Chapter 24.1

612 24 3
                                    

Mula ng magkausap sina Fina at Pia ng araw na iyon, tuwing magkikita sa School Campus ang isa't-isa madalas ismiran ni Pia si Fina. Ganun din ito sa kanilang mga practice sa banda. Hindi naman nagpapaapekto si Fina sa dalaga. Hindi naman na bago sa kanya ang kaaskaran ng ugali ng dalaga.
Hindi rin niya kinakausap si Elcid. Umaakto na lamang siya ng normal sa harapan ng dalawa at wala na siyang pakialam kung ano man ang pinagdaraanan ng mga ito. Ito ang bagay na pilit niyang iniwasang mangyari. Ang madamay siya sa hindi pagkakasundo ng dalawa.

Hindi rin inilihim ni Fina sa mga kaibigan ang naganap na paguusap nila ni Pia. Ipinaalam niya ito kina Tesa at Tristan. Galit na galit ang kanyang kaibigang si Tesa. At ang pagkakataon na iyon ang sinamantala ni Fina na magpaalam kay Tristan na aalis na siya sa kanilang grupo pagkatapos ng school year. Tutal naman ay isang taon na lamang ay gagraduate na sila ng Highschool. Pagtutuunan na lamang ng husto ni Fina ang pag-aaral. Nakiusap din si Fina kay Tristan na huwag na lamang muna itong ipaalam sa grupo.
Nalungkot ng husto si Tristan. Ngunit ng lumaon ay naintindihan naman nito ang kalagayan ni Fina.

Dumating na nga ang araw ng kanilang Intrams. Abalang-abala ang lahat lalo na sa main kompetition. At ang kanilang performance ng araw na iyon.

Dinaanan siya ni Tesa sa bahay at bago pa sila umalis ay nag-ayos muna sila ng dalaga. Tinulungan sila ng kanyang ina na mag-ayos. Naglagay ng kaunting pustura sa mukha.

"Ang gaganda naman ng aking mga prinsesa!" Sabi pa ni Aling Sol.
Napahagikgik naman ang dalawang magkaibigan.

"Nay Sol, sa palagay niyo sa ayos kong ito may prinsipe na akong makikilala?!" Pagbibiro pa ni Tesa.

"Tesa halika ka na nga, anong prinsipe ang pinagsasabi mo diyan. Paano ka makakakilala ng prinsipe mo eh sa tabas pa lang ng dila mo uurong na ang lalaki. Lakas kasi ng dating mo natatakot mga boys sa'yo." Sabi naman ni fina.

"Haha! Nagsalita! Bakit ikaw may Prinsipe ka na bang nakilala? Yung prinsipeng hinihintay mo 'te naghahanap sa ibang lugar kahit nasa harapan na niya ang prinsesa niya!" Pangaalaska nito kay Fina.

"Hmmm.. Sino ba yang Prinsipe na 'yan? Tanong naman ng ina ni Fina.

"Hay naku! Nay huwag po kayong nakikinig sa mga sinasabi niyang si Tesa. Imahinasyon na naman niya iyan!"
Sabay makahulugang tingin ni Fina sa kaibigan.

"Nay Sol, isang araw may mapapasulpot kayo dito ng hindi inaasahan. Manliligaw ni Fina!" Ngingiti pa si Tesa.

"At sino naman iyon anak? Si Tristan ba?" Tanong naman ng ina kay Fina.

"Nay hindi po. Matalik ko lang na kaibigan si Tristan." Paglilinaw niya.
"Nay huwag na po kayong makinig kay Tesa. Wala po akong manliligaw. Kung mayroon man sasabihin ko po sa inyo."

Natatawa naman ang ina nito. Kitang kita kasi sa mukha ng anak na namumula na ito sa hiya.

"Anak ok lang naman na may magkagusto sa'yo. Hindi ka naman pangit. Maganda ka, simple at mabait pa. Kaya hindi mo maiiwasan na may makapansin sa'yo. Eh di mas lalo na kung kumanta ka pa. Mas lalo na silang mahahalina sa boses mo." Nakangiting sabi ng ina.

"Naku masyado namang pag-pupuri yan. Narinig ko na iyan ng paulit-ulit. Nanay ko nga kayo!" Natatawang sabi niya.

"Ang mahalaga asikasuhin niyo muna ang mga pag-aaral niyo." Paalala ng ina.
"O siya, lumakad na kayo at baka mahuli pa kayo sa dapat niyong asikasuhin sa school." Pagtataboy ng ni Aling Sol.

Mahigit kalahating oras na silang nag-aabang ng masasakyan sa waiting shed at wala pa ring dumaraan na jeep o tricycle man lang.

"Naku Fina, mahuhuli na ako sa Drum & Lyre! Baka mag-umpisa na ang parade!Kailangan ako dun. Bakit ngayon pa walang masasakyan." Pag-aalala ni Tesa.

"Kaya nga eh, baka nag-wawarm up na nga rin ang banda niyan." Segunda naman ni Fina.

Parehong nakatuon ang kanilang atensiyon sa isang direksiyon kung saan nanggagaling ang hinihintay nilang masasakyan. Ng bigla na lamang may humintong sasakyan sa kanilang tapat.
Hindi kaagad nakilala kung kaninong sasakyan iyon. Nang buksan nito ang bintana ng driver's seat ang bumulaga kay Fina ay walang iba kundi si Elcid. Naka-shades pa ito. Itinaas nito ang shades at ginawang headband sabay ngiti sa kanya ng binata.

"Hello Fina! Hi, Tesa!" Bati ni Elcid.

Tulala naman siya at hindi makaapuhap ng sasabihin. Sadyang kaygwapo kasi nito sa ayos nito. Nakapustura ito at halatang bagong gupit. Kayganda ng mga ngiti nito. Gusto niyang gantihan ito ng ngiti ngunit naalala niya ang nanlilisik na mata ni Pia ng huli silang mag-usap. Napangiwi siya, kaya hindi na lamang siya ngumiti dito. Hindi niya ito pinansin. At tumingin ulit sa direksiyon na pinanggagalingan ng mga pampasaherong sasakyan.

"Elcidddd!!!!" Si Tesa hinawi si Fina sa tapat ng bintana ni Elcid.
"Hulog ka ng langit! Kanina pa kami naghihintay ng sasakyan walang dumarating."
"Male-late na ako. Parade pa naman ang una. Pwede bang makisakay na lang sa'yo?"


"Kaya ko nga kayo hinintuan. Sabay na kayo sa akin." Sabi naman ng binata.

"Tesa sigurado akong may parating na niyan na sasakyan." Sabi pa ni Fina.

"Eh kanina pa tayo dito ni isa walang dumaraan. Sumabay na lang tayo kay Elcid, sige na pleaseeee?" Bulong at pakiusap pa ng kaibigan.


"Baka kasi nakastandby ang lahat sa  malapit sa school pati ng mga tricycle, dahil sa Intrams. Alam mo na." Sabi pa ni Elcid.


"Pwede naman tayong maglakad Tesa! Halika na!" Hatak niya sa kaibigan.

"Excuse me?! Maglakad ba sinabi mo? Ang init-init noh?! Lusaw ang beauty natin nito." Pagtanggi nito.

Nahalata naman ni Elcid na ayaw ni Fina na sumakay sa sasakyan nito. Nakita niya sa dalaga na sadyang ayaw niyang makasama ito sa kahit anong pagkakataon.
Nakaramdam siya ng lungkot. Ganun na ba ang hindi pagkagusto ni Fina sa kanya. Nagmamagandang loob lang naman siya sa dalawang magkaibigan.

"Fina, kung ayaw mong sumakay sa sasakyan ni Elcid, ako sasakay."
"Ayokong ma-late malalagot ako kay Mr. Reyes. Alam mo namang ayaw nun ng nale-late kahit sa practice." At nagmartsa na si Tesa papasok sa sasakyan ni Elcid. Lumulan na ito sa sasakyan at umupo sa passenger seat katabi ni Elcid.

Naiwan naman si Fina na inis na inis sa kaibigan. Alam naman kasi nito na ayaw niyang makasama si Elcid sa kahit saan.
Ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang sumakay sa sasakyan ni Elcid. Bumaba pa ito at pinagbuksan siya ng pinto sa may bandang likuran. Naamoy niya ang napakapreskong pabango nito na nagdulot ng kiliti sa kanyang pakiramdam. Pinalis na lamang niya ang isiping iyon. Kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman. Ang kanyang inis at kanyang pagiingat sa damdamin na kailan man ay hindi masusuklian ng lalaking kanyang minamahal.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon