Chapter 28.2

690 28 6
                                    

Nang gabing iyon mabigat ang loob ni Fina na nahiga sa kanyang kama. Pabiling-biling siya at hindi makatulog. Parang naririnig pa niya ang mga sinabi ni Elcid. Ang paniniguro nito sa kanya na gagawin nito ang lahat para hindi na siya guluhin ni Pia. At ang sabi nitong 'Im not gonna bother you anymore' ay paulit-ulit ito sa kanyang pandinig. Napaupo siya sa gilid ng kama at napatitig sa mga Tulips na bigay ng binata sa kanya. Ipinatong niya ito sa may maliit na lamesa malapit sa kanyang higaan.

Hindi niya napansin kanina na may nakalakip pa lang maliit na card doon na na nakapaloob sa pulang sobre. Maingat niya itong binuksan.
'To my lovely dance partner, Congratulations!'. Mas lalong naramdaman tuloy ni Fina kanyang panghihinayang. Bakit ba pilit niyang itinataboy si Elcid sa buhay niya? Alam niyang pinahihirapan niya ang kanyang sarili. Dahil narin sa natatakot siya sa maaring mangyari kung hahayaan niya ang sarili na patuloy ibigin si Elcid. Alam niyang hindi siya nararapat para sa lalaki. Naidikit na lamang niya sa dibdib ang mga bulaklak na animong si Elcid ang mga iyon.




Samantala sa mansiyon hindi rin naman dalawin ng antok ang binatang si Elcid. Lumabas na lamang siya at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Nasa harapan parin siya ng bukas na ref at tulalang nakatitig sa kawalan ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

"At sino naman ang maswerteng dalaga ang iniisip ng alaga ko?" Tanong ng kanyang Yaya Pasing.

Muntik na siyang mapatalon sa pagkagulat at hindi napansin ang matanda na nasa loob din pala ito ng kusina.

"Nanay Pasing naman, nakakagulat kayo!" Sabi ng binata.

"Hindi mo ba narinig ang lagasgas ng tsinelas ko? Malalim lang talaga ang iniisip mo kaya hindi mo ako napansin." Nagtatanong  ang mga tingin ng matanda.

"May problema ka ba iho? Mula kaninang pagdating mo parang medyo wala ka na sa sarili mo. Hindi mo pa nga inubos ang dinner mo kanina. May maitutulong ba ako kung ano man iyan?"

Lumapit naman siya sa may center table at umupo sa bar stool, patuloy parin ang paginom ng tubig.
"Wala ho Nanay.. Okay lang po ako. Itutulog ko lang ito mawawala na." Malungkot niyang sabi.

"Sigurado ka ba? Ikaw ang bahala hindi kita pipilitin. Basta kung ano man iyan maayos din." Sabi pa ng matanda. At kumuha na rin ito ng maiinom. Pagkatapos niyon ay tumalikod na ang matanda at tuluyan na sana siyang aalis ng magsalita ulit si Elcid.


"Nay Pasing, ipinakukumusta ka nga rin po pala ni Fina. Magkasama ho kami kanina." Pagpapaabot ni Elcid ng mensahe ni Fina.

Napangiti at humarap naman ang matanda. Tuluyan na nga itong lumapit kay Elcid.
"Uy siya nga ba? Kumusta na si Fina? Nakakatuwa ang batang yun ano? Napakabait at magalang na bata. Bakit hindi mo siya yayaing pumunta dito?" Suhestiyon ng matanda.

Hindi naman kaagad sumagot si Elcid.
"Iho, si Fina ang ba pinagkakaganyan mo?" Tanong ulit nito.


Yumuko siya at nilamukos ng palad ang mukha. "Oho Nay pasing. Si Fina nga ho." Hindi na siya nakatiis at nagtapat na sa matanda.

"Ano ba ang nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? Nagkatampuhan ba kayo?" Tanong nito.

"Hindi ko nga ho alam. Sabi niya hindi naman siya galit sa akin."

"Galit? Bakit siya magagalit sayo? May ginawa kaba?"

"Wala naman ho, kaso kasi si Pia eh." Iritadong pahayag niya.

"Ano namang kinalaman niya dito? Akala ko bang wala na kayo ni mistisang bangus?" Sabi pa ng matanda.

"Wala na nga ho. Pero hindi pa rin siya tumitigil eh. Kasi pinagseselosan niya si Fina, kahit noong kami pa." Paliwanag niya sa matanda. At naikwento na nga nito ang buong senaryo ng mga naganap sa kanyang tagapangalaga.
Umayon naman ito sa maling paguugali ng dati nitong kasintahang si Pia. At hindi rin niya masisisi ang kanyang alaga kung magbago ito ng isip sa dalaga. At naikwento rin ni Elcid ang pangyayari ng araw na iyon.

"Alam mo kung titingnan ko kayong dalawa ni Fina sa malayo at oobserbahan ang ikinikilos ninyong dalawa masasabi kong pareho kayong may pagtingin sa bawat isa." Saad ng matanda.



"Ho????!" Gulat na sabi ni Elcid.


"Oo! Aba'y napakasimple naman ng sitwasyon na kinahaharap ninyo. Hindi niyo pa masolve-solve ang puzzle na yan. Isa lang sa inyo ang kailangang magkaroon ng lakas ng loob para umamin."
"Siyempre hindi naman si Fina iyon. Sa tingin ko eh hindi siya ang tipo ng babaeng hahabol sayo kahit may gusto siya."
"At siyempre ikaw ang lalaki, kung gusto mong may mapala e di kumilos ka bilang lalaki!" Parang sermon pa nito.


"Nanay Pasing, sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo?"

"Hay naku! Papunta ka palang pabalik na ako." Sabi pa ng matanda.
"Kayo talagang mga kabataan oo, sabagay ganun talaga kapag puppy love, minsan nakakalito diba?"

"Puppy Love?" "Sa palagay niyo Puppy Love lang ito?" Tanong ni Elcid.


"Maari...maari din namang true love. Pero ang true love kapag nahanap mo na iyon, isang pakiramdam iyon na hindi nawawala, kahit gaano katagal, hindi iyon kukupas. At napapatunayan yun sa haba ng panahon. Minsan may kasamang sakripisyo, may kasamang sakit, pero kasama yun sa mga ingridients ng pagmamahal. Yung kaya mong tanggapin at kaya mong mahalin kung anong meron at wala ang taong mahal mo. At kahit ano ang mangyari dawala kayong haharap sa kahit anong pwede niyong pagdaanan. Dahil ang true love hindi siya perfect. Yung kumbaga sakto lang!" Saktong panghabang buhay!" Biro pa ng matanda kay Elcid.

Natawa naman ang binata sa huling sinabi nito.
"Nay salamat ha. Pinagaan niyo ang loob ko." Sabi ni Elcid.

"Alam mo iho, bata ka pa. Marami ka pang mararanasan, at kailangang matutunan. Lalo na sa larangan ng buhay at pag-ibig. Pero sa ngayon asikasuhin mo muna ang pag-aaral mo. Tuparin mo ang mga pangarap mo. Gawin mo iyon para sa sarili mo hindi sa ibang tao. Ang pag-ibig kusa yang darating sayo sa tamang tao, panahon at pagkakataon."
"Pero alam mo kung ako ang tatanungin mo, boto ako kay Fina. Nakikita ko sa kanya na may mabuti siyang puso. At nakikita ko na siya yung tipo ng babae na kapag nagmahal ay saktong panghabang buhay." Seryoso ang matanda sa sinabi nito.

"O siya maiwan na kita. Magpahinga ka na rin at malalim na ang gabi." Pagpapaalam ng matanda.

"Sige ho, matutulog na rin ako niyan. Salamat Nanay Pasing."
Napag-iwanan naman si Elcid na may tuwa sa dibdib. Pilit inilarawan si Fina sa kanyang isip. Nakatulong sa kanya ang mga sinabi ng kanyang Yaya Pasing na magkaroon ng lakas ng loob upang mapabatid kay Fina ang tunay niyang damdamin para dito. At nabuo ang plano sa kanyang isip.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon