Chapter 29.1

658 27 4
                                    

Nagtatatakbo si Fina papunta sa silid kung saan ang kanilang meeting ng banda. Paguusapan na nila ang papalapit na araw ng kanilang paglalakbay papunta ng llocos para sa anibesaryo ng mga Tito at Tita ni Pia. Hindi na niya namalayan ang oras ng magpunta siya ng Library. Hindi dahil sa mga aralin na dapat niyang tapusin kundi dahil na rin sa okupado ang kanyang  isip ni Elcid.

Mula ng gabing ihatid  siya nito ay hindi na niya ito napagkikita sa bahagi ng  school. Pinagtataguan na yata siya nito sa isip-isip niya. Tinotoo na yata talaga nito ang hindi na pagaabala sa kanya. Ganun din naman si Pia. Sa mga nakalipas na araw ay tahimik ito, masalubong man niya ito sa pasilyo ng kanilang gusali ay hindi siya nito tinatapunan man lang ng pansin. Naisip niyang mas maigi na rin ito kaysa sa makipagplastikan pa ang dalaga sa kanya.

Hangos siyang dumating sa silid kung saan sila nageensayo. Malayo palang siya ay dinig na niya ang pagtambol ng drums ni Elcid. Pagpasok niya doon ay mag-isa lamang itong naroroon. Akala niya ay late na siya sa meeting at ensayo nila. Alanganin siyang pumasok at hindi makatingin ng deretso sa binata. Makikita rin naman sa binata ang pagkabigla sa mukha nito ng makita siya.





"Ha-hi, F-Fina, wala pa sila eh. Napaaga rin ako ng dating. Akala ko alas-kwatro ang meeting." Sabi ng binata.



"Ah ganun ba. Akala ko rin kasi." Simpleng sabi niya. Nabasa rin niya ang mensahe ni Tristan na nakasulat sa board. 'Meeting Moved to 4:30pm' ang nakasulat roon. Napabuntong hininga na lamang siya. Nagdadalawang isip kung aalis muna siya at babalik na lamang tutal ay napaaga siya ng kalahating oras o doon na lamang maglalagi ngunit kasamang maghihintay si Elcid.


Tahimik na lamang siyang umupo sa isang tabi. Kinuha ang kanyang kwaderno at binuklat iyon. Naiilang siya sa katahimikan ni Elcid. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. At wala naman siyang kailangang sabihin dito. Umupo rin naman ang binata sa isang tabi at kunway binasa ang mga songhits na naroon. Hindi naman mapakali si Fina sa loob-loob niya, gusto niyang magpasalamat kay Elcid sa mga bulaklak. Sadyang na-touch siya sa binata sa gesture na ginawa nito. Hindi niya iyon inaasahan.


Patingin-tingin siya sa binata habang kunway binabasa rin niya ang kanyang kwaderno, nagpapakiramdaman sila ni elcid. Hindi malaman kung sino ang unang magsasalita. Hindi na nakatiis si Fina at binuksan na niya ang kanyang bag. May dala itong halayang ube para sa binata. Pagpapasalamat din niya ito sa mga bagay na ginawa ng lalaki para kanya. Nang gabing nakalipas bumalik sa kanyang alaala ang mga bagay na ginawa ni elcid para sa kanya. Ang pagdadala niya dito sa hospital ng maaksidente siya. Ang laging paghahatid nito sa kanya sa mga pagkakataong hindi naman niya ito hinihingi sa lalaki. Alam niya sa puso niya na mabait si Elcid. Pilit lamang niyang binibigyan ng pader ang kanilang pagitan dahil na rin sa estado ng buhay ng lalaki. Ngunit ang elcid na nakilala niya noong mga bata pa sila, ay siyang Elcid parin magpahanggang ngayon. Mabait ito at maalalahanin. Hindi niya namalayan na nakatitig na siya sa lalaki dahil na rin sa mga naisip. Abala naman ang binata sa binabasa, at ng mapaangat ito ng tingin ay nahuli siya nito ng pagtitig sa kanya.


"Fina, may problema ba?" tanong ng binata.


"ha?! A-eh wala, wala naman." pagkapahiya niya.

Tumango ang binata at nagpatuloy sa pagbuklat buklat ng Songhits. Tumayo rin ito at inayos ang mga Mic sa stand. Nakatalikod ito kay Fina, hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang dalaga ng siya ay humarap.


"Para sayo." sabi nito at iniaabot ang dala ni Fina para sa binata.
Napatitig naman ito sa hawak niya at sa mukha ng dalaga.


"Kunin mo na, gumawa kasi si Nanay kagabi nito may pa-order siya eh." Imbes na sabihin ni fina ang kanyang pasasalamat ay iba ang kanyang nasabi.


Hindi pa rin inabot ni elcid ang bigay ng dalaga dahil sa pagkabigla. Hindi kasi niya ito inaasahan. Sa kanyang pagaakala ay hindi na siya kikibuin ng dalaga. Pagkatapos ng kanilang paguusap ng gabing iyon ay ngayon lamang sila nagkita at nagkausap ni fina ng magkaharap na dalawa.


"Ayaw mo ba? Sige ibibigay ko na lang kay Tristan." sabi ni Fina ng hindi parin kumikilos si elcid. Tatalikod na sana ito ng biglang hilahin siya ni Elcid. Sa kanyang pagkabigla ay nawalan siya ng balanse paharap kay Elcid at  napahawak sa balikat nito. Maagap naman siyang nasapo ng lalaki sa kanyang likuran. Sa pagkakataong iyon ay parang bigla na namang tumigil ang ikot ng kanilang mundo, ang kanilang mga matay nangungusap, ang mga damdaming nais kumala sa kanilang mga puso. Parang ang lahat sa kanilang paligid ay bumagal.  Sadyang kaylapit na ni Elcid sa kanyang mukha. Tinitigan ni Elcid ang kanyang mga labi. Dinig na dinig niya ang kabog ng kanyang dibdib. Sinambit nito ang kanyang pangalan.


"Serafina..." sambit nito. Sadyang si Elcid lamang ang bumabanggit ng kanyang buong pangalan ng may suyo sa kanyang pandinig.  Papalapit ng papalapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Halos ramdam na niya ang hininga nito sa kanyang mukha. Alam niya ang balak gawin ng binata, hahalikan siya nito. Ngunit bakit wala siyang balak magprotesta sa balak gawin ng binata. Napapikit si Fina. Sa isa pang pagkakataon ay tinawag ulit ni Elcid ang kanyang pangalan. Nagmulat siya ng tingin at nakipagtitigan sa binata.

Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. Nagdulot iyon ng mainit na sensayon sa kanyang pakiramdam. Nang aktong hahalikan na siya ng binata pagkatapos niyon ay siya namang ingay sa labas  ang kanilang narinig at may mga taong paparating.


Bago pa lumitaw sa pintuan sina Carlo at Cris ay nakuha na nilang bumitaw sa isat-isa. Napagtanto na parang panandalian silang nawala sa sarili. Naghiwalay sila at kunway bumalik sa kanilang mga ginagawa kani-kanina lamang.

"O nandito na pala kayo? Kanina pa kayo dumating dito?" Tanong ng dalawang kasama.


"Nauna ako, kadarating lang din ni Fina." Sagot ni elcid at nagkatinginan sila ng dalaga. Patay malisya naman si Fina na parang walang nangyari. Hiyang-hiya siya kay elcid. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lamang nanlambot ang kanyang mga tuhod sa mga bisig ng binata.

Ganun din naman ang pakiramdam ng binata dito. Hindi niya sinasadyang gawin ito kay Fina. Hindi niya nakontrol ang kanyang damdamin sa dalaga nang mapalapit ito ng husto sa kanya. Nag-aalala siya baka ano ang isipin ng dalaga sa kanya. Na sinamantala niya ang pagkakataong iyon. Ayaw niyang isipin ng dalaga na wala itong respeto sa kanya. Mahal niya si Fina, at gusto niyang ibigay dito ang nararapat na pagtrato sa kanya bilang isang marangal na babae.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon