Sa loob ng silid ni Elcid hindi mapakali ang binata. Palakad-lakad siya. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama. Masaya siyang makita at makasama si Fina. Kakausapin niya ang dalaga mamaya kung magkakaroon ng pagkakataon na lubayan ang dalaga ng kanyang Nanay Pasing. Sadyang magiliw kasi ang kanyang tagapangalaga kay Fina. Gustong-gusto niya ito. Madalas ay lagi itong tinatanong sa kanya. Napangiti naman siya ng sandaling silipin ang dalawa na abalang nagkukwentuhan. Nagmasid ng bahagya sa babaeng kanyang minamahal. Tiningnan ito at sinuri kung paano ito magsalita, ngumiti at bumulalas ng tawa. Wala siyang hindi gusto sa kabuuan nito. Lalong-lalo na ang pagkatao ng dalaga.
Pagkatapos niyon ay nagbalik na sa kanyang silid at naligo. Nakailang palit din si Elcid ng damit. Hindi makapili kung anong T-shirt ang susuutin. Hindi nagtagal ay nagsuot na lamang ito ng puting Crew neck na Hanes T-shirt at Faded Levis na Jeans. Simple ngunit mababakas ang kagwapuhan ng binata sa suot nito. Hindi nagtagal ay lumabas na siya ng silid at bumaba upang daluhan sina Fina at Nanay Pasing sa living room.
"Heto na pala si Elcid. Halika na kayo at kumain na tayo." Pagyaya ng matanda.
Tumayo na ito at inalalayan ni Elcid. Tumayo na rin si Fina at sabay-sabay na silang dumalo sa hapag.
Hindi maiwasan ni Fina ang hindi mapahanga sa kagwapuhan ni Elcid. Bagong ligo ito at napakabango ng hitsura. Kahit sa simpleng suot nito, mababakas ang hulma ng kanyang katawan. Hindi mapagkakamalan na nasa highschool parin ito. Sa batang edad nito ay mapapansin na may hulma ang mga bisig nito dahil na rin sa active life at pageexercise ng binata.
Napatitig si Fina sa bahaging dibdib ni Elcid. Agaw pansin kasi sa suot nitong fit na T-shirt ang kamachuhan ng binata. Napalunok siyang bigla at parang nauhaw. Hindi niya namalayan na iginigiya na siya ni Elcid sa upuan sa tabi ni Nanay Pasing.
"Fina, have a sit." Giya ni Elcid dito.
Natauhan naman siya umupo at nagpasalamat. Pagkaupo niya ay inabot ang baso ng tubig at uminom.
"Iha huwag kang mahihiya ha, kumain kang mabuti." Sabi pa ni Nanay Pasing.
Habang kumakain ay nagpatuloy parin sa pagkwento ang matanda.
Magkatapat sila ni Elcid sa komedor at ang matanda naman ang nasa sentrong bahagi. Minsan ay hindi maiwasang magkatagpo ang kanilang tingin ni Elcid.
"Oo nga pala Elcid. Ipaalala mo sa akin mamaya yung ibinibigay ko kay Fina na Orchids."
"Alam mo bang ang tagal-tagal ko ng sinasabi kay Elcid na anyayahan ka dito sa bahay? Sinasabi ba niya sayo?" Tanong pa nito kay Fina.
"Nabanggit po ni Elcid." Nahihiya niyang sagot. At napatingin sa binata.
"Kaya natutuwa ako ngayon dahil sa wakas nakabalik ka rin dito." Sabi ng matanda.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat. Salamat po sa imbitasyon niyo." Sabi ni Fina.
"Asus wala iyon iha. Basta para kay Elcid. Kung sino ang mahal ng alaga ko ay doon ako." Biglang sabi ng matanda. At biglang natutop ang bibig sa hindi sinasadyang pagkasabi ng mga bagay na iyon.
Muntik ng mabulunan si Elcid sa turan ng matanda. Natahimik naman si Fina at kunway wala siyang narinig. Ngunit halata ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Nay Pasing! Nainom niyo po ba yung isa niyo pang gamot?" Pagsabat ni Elcid upang maiba ang usapan.
"Ay Oo nga pala, naku teka lang ha nasa bag ko yata iyon." Patay malisya ang matanda at kunway parang wala siyang nasabi. Tatayo na sana ito at biglang tumayo naman si Elcid.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.
