Chapter 25.2

557 26 0
                                    

Naghahanda na si Fina para sa kanilang Sayaw sa Bangko. Tinulungan siya ni Tesa para makapag-retouch at maisuot ang kanilang costume. Naghihintay naman ang iba pa niyang mga kasama sa isang bahagi ng gym para sa pagdadausan ng kanilang sayaw. Nang makarating siya doon napansin niyang wala pa roon si Elcid. Kumpleto na sila at malapit na silang tawagin ng announcer. Naroon din ang kanilang dance instructor na si Miss Bea at binati ang grupo at winish na sana ay manalo sila.

Paling-linga si Fina sa kanyang paligid. Hindi pa rin maapuhap ng kanyang paningin si Elcid. Kinakabahan na siya.

"Guys be ready kayo na ang susunod." Pagaanunsiyo ni Miss Bea.

"Naku nasaan na ba si Elcid?" Tanong pa ni Miss Bea kay Fina.

"Hindi ko nga po alam. Hindi rin daw alam ng grupo kung saan ito nagpunta." Nagaalalang sabi ni Fina.

Tingin naman ng tingin si Pia kay Fina at parang  hinahanap rin si Elcid. Binigyan naman ng instructions ni Miss Bea ang iba na maghanda na at isa-isang magkaka-partner ang unti-unting lalabas papunta ng stage. Naihanda na ang mga Bangko na gagamitin sa taas ng stage.

"And now ladies and gentlemen from our Junior Level, let us witness a very exciting performance from our students representing a traditional dance called 'sayaw sa bangko' please give them a round of applause!" Pagpapakilala ng announcer.
Sa dibisyong iyon ay hindi si Mr Santos ang kanilang announcer. Si Mr Reyes ang in charge dito.
Isa-isa ng nagsilabasan ang lahat. Si Fina ay nasa pinakahuli. Kagat-labi itong nakayuko at nakapikit na animoy nagdarasal sa lahat ng Santo na sana ay lumitaw na ang kanyang partner. Nang magmulat siya ng mata ay bigla na lamang may dumukwang ng kanyang magkalapat na mga palad at mahigpit itong inilapat sa kanyang palad ng walang iba kundi si Elcid.

"I'm here now." Walang paliwanag na biglang sabi ni Elcid.

"El-elcid?!" Yun lamang ang mga salitang nasabi ni Fina at sa kanyang pagkagulat ay mahigpit na ring gumanti ng yapos sa mga palad ng binata.

"Let's do our very best to win this. Just trust me hold my hand tightly and you will never fall. Okay?" Saad pa ng binata.

Napangiti na lamang siya sa sinabi ng binata. At tumango pa siya dito.
Sila na ang pinakahuling lumabas at mahigpit na nagkakausap ang palad. Nagpalakpakan na ang lahat. Pumwesto na ang lahat at nagumpisa ng tumugtog ang kanilang sayaw. Iba't-iba naman ang reaksiyon ng mga nanonood dahil sa makalaglag-pangang performance ng mga ito. Makikita sa mga hurado na bilib na bilib ang mga ito sa kanilang sayaw. At ng matapos na ang kanilang sayaw nagsitayuan ang mga hurado sa tuwa habang pumapalakpak ang mga ito. Indikasyon ito na may pag-asa silang manalo sa dibisyon na iyon ng patimpalak.

Nang magbalik ang lahat sa likod ng stage patiling lumapit ang kanilang teacher na si Mr Santos at Miss Bea. Tuwang-tuwa ang mga ito at binati ang lahat.

Habang abala naman na kausap ni Miss Bea si Pia, magkausap naman si Elcid at Mr Santos. Nilapitan naman siya ni Tristan at kinamayan ang dalaga.

"Ayos ba ang lucky charm mo Fina? Sigurado na tayo na ang mananalo." Sabi ni Tristan.

"Oo nga, effective nga yata Tristan, salamat ha!" Malawak na ngiting sagot ng dalaga.

Napatingin naman siya sa gawi nina Elcid at Mr Santos. Naguusap parin ang dalawa. Nagsalubong naman ang tingin nila ni Elcid at ngumiti ito sa kanya. Gumanti rin siya ng ngiti sa binata at nagyuko siya ng tingin. May ibinulong sa kanya si Tristan upang may sabihin ito tungkol sa kanyang pagalis sa banda. Nang magbalik siya ng tingin sa gawi nina Elcid ay wala na ang binata. Napakunot noo na lamang siya at iginala ang tingin. Nakita niyang palabas na ito ng backstage.
Saan na naman kaya pupunta ang lalaki? Nakita niyang nagpaalam din si Pia at umalis kasunod ni Elcid. 'Ahhh ano pa nga ba, e di maguusap na naman ang dalawa.' Sabi ng isip niya. Inaya naman siya ni Tristan na magpunta sa labas at panoorin ang iba pang kasali sa kompetisyon.


Natagpuan naman ni Elcid ang sarili sa loob ng kanyang sasakyan. Hawak nito ang isang kumpol ng pulang rosas at nakatitig dito.  Hindi siya makapagdesisyon kung iaabot ba ito kay Fina mamaya o hihilingin kay Tesa na iabot na lang sa dalaga ang mga ito. 'Wala naman itong ibang ibig sabihin, isa lang itong gesture bilang pasasalamat dahil sa maganda nilang performance.' Dahilan niya ito sa sarili.

Hindi na siya nagbalik sa umpukan ng kanyang mga grupo. Ayaw kasi niyang manatili sa iisang lugar kasama si Pia. Gusto niyang bigyan ang dalaga ng space. At makakabubuti iyon para sa kanilang dalawa. Alam niya at ramdam niyang minsan ay gusto siyang kausapin ng dalaga ngunit hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon para makausap siya. Para sa kanya ay tama ng naisaloob niya ang totoo niyang damdamin. Alam niyang nasaktan niya ito. At ayaw niyang paasahin pa rin ang dalaga. Ayaw din niyang mapag-usapan sila ni Fina sa bagay na gusto niyang gawin. Matiim siyang nag-isip. At biglang nabuo ang kanyang ideya kung paano maiaabot sa dalaga ang mga bulaklak na kanina pa niya itinatago sa likod ng kanyang sasakyan.

Bago pa lang niya madaanan sina Fina at Tesa kanina sa waiting shed napag-isipan na ng binata na dumaan sa flower shop at bilhan ang dalaga. Gusto niyang iabot iyon sa dalaga pagkatapos ng kanilang sayaw. Mabuti na lamang ay naitago niya iyon sa likod ng kanyang sasakyan. Dahil kung hindi ay bistado siya nina Fina at Tesa at paniguradong may tanong ang mga isip nito kung para kanino ang mga kumpol ng rosas na iyon. Walang kaalam-alam si Fina na ang lalaking lihim niyang minamahal ay may lihim rin itong pagtingin sa kanya.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon