Chapter 13.1

741 31 1
                                    

"Guys listen, i have a good news for us!" Sabik na anunsiyo ni Pia sa mga kagrupo. Araw iyon ng kanilang ensayo.

"Well, my Auncle and aunt from Ilocos called me last night. They wanted us to perform on their 20th wedding anniversary!"

"Wow! Thats nice!" Kumento naman ni Carlo.

"And of course they're willing to pay for the fee! This will be good for us and the school. This will help our upcoming project to buy more computers for the Library. Isn't nice?!" Pagpapatuloy ni Pia.

"And, thats not it! Gaganapin ang reception sa isang private beach resort. But we have to stay for 2 nights and 3 days. Accomodations free, sagot nila lahat including our transportation!" Masayang pagbabalita ni Pia.

"That's Awesome Pia!" Sabi naman ni Elcid na napakalawak ng ngiti.

"That's good!" Si Tristan.

"So we better practice songs that are meant for couples."
"And Tristan please make sure all the wavers are ready for our parents to sign." Sabi pa ni Pia dito.

Habang masayang nagbabalita si Pia, tahimik lang namang nakikinig si Fina sa isang tabi. Hindi niya alam kung masasabik siya sa paglalakbay ng grupo papuntang Ilocos. Ang ibig sabihin nito ay maglalakbay sila mahigit pitong oras at ganoong oras din niya makakasama sa iisang sasakyan at makita ang paglalambingan nina Elcid at ni Pia.

Mula ng despedida ni Dave bigla na lamang niyang napansin ang pagbabago ni Elcid. Naging mailap ito sa kanya. Nagtaka na lamang siya na parang iwas si Elcid tuwing may mga pagkakataong mapag-iiwanan silang dalawa na magkasama.
Kapag nasasalubong niya ito sa bahagi ng eskwela, ngiti lang ang binabati nito.


Hindi na rin nalingid sa kanyang kaalaman na madalas ay magkasama sila ni Pia. Nabanggit ni Tristan na lumalabas ang dalawa minsan pagkatapos ng klase. At isang araw ay nasagot na rin ang kanyang mga katanungan ng inanunsyo ng dalawa sa banda ang kanilang opisyal na relasyon.

Nakaramdam siya ng panlulumo sa sarili ng malaman niya ito. Sa mga pagkakataong nakikita niya ang dalawa na napakalapit sa isat-isa hindi niya maiwasan ang hindi manibugho. Pilit na lamang niyang inaalo ang sariling damdamin. At saksi si Tristan sa lahat ng iyon.
'Si Tristan, na naging mabuting kaibigan sa kanya. Na laging sumasalo sa mga pagkakataong hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon. Minsan nahiling niyang sana madaling turuan ang puso, kung sino ang mamahalin nito.'



"Sa palagay mo papayagan kaba ng Nanay mo?" Paglapit ni Tristan sa kanya.

"Susubukan kong magpaalam Tristan. Parang ang layo na kasi nun." si fina.

"Kung kinakailangang ako mismo magpapaalam para sayo sabihin mo lang."

Naulinigan naman ni Elcid ang paguusap ng dalawa.

"Fina kung kinakailangn buong grupo ang magpaalan sa iyo kay Aling Sol, gagawin namin. Hindi ba guys?" Sabat naman ni Elcid.

"Of course we will." Sagot naman ni Pia sabay saklit ng braso nito sa mga bisig ni Elcid.

"Okay then, we need to know about the program sa party. We need some up beat songs and love songs.
That's not until next month but we have to make sure na handa ang lahat.
Dont forget guys, our Intrams is coming too. Kaya we will be busy lalo na sa mga competitions na gaganapin sa school."



Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon