Dwayne POV:
"Oh! ano magaling kana ba kamusta ang nurse mo magaling ba mag alaga" sabi ko
Nandito na kami sa bahay nila keon at nandito din si cj nagstay muna siya dito dahil nakiusap sa kanya si tita kris na siya muna ang mag-alaga kay keon. At ngayon nandito rin kaming pito at may dala dala kaming mga prutas habang si keon meron pa din bandage sa ulo dahil minsan sumasakit pa yung ulo niya at hindi pa masyadong magaling yung mga sugat niya kaya nandito muna siya sa kwarto niya.
"Oo ang sarap nga mag-alaga kung pwede nga lang dito na siya tumira kaso magagalit naman si kuya"sabi ni keon sakin.
"Hehehe.... mukha ka kaseng di katiwa tiwala eh!"sabi ko.
Bigla naman may tumama na isang unan sakin pagtingin ko si angelo pala babatahun niya sana ako ngunