Chapter21

39 3 0
                                    

Angelo POV:

Kakagising ko lang ngayon at tinignan ko yung dalawang nanligaw kagabi tulog pa sila.Tinignan ko yung orasan at alas kwatro palang pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain. Naisip ko yung nagyari kagabi nakakainis yung janine na yun kung hindi dahil sa kanya hindi tuloy ako nakakain ng dessert kagabi kainis.

Ng makarating ako sa kusina nagtimpla ako ng coffe. Tapos lumabas muna ako at pagtingin ko sa di kalayuan na kita ko si janine na mukhang umiiyak. "Wow himala ang aga niyang na gising ngayon malaking himala"sabi ko sa sarili ko.

"Pero teka! bakit umiiyak siya habang may kausap siya sa cellphone ano kaya yun"sabi ko sa sarili ko na nagtataka.

Gustong gusto ko siyang puntahan para damayan kung ano man yung problema o kung bakit siya umiiyak pero enemy kami eh baka tarayan lang ako niya tsaka baka ano pang isipin ng bitter na yan.

Ang tagal kung nag isip na pupunta ba ako dun o hindi. Bahala na naawa na kase ako sa kanya eh.Ng maka punta ako dun tinignan niya ako ng naka kunot yung noo tapos inalis niya yung tingin niya sakin at nakatingin siya sa malayo habang nakatulala. "Bakit ka andito" sabi niya sakin.

"Wala lang na padaan kase maaga akong na gising tsaka gusto ko mag pahangin eh" sabi ko sa kanya. "Pwede ba akong umupo" sabi ko sa kanya.

"Bakit may nagsabi ba sayo na bawal kang umupo" sabi niya sakin habang nakatulala at naka sad face.

"Wala! Nagpapaalam lang kase baka tarayan mo ako katulad na lang ngayon"sabi ko sa kanya.

"Sige umupo kana" sabi niya sakin.

Umupo na ako sa tabi niya at tumingin siya sakin habang malapit na tumulo yung luha niya "Pwede ba akong yumakap sayo" sabi niya sakin.

Walang sabi sabi hinatak ko na siya para yakapin. Ewan ko sa sarili ko pero parang gustong gusto ko siyang yakapin ng matagal habang yakap ko siya umagos na yung mga luha niya. "Bakit ganun angelo bakit ang hirap hirap magpatawad ng isang tao" sabi niya sakin.

"Shhh!! sige lang ibuhos mo lang ang sama ng loob mo ilabas mo lang lahat ng galit sa puso mo" sabi ko sa kanya.

Iyak parin siya ng iyak sakin habang yakap yakap ko siya awang awa ako sa kanya ewan pero parang pasan niya ang mundo sa subrang problem niya hindi ko naman alam kung anong problema niya. Ng makatapos siya ng iyak pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. "Sorry angelo kung ginawa ko pang iyakan yang damit mo"sabi niya sakin.

"Wala yun! sa ngayon magbati muna tayo dito sa tagaytay"sabi ko sa kanya.

"Ok sige kung yan yung gusto mo" sabi niya sakin habang nakatulala at nakatingin sa malayo."Angelo!" sabi niya sakin.

"Hmm! ano yun" sabi ko sa kanya.

"Angelo sorry ha kung nagalit ka saken kagabi. Hindi ka tuloy nakakain ng favorite dessert mo na chocolate cake tapos lagyan mo nang ice cream na chocolate" sabi niya sakin na naka ngiti.

Shit!! ang ganda niya kapag ngum-ingit lalo tuloy siyang gumanda. Pero wait bakit alam niya yung favorite ko tapos yung ice cream na nilalagyan ko ng cake. Kumunot yung noo kung nakat tingin sa kanya na nagtataka "Bakit mo alam na yun yung favorite ko" tanong ko sa kanya

"Eh! kase sinabi sakin nila jaybe e!" sabi niya sakin habang naka ngiti.

Napaka ganda niya talaga kapag naka ngiti binibiro ko lang naman siya na pangit para mainis siya sakin. Ngumiti ako sa kanya at na alala ko yung pag iyak niya kanina. "Ano bang problema mo at umiiyak ka kanina" sabi ko sa kanya.

Nuko angelo napaka tanga mo bakit mo pa sinabi sa kanya nakakainis ka mamaya umiiyak na naman yan damn it!. Tumingin siya sakin at ngumiti janine last mo na yan ha kapag hindi ako nakapagpigil hahalikan na talaga kita. "Si dady kase isasama daw niya ako sa amerika kapag nakatapos na daw ako sa pag-aaral" sabi niya sakin.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon