Dumadagundong sa lakas ng sigawan ng mga estudyante ang loob ng Campus Gym. Naglalaro ang Freshman Thunders vs Sophomore Giants ng Basketball. Ito kasi ang dalawang team na mahigpit na magkalaban sa Saint Bernard Private School.
"Villaflor on number 4! 3-eeeee points!!!" Anunsyo ng referee. Hiyawan pa ng husto ang mga estudyante!
"Villaflor! Villaflor!!!" Malakas na pag-cheer ng mga estudyante.
"Iloveyou! Number 4!" Sigaw pa ng grupo ng mga bading na nanonood ng laro.
Kumaway naman si Elcid. Kita naman sa mga ito ang kilig. Tumunog naman ang buzzer para sa huling time out.
"Time out!" Sigaw ng referee. At suminyal pa ito.
Balik naman ng upo si Elcid sa bench ng grupo niyang Thunders. Uminom ito ng tubig at sabay pagpunas ng tagaktak na pawis.
Mainit ang laro at magkadikit lamang ang score ng dalawang magkatunggali.
Lamang ang Giants ng dalawang puntos.
Kaya hindi mapakali ang Coach nina Elcid.Si Elcid ang naging Captain ball ng grupo. Three pointers din ito. Naging papular siya sa Campus mula ng sumali ito sa Basketball. Ito rin kasi ang naging outlet niya para malibang at para madaling makapag adjust mula ng umalis sila sa San Jose. Hindi rin nalimitahan ang kanyang naging mga kakilala.
Kilala-kilala siya sa Campus sapagkat alam ng lahat na nagiisa siyang anak ng mga Villaflor. Na nagmamay-ari ng ISC (Ignacio Shipping Corp.) ang pinakamalaking Shipping Company sa bansa. Maliban dito nageexport din ito ng mga espesyal na bigas sa ibang nasyon sa Asya. At sa ibang bahagi ng North America.Hindi lamang sa paglalaro niya ng basketball humahanga ang kababaihan sa kanya. Sa bata niyang edad ay hindi maipagkakaila ang kanyang kagwapuhan. Hindi naman ito lingid sa kanyang kaalaman. Pero nanatili parin siyang simple at hindi mayabang. Hindi rin siya mahilig makipagbolahan sa mga babae. Hindi siya ganoong tipo ng lalaki.
Pagkatapos ng maikling time-out at pagbibigay ng winning strategy ng Coach at ni Elcid sa grupo tumunog na ang buzzer para umpisahan na ulit ang natitirang dalawang minuto ng laro.
"We can do this!" Pahiyaw naman na sabi ng kanilang Coach!"
At nagtapikan na sa balikat ang magkakagrupo."Go Elcid!" Pagkarinig sa pamilyar na boses ng isang babae.
Si Kristel, kasama nito ang kanyang mga sosyalerang kaibigan. Isang masugid niyang tagahanga. Lagi kasi itong nagpapansin sa kanya. Hindi maitago ng babae ang pagkagusto nito kay Elcid. Minsan para siyang aso na sunod ng sunod kay Elcid. Kung nasaan siya ay nandoon din ito.
Ayaw na lamang niyang pagbastusan tuwing kinakausap siya nito.
Pero hindi ang tipo ni Kristel ang hanap niya sa isang babae."Dude, adiyan ang lucky charm mo!" Patawang biro ni Edward, isa sa mga team mates niya.
"Alam mo bakit di mo kaya pagbigyan kahit minsan lang. Maganda naman siya, sexy pa!" May kislap pa sa mga mata nito."Baliw!" "Tigil-tigilan mo nga ako!"
"Ikaw yata ang may type. Eh di sa iyo na lang!"
Iiling-iling namang sagot ni Elcid. Habang patungo na sila pabalik sa gitna ng court."Dude, lets finish them." sabi pa ulit ni Edward.
"You got it!" Sabi naman ni Elcid. Sabay pinagdikit pa ang mga kamao.
Sa kabilang banda naman sa grupo ng mga Giants, may ibang pinagpaplanuhan ang mga ito. Hindi sila makapapayag na manalo ang Thunders. Ayaw na nilang magkaroon pa ng over time.
"Brod, sabi ng Captain ball ng Giants na si Cedrick, alam na natin ang gagawin." Bulong nito sa isang team mate. Tumango naman ito sa kanya.
Pagkaumpisa ng laro, inanunsiyo na ang "last 2 minutes" call.
"Last 2 minutes!" "Last 2 minutes!" Paalala na ng annoucer.
Sa Giants ang bola.
Nakipaghabulan, agawan ng bola, pasahan at biglang naagaw ni Elcid ang bola.
Ubos na pareho ang timeout ng dalawang magkatunggali. Kayat ng maagaw ni Elcid ang bola, dali dali ang pagtakbo pabalik sa kanilang side court para -eshoot ang bola sa linya ng 3 points. Nang bigla na lamang siyang bunguin ng kaylakas ng isang miyembro ng Team Giants.Nawalan sya ng balanse at bumagsak sa semento ng kaylakas una ang kanang bahagi ng katawan. Nagsitayuan ang lahat ng team mates pati na ang kanyang Coach.
Pumito ang referee.
"Foul! Number 14!""Booooo!!!" Sabay buska ng mga nanonood.
Hindi pa rin natinag sa pagka bagsak si Elcid. Dinaluhan siya ng kanyang mga kasama.
"Ouch!! Ahhhhh!! Pagsigaw niya at namimilipit sa sakit.
Hawak nito ang kanang binti habang nakahalukipkip."I think we better take you to the hospital." Sabi ng kanyang Coach.
"But Coach hindi pa tapos ang laro. Pagrereklamo pa niya. Kahit namimilipit na sa sakit.
"Your safety is far more important here than winning this game." "Kung hinde malalagot ako sa mga magulang mo." Kabadong sabi pa nito.
"Dude, we'll finish the game, manalo man o matalo. We have morethan 1.5 minutes left." We can still try to score for the win." sabi naman ng isa pa nitong team mate.
Wala na nga siyang ibang magawa kundi ang magpadala sa Ospital na malapit sa kanilang school.
-o-
"What happened to my boy!!?" Histerya naman ng kaniyang inang si Miranda. Pagsugud sa Emergency room.
Tinawagan agad ng kaniyang Coach ang Mama niya. Dali-dali naman itong sumugud sa Ospital. Pagkakita sa anak bigla siyang sinugod nito ng yakap. Alalang-alala ang ina sa kanya.
"Iho, are you okay?" "Saan ang masakit?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito.
"Ano ba kasi ang nangyari?""Maam, nakausap ko na po ang doctor. May spiral fracture po daw na nakita sa X-ray."
"Oh my God!" Tugon ng Ina!"Wala naman po daw nakitang mga fragments of bones but they have to re-align the bone and cast it." Paliwanag nito.
"And it will take few weeks po daw bago tuluyang gumaling." Nakayukong dagdag imporma pa nito."I cannot believe this!!!" Mariin at may galit na sabi ng ina sa Coach ni Elcid.
"Mama, wala pong kasalanan si Coach."
"Aksidente po ang nangyari." Paglilinaw pa nito."Whether it's an accident or not, from this day forward wala ng Basketball- basketball na yan!" Mariing sagot naman ng kanyang ina.
"Im really sorry Mrs. Villaflor." Ang tanging nasabi na lamang ng Coach ni Elcid sa ina nito.
Paismid at buntung hininga naman ang ang pinakawalan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/60011181-288-k796389.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
Storie d'amoreNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.