Pagkahatid na ni Tristan kina Tesa at Fina ay hindi na rin nagtagal si Tristan sa bahay ng dalaga. Pinabaunan nga siya ng dalaga ng mga kakanin. Inihatid na rin ito palabas sa kanilang gate.
"Fina, maraming salamat sa mga ito. And dami mo namang binigay. Siguradong matutuwa ang mama nito." Sabi ng binata.
"Naku walang anu man iyon. Ikaw nga itong dapat kong pasalamatan eh." Tugon naman ng dalaga. Natahimik din ito ng sandali at muli'y nagsalita.
"Pero hindi nga Tristan, salamat talaga ha." Patuloy pa ni Fina at hinawakan pa ang isang kamay ng binata.
"Ano ka ba! Ayan ka na naman. Minsan kapag ganyan ka, hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa ako eh." Saad ng binata.
"Bakit naman? Wala naman masamang magpasalamat." Sabi ni Fina.
"Sa tono kasi ng mga salita mo para ka kasing laging nagpapaalam. Ayoko ng ganun." Sabi pa rin ng binata.
"Ikaw talaga. Gusto ko lang kasi na ipaalam sa iyo at kay Tesa na naaappreciate ko ang concerns ninyo sa akin. Kaya salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan." Seryosong sabi ni Fina.
"At salamat din pala sa paghatid." Nakangiting sabi ng dalaga."Anytime Fina. Basta ikaw. And you know what, just keep that smile on your face. Mas maganda ka kasi lalo kapag nakangiti ka." Seryosong sabi naman ng binata.
Hindi naman nakakibo si Fina sa sinabi ni Tristan. Parang naconcious tuloy siya ng sobrang seryoso ang kababata sa pagkasabi niyon.
"O sige na mauuna na ako. I'll see you at school okay." Pagpaalam na ng binata.
Kumaway pa ang binata at ganun din si Fina.Nagngingit-ngit si Elcid sa galit. Napagpasyahan niyang sundan si Tristan sa paghahatid kina Tesa at Fina. Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ng binata ang magiliw na pagestima ni Fina sa binatang si Tristan. Inihatid pa ito sa gate. At ang hindi niya mapapalampas ay ang paghawak pa ni Fina sa kamay ni Tristan. Tiim-bagang niyang pinagmasdan ang dalawa. Hindi siya nakatiis at bumalik na siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito papalayo sa lugar na iyon. Selos na selos siya sa nasaksihan. Kung anu-anong bagay ang pumasok sa isip niya habang nagmamaneho.
"Ganun ba yun Fina? Ganun na lang ba kadali para kaagad mawala na kung ano man ang napagsaluhan natin? Akala ko pa naman naging espesyal din iyon para sayo. Wala pang bente-kwatro oras ang nakakalipas, may superhero ka ng iba!"
Para siyang baliw na nakikipagtalo sa sarili. "Elcid kumalma ka lang. It's not what you think it is. Fina is not like that. Try to understand her. Calm down Elcid.. Calm down." Paulit-ulit na sabi sa sarili. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanya ang pagseselos. Paano niya maiiwasan ang damdamin na iyon kung araw-araw niyang makikita si Fina, lalo pa kung laging ganun ang tagpong makikita niya kasama si Tristan. Paano pa ang pagluwas nila sa Ilocos? Magpapakabato na lamang ba siya at tuluyang itatago ang damdamin? "Iyon ang tama." Sigaw naman ng isang bahagi ng isip niya. Siguro mabuti na rin ang pagalis ni Fina sa banda. Para hindi sila mahirapang iwasan ang isat-isa. Titiisin na lamang niya ang anumang masakit na damdamin na dulot ng ginawa niya. Ito ang pinili niya. Kaya paninindigan niya ito bilang isang lalaki.Lumipas ang ilang araw nagpatuloy si Fina sa kanyang buhay. Pilit iwinawaksi ang mga bagay na nakakapag-paalala kay Elcid. Itinuon ang sarili sa pag-aaral. Kapag nasa bahay siya ay inaabala ang sarili sa gawaing bahay upang mawala sa isip si Elcid. Alam niyang minsan ay dinadaya niya ang kanyang sarili. Umaga at hapon man siyang magpaka abala, pagdating naman sa gabi at sa kanyang pagtulog ay si Elcid lamang ang laman ng isip niya. Hindi mawala sa alaala niya ang mukha nito, ang halik at yakap nito. Mula ng araw na sila ay mag-usap hindi na niya nakita ang binata. Nasabi niya sa sarili na tuluyan na siyang iniwasan ni Elcid. Kung magkakasama silang dalawa iyon ay dahil sa banda na lamang. At alam niyang pag-alis niya ng tuluyan sa grupo ay hindi na niya makakasama si Elcid sa kahit anong pagkakataon. Napapaluha siya sa ganoong isipin. Sa mga gabing nakalipas tanging ang kanyang unan ang naging saksi sa kanyang mga luha. Kaysakit isipin na ang isang taong akala mo ay pwede mo ng mahalin ng malaya ay napakaimposible parin palang mangyari.
