Kung kelan halos lampas na ng kalagitnaan ng taon doon pa siya ililipat ng eskwela ng Mama ni Elcid. Nag-aantay na lamang siya ng tawag ng kanilang kasambahay. Ito na ang takdang araw na luluwas siya pabalik ng ng San Jose.
Habang pinaglalaruan ang kanyang drumsticks narinig niyang may kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
"This is it Elcid." Bulong sa sarili.
Ngunit ng pagbuksan ito ng pinto ay nabungaran ang amang si Thomas.
"Papa..."
"Can i talk to you for a second?"
Tumango siya at naupo sa gilid ng kama.
Sumunod naman ang ama at naupo din sa tabi niya."I know you're not very happy about this."
"Neither do i." Panimula ng Papa niya."Hindi na ako dadagdag pa sa mga sermon ng iyong Mama." "But i just want to remind you son, that we love you."
"Huwag sana sasama ang loob mo. We're not sending you away because we don't care. Infact we care so much about you."
"All we want is what's best for you and your future.""The way you acted for the past years it's very immature, very irresponsible."
"We are not working hard to grow this business for nothing." "This is for you Son."
Mahinahong pagpapaliwanag nito.Tahimik lamang si Elcid na nakikinig sa kanyang Ama. Hindi kasi ito madalas siyang pagsabihan. Ngunit alam niya na seryoso ito ngayon.
"Papa i can change. Just give me one more chance?" Pakiusap niya.
"This is your chance."
"Prove your Mother that you're able to finish school.""Minsan hindi lahat ng gusto ng isang tao makukuha niya. Madalas kailangan mo rin itong paghirapan at pagtrabahuhan."
"I hope that makes sense to you."
"Mag-iingat ka sa San Jose.""If you need anything just call me ok."
"Alam mo namang we can't stay there ng iyong Mama. But she will visit you time to time."Tumango na lamang si Elcid bilang pag-sangayon sa ama.
"Arent you going to say 'bye' to your Mother?"ang ama ni Elcid.
"Puntahan mo na siya sa kwarto niya at magpaalam.""Hindi agad maaalis ang sama ng loob niya sa iyo. But just give her some time. Your mother loves you."
Hindi pa rin siya kinakausap ng kanyang Mama mula ng magkaroon sila ng argumento. Kinakausap lamang siya nito sa dapat asikasuhing mga papeles sa school sa kanyang paglipat.
At siyang pagkatok naman ng kasambahay upang ipaalam kay Elcid na handa na ang sasakyan para sa kanyang pag-alis.
Tumango na lamang siya at pilit ngumiti.
Nauna ng bumaba ang kanyang ama at tumungo naman siya sa Master's bedroom kung saan nagpapahinga ang kanyang ina.
Nalaman kasi niyang masakit daw ang ulo nito kaya hindi nakabangon para saluhan sila sa agahan.Kumatok siya ng pintuan at walang sumagot doon. Ngunit hindi naka-lock ang pinto kaya tumuloy na rin siya ng may pagiingat.
Naabutan ang ina na nakasandal ang ulo nito sa headboard ng kama, nakapikit at hawak ang bulsa de yelo sa ulo nito.
"Mama... Aalis na po ako."
Nagmulat ito ng mga mata.
"O sige mag-iingat ka doon." Sa seryosong tinig nito.
"Kinausap ko na rin si Manang Pasing at handa ang lahat pagdating mo sa Mansion."
"Thank you Mama." Tugon niya.
"Sige na at lumakad na kayo ni Mang Tasyo at baka gabihin pa kayo sa daan."
Pagtataboy na nito sa kanya.Tumalima naman siya, at bago lumabas ng silid ay lumapit sa ina at hinalikan ito sa noo.
"Bye Mama".. paalam na niya sa ina.
-o-
Habang tahak nina Elcid ang daan patungong San Jose naalala ni Elcid ang mga panahong doon pa siya nakatira. Kay bilis lumipas ng panahon marami na ring mga pagbabago sa lugar na kanyang kinagisnan. Marami-rami na ring magagandang bahay ang mga nakatirik doon. Halos lahat ng daan na kanilang tinahak ay pulos konkreto na ang mga ito.
May mga bukirin parin at mga taniman ng gulay. Ito kasi ang pangkabuhayan ng mga taga roon.
Ibininababa niya ang bintana ng kotse sa kanyang gawi at inilabas ang kanang kamay at itinaas upang damhin ang preskong hangin. Nang hindi makuntento inilabas ang ulo nito para samyuin ang napakasarap at preskong hangin ng San Jose.
Nagbibigay ito ng kapayapaan sa kanyang pakiramdam at pagiisip.
"Haaayyyyyy" pagbuntung hininga niya at umayos ulit ng pagkakaupo.
"Namiss mo ang preskong hangin dito ano?" Saad ni Mang Tasyo.
"Ako rin eh.. Iba talaga dito sa probinsiya natin, mas payapa kumpara sa siyudad."
"Oo nga po." Simpleng sagot niya.
"Alam mo Elcid masasanay ka rin ulit dito."
"Marami na ring mga lugar na pwede kang puntahan."
"May mga ginawang pasyalan na rin at napakaganda na ng plaza ngayon."
"Bakit niyo po alam ang mga ito Mang Tasyo?" "Nakakauwi po ba kayo dito sa San Jose.""Umuwi ako mahigit isang taon na. Kasalukuyang ipinagagawa ang plaza noon.
Patapos na ito bago ako makaalis."Nakakauwi pala ito sa San Jose hindi man lang niya ito nalalaman. Madalas kasi ang Papa niya ang ipinagmamaneho nito.
"Yung eskwelahan po na papasukan ko malayo po ba iyon sa Mansion?"
"Hindi naman kalayuan iyon, lampas lang ng Elementary school na pinasukan mo noon."
"Ginawa na nga ring Semi- Private school ang dating National Highschool ng San Jose."
"Yun po ba ang papasukan kong eskwela?"
"Oo doon nga iho."
"Pwede kitang idaan doon kahit sandali lang kung gusto mo."
"Saka na lang ho Mang Tasyo." " medyo pagod na rin po ako sa biyahe."
Hindi parin siya handa sa kanyang pagbabalik sa San Jose. Hindi kasi niya malaman kung ano kahihinatnan ng pagtigil niya dito.
"More than a year.. Elcid. More than a year.." "I hope you make it." pangungumbinsi sa sarili.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.