Nang matapos na ang kanilang meeting ng hapon na iyon dali-daling nagpaalam na si Elcid. Wala man lang itong sinabi pagkatapos ng mga napagusapan kanina. Hindi ito nagbigay ng kahit ano mang reaksiyon sa kanyang mga narinig. Nagpaalam ito sa lahat maliban kay Fina.
Kunot noo namang hinatid niya ito ng tingin ng palabas na ito ng silid. Kanina lamang ay napakaaliwalas ng mukha nito. Nang muntikan ng may mangyari. Bigla na lamang nagiba ang mukha nito ng ipaalam ang balita ng kanyang pag-alis sa banda. 'Nagalit kaya ito dahil sa kanyang pamamaalam?'Nag-abang naman si Elcid sa may gate ng school. Alam niyang sa may waiting shed nag-aabang si Fina ng masasakyan pauwi. Gusto niyang kausapin ang dalaga tungkol sa hindi inaasahang balita nito. Alam niyang hindi lahat ay totoo sa sinabi ni Fina. May pakiramdam siyang kung hindi si Pia ay siya ang dahilan ng pagtiwalag nito sa banda. Nasaktan naman ang binata sa isiping iyon. Aabot pa talaga sa pagalis nito sa banda ang tangka nitong pag-iwas sa kanya. At ano ang ibig sabihin ng ang nangyari kanina? Nang yapos niya ang pisngi ng dalaga. Ang muntikan na niyang paghalik dito ng hindi ito nagprotesta. Wala bang kahulugan iyon para sa dalaga? Kailangan niyang makausap ng sarilinan si Fina. Kung kinakailangang sadyain niya ito sa kanilang bahay ay gagawin niya.
Ilang minuto na siyang nakaparada sa may labas mula ng lisanin niya ang silid ay hindi parin lumalabas ang dalaga. Nakita niya ang papalabas na si Tesa. Ngunit hindi kasama ang kaibigang si Fina. Nang mapatapat ito sa kanyang sasakyan ay binusinahan niya ito at ibinaba ang bintana ng sasakyan.
"Tesa!" Pagtawag niya sa dalaga.
Nakita mo ba si Fina?" Tanong niya."Bakit mo hinahanap sa akin eh hindi ba may meeting kayo? Hindi kaba umattend? Sagot nito.
"Nauna na kasi akong umalis. Hindi ko pa siya napapadaan dito sa gate eh."
"Ahhhh... Hindi na kami magsasabay ngayon kasi may iniuutos sa akin si Nanay. Sabi niya kanina isasabay na siya ni Tristan pauwi. Inimbitahan yata siya ni Tristan sa kanila na magdinner. Hindi na nga ako sumama kasi may pupuntahan pa ako." Saad ng dalaga.
Napabuntung hininga ang binata at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
"Okay ka lang ba Elcid? Nakapagusap na ba kayo ni Fina?" Tanong ng dalaga.
"Hindi pa. Masyado yata siyang abala." May tonong pagseselos ito at halos magkadikit na ang dalawang kilay sa pagkakunot ng noo.
"Sige mauuna na ako." Pamamaalam ni Tesa.
"Saan kaba papunta pwede kitang ihatid." Pagpapaunlak ng binata.
"Naku hindi na malapit lang naman iyon dito. Salamat na lang." Sagot ni Tesa.
"Sige, mauuna na rin ako. bye!" Pamamaalam ng binata at tuluyan na siyang umalis.
Palakad-lakad si Elcid sa kanilang living room. Hindi ito mapakali. Uupo, tatayo at patingin-tingin ng oras. Pasado alas-sais na ng gabi. Iniisip niyang magpunta sa bahay nina Fina at doon ito kausapin. Naisip din niyang tawagan ang bahay nina Tristan at alamin kung nakauwi na ang dalaga. Ngunit baka kung anong isipin at maghinala si Tristan sa kanya.
Napagdesiyunan ni Elcid na magpunta na lamang sa bahay nina Fina. 'Nagpa-tao po' ang binata. Ngunit walang sumagot at nagbukas ng pinto. Mukhang wala pang tao sa bahay. Kaya bumalik na lamang siya sa kanyang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan malapit sa bakuran nina Fina.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.