ng kabilang bahagi ng isip niya.
'Hindi pa siya nakakapagpasalamat kay Elcid sa ginawa nitong pagdadala sa kanya sa ospital at sa paggastos nito sa hospital bills niya.'
Gusto sana niyang itanong kay Tristan kung magkano ang binayaran ni Elcid dahil gusto niyang bayaran iyon kahit unti-unti. Ayaw niya kasing matali sa utang na loob sa lalaki. Ngunit nagbago ang isip niya. Siguro ay mas maganda kung si Elcid na lamang mismo ang kanyang tatanungin. Pero nasaan ang lalaki? Sabi ni Tesa ay hindi rin daw niya ito nakikita ng madalas kumpara dati.
Ngunit base naman sa mga kwento ni Tristan mukhang umaattend naman ito sa mga practice. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagka-miss sa lalaki.
'Fina, nag-fe-feeling ka na naman!' Awat niya sa sarili.Biglang may malalambot na boses ng lalaki ang tumawag sa kanya at kilala na niya ang boses na iyon.
"Fina dear! Oh my gosh! Pumasok ka na pala?!" Si Mr Santos.Lumapit ito sa kanila at hindi namalayan na ang kasunod pala nito ay si Pia. Matalim ang tingin nito sa kanya. Kung nakakasugat lamang ang tingin nito siguro ay sugat-sugat na ang buong bahagi ng katawan at mukha niya. Iniiwas naman niya ang tingin sa dalaga at bumaling kay Mr Santos.
"Hello, Sir!" Bati rin niya.
"So how are you? Magaling na ba ang paa mo? Pwede ka na bang magensayo sa sayaw?"
"Magaling na ho." Huwag lang daw pupwersahin."
"Hay naku mabuti naman. Para makapagensayo na kayo ni---."
Napahinto ito sa sasabihin. At tumingin sa kasamang si Pia. Tahimik ito at makikita sa mukhang ayaw nito ang pinaguusapan nila."Ah-eh, ipapatawag na lamang kita sa ensayo niyo okay?"
"Sige mauuna na kami." Pagpapaalam ni Mr Santos.
Nagtataka naman siya na wala siyang narinig na kahit anong salita kay Pia. Hindi siya sanay sa dalaga na tahimik ito. Madalas kasi ay may sinasabi ito para lang patamaan siya. Ngunit bakas na bakas sa mukha nito ang pagtitimpi ng makita siya. Nagtataka rin siya kung bakit wala si Elcid sa tabi nito. Malapit kasi ang dalawa sa teacher nilang si Mr Santos, lagi itong magkakasama lalo na kapag recess, kaya palaisipan sa kanya kung bakit wala si Elcid at hindi nila ito kasama. 'Elcid nasaan ka nga ba?' Hindi maiwasang tanong ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomansaNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.