"Fina! Breaktime na!" Pagkuha naman ng atensiyon niya ni Tesa.
"Ang lalim friend! Parang balon!" Sabi pa nito.
"A-Ang alin?"
"Ang nilakbay ng isip mo!"
"Tapatin mo nga ako. Mula ng magusap kayo ni Elcid nagkaganyan ka na. May ginawa ba siya sayo? May sinabi ba siyang masama? Gusto mo ipagulpi ko na?!" Napataas pa ang boses ni Tesa.
"Sshhhhh!!! Masyado kang eksaherada!"
Bigla naman tumawa si Tesa.
"Ako eksaherada?! Eh ikaw naman kaya? Ano ang tawag sayo? Tulala? Nganga? Eh ikaw nga itong wala sa sarili eh!"
"Ayokong pag-usapan." Sabi ni Fina at tumayo na ito palabas ng classroom. Sumunod naman ang kaibigan sa kanya.
"Pero ako gusto kong pagusapan." Pangungulit naman ni Tesa.
Napahinto sa paglalakad si Fina ng makita si Pia sa umpukan ng mga kalalakihan at nakitang naroon din si Elcid. Sinundan naman ni Tesa kung saan nakatingin ang kaibigan. Nag-iba ng direksiyon ng tingin si Fina at patuloy ng naglakad papunta ng cafeteria.
Inignora na lamang niya ang pangungulit ng kaibigan."Fina, alam kong may napag-usapan kayo ni Elcid na nakaapekto sayo. Hindi ka ganyan dati. Sa mga ikinikilos mo alam kong may issue kayo ni Elcid. Tapos ngayon parang nagiiwasan pa kayo." Seryosong pahayag ni Tesa.
Sabay na silang umupo sa isang mesa malayo sa kinaroroonan ng ibang mga estudyante.
Bumuntong hininga naman ang dalaga.
"Tesa ang kulit mo naman eh. Sinabing ayaw kong pagusapan." Ulit na naman niya."Pero paano ka makaka-move on kung hindi mo mailalabas ang damdamin mo?" Sabi pa nito.
"Kumportable ka ba sa ganyan? Sinosolo mo ang nararamdaman mo? Nasasaktan ka ba o nalilito? May maitutulong ba ako? Ayaw ko kasing nakikitang nagkakaganyan ka Fina." Sa tono ng kaibigan ay alam niya napufrustrate na ito sa kanya.
Pumailalim ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kapagdaka ay nagsalita siya.
"Sige sasabihin ko na." Tugon ni Fina.
"Pero bago ko sabihin, ibili mo muna ako ng meryenda. Tutal ikaw ang mausisa kaya manlibre ka!" Ngingisi-ngising sabi ni fina.
"May pagka-bruha ka rin ano? Papalibre ka lang pala nagpapilit ka pa. Sige ako ang taya ngayon, pero ang kwento mo dapat kumpleto! Walang labis walang kulang!" Natatawa na rin nitong sabi.
Iniwan na nga siya nito upang ibili ng makakain. Napangiti siya sa kakulitan ng kaibigan. Hindi talaga siya nito tatantan hanggat hindi siya nito napapaamin. At iyon naman ang nagustuhan niya kay Tesa. Lagi itong handang tumulong sa kahit anong bagay. Para na niya itong kapatid. Laging nasasandalan sa panahon na kailangang kailangan. Naalala niya noon nung una silang magkakilala nito, nawalan siya ng dalawang kababata noon. Si Lani at Elcid. Naikwento niya iyon sa kababatang si Tesa. At ngayon ay heto na naman siya. Kausap si Tesa patungkol na naman kay Elcid. At kung paano na naman nasaktan ng binata ang kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.