Chapter 3.2

1K 40 1
                                    

Madaling nagkakilanlan at nagkagaanan ng loob sina Tristan at Fina. Sa maikling pagkakilala sa lalaki napagtantu niyang mabait si Tristan. Nakikita din niya dito ang sinseridad sa kanyang ginagawa. Palabiro din ito kung minsan. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang espesyal na trato ng lalaki.  Malimit kasi siyang istimahin nito. Hindi na lamang niya ito binibigyan ng pansin.

Nagpatuloy parin sila sa pag rerecruit  sa kanilang banda. Ganun na rin sa Choir.
Si Tesa naman ay nakasuporta sa kanila. Naging presidente kasi ito ng section Diamond at siya mismo ang nakikipag ugnayan sa ibang mga class president ng iba pang mga section upang enganyuhin ang iba na sumali o kaya kahit subukan man lang ang pagsali kung hindi man sa banda ay sa Choir.

Isang araw habang nakaupo sa ilalim ng puno ang tatlo nagmemeryenda at abala sa kanya kanyang aralin may isang babaeng lumapit.

"Ehem!" Tikhim ng babae.

"Hiiiii!!!" Tristan right?" Tanong nito.
Napatingin silang tatlo sa paglapit ng babae.

"Yes!" "Hi!" Sagot naman ni Tristan.

"My name is Pia, PIA SAMONTE."  "From section Gold." pagpapakilala ng babae.
"I heard you guys are looking for another vocalist. Gusto ko sanang  sumali." May ngiti sa labi ng babae.

"But of course!" Excited na tugon naman ni Tristan sa babae.

"We've been looking and trying to recruit kaso parang takot naman magtry ang iba."

"Well obviously that  wasn't me!" Tiwalang sagot naman ng babae sa sarili.

At nagkatinginan na lang sina Fina at Tesa.
Namukhaan naman ni Tesa ang babae.

"Teka diba ikaw yung isa sa mga Majorette ng Drum and Lyre?" Pangungumpirma ni Tesa sa babae. "Nagsign up kasi ako dun." Imporma pa niya.

"Yeah ako nga." Maarte at may pagmamalaking sagot ng babae.

"And by the way these are my friends." Sa wakas na pagpapakilala ni Tristan sa dalawa.
"Si Fina nga pala and Tesa."
"Sila ang katulong ko sa pagrerecruit."
"Si Fina ang Lead vocals." Saad ni Tristan.

"Ah okay". Matipid at pilit na ngiti kay Fina ng babae. At bumaling agad ito kay Tristan.

"So kelan tayo magpapractice?" Baling agad nito at tanong kay Trsitan.

"Ah actually we have to do some runs first." We have to know what kind of music you sing or comfortable with. We just want to make sure na you'll like the songs na kakantahin sa mga performance."

"That's pretty easy."
"I can sing whatever you want me to sing." Pagyayabang ni Pia.

"Thats good then!" Sabi naman ni Tristan.
"We will let you know once we set the date. As of now we still need to recruit someone for Keyboard and Drums." Dagdag pa nito.

"If you want pwede ako makatulong to recruit. I know someone in my class na marunong sa Keyboard."

"That'll be great.!" Pasalamat ni Tristan.

"Okay. Just let me know once everything is set. Ako na bahala kumausap sa classmate ko about it. Ipapaalam ko na lang sayo kung payag siya."

"Okay. Thank you Pia." Si tristan.

Tahimik lang silang magkaibigan habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Halata naman kasi na nagpapacute ang babae kay Tristan.
Napakaarte nitong magsalita.
Pahagod-hahod pa ng mahabang buhok, at pakagat-kagat pa ng labi.

Inis na inis si Tesa sa babae.
Kapagdaka may ibinulong pa ito kay Fina ng hindi na makatiis..

"Ang sarap subuan ng Banana-Q kasama pati stick!" Bulong na sabi ni Tesa.
Pilit naman pinigilan ni Fina ang pagtawa sa sinabi ng kaibigan.

Napabaling naman ang tingin ni Pia sa dalawa. Nahalata kasi niya na tahimik ang mga ito.

"So, Tesa i'll see you one of these days sa Drum and Lyre practice?" Anito.

"Ah oo, sige!" Sagot naman ni Tesa.

"Don't hesitate to approach me. Ako bahala sa'yo." Sabi pa nito.

"Okay! Sabi mo eh!" Si Tesa na may pilit na ngiti.

Si Fina naman ay pakunwaring nakatuon at may binabasa sa kanyang notebook.

"Same with you Fina, you can always talk to me about some songs that we can colaborate and sing together. Just let me know."

"Sure!" Sabi naman ni Fina ng may ngiti.

"Oh okay guys. I really have to go!" Sabay tingin nito sa relo.
"Male-late na ako sa practice namin." Nagmamadaling paalam nito.

"Bye, ill see you guys around!" Pagpapaalam ni Pia.

"Byeeee!" Halos sabay-sabay na paalam ng tatlo.

"Siya nga itong andaming sinasabi." "Parang tayo pa pumipigil na umalis siya!" Iritadong sabi ni Tesa.

Ginaya pa nito kung paano magsalita ang babae. "Ill see you guys around"! Maarteng pangongopya ni Tesa kung paano magsalita ang kaaalis lang na babae.

Napansin naman ni Fina na sinundan ni Tristan ng tingin ang kaalis lang na si Pia.

"Well, she seems like a nice person." "Lets give her a chance." Biglang sabi nito na nakapako parin ang tingin sa papalayong si Pia.

At parang may biglang pangambang naramdaman si Fina. Hindi kasi niya maitatanggi sa sarili na may lihim siyang paghanga kay Tristan. Hindi iyon lingid sa kanyang kaibigang si Tesa. Ngunit hindi siya sigurado kung pareho din ng pagtingin sa kanya ang lalaki. Sa mga ikinikilos kasi nito para itong nagpapahiwatig. Pero ayaw niyang umasa. Baka kasi ganun lang talaga si Tristan. Natural dito ang may paggalang at respeto sa mga babae. Parang nakita kasi ni Fina dito ang mga bagay na nakita niya sa dating kababatang si Elcid.

Si Elcid.. Bigla tuloy niyang naalala
ang dating kababata. Maraming tanong ang isip niya.

"Kumusta na kaya ito?"
"Tuluyan na nga ba siyang kinalimutan nito?"
"At si Lani?" Bigla din niya itong naalala. At di maiwasang makaramdam ng hapdi sa dibdib niya.
Huling balita kasi niya pagkatapos ng pagtatapos nila sa Elementarya ay pinaluwas ng Maynila si Lani ng kanyang ina para doon ito paaralin ng Higschool. May mga kamag-anakan kasi ang ina nito sa Maynila. Naisip tuloy niya na paniguradong magkasama sila ni Elcid.

May lungkot siyang naramdaman sa pag-iisip na magkasama ang dalawa. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Elcid dati na gusto niyang maging mas malapit sila ni Lani. Siguro ay ipinagpatuloy nito ang panliligaw sa dating kababata.

Ipinilig na lamang niya ang kaisipang iyon. Pilit itunuon ang sarili sa kasalukuyan...

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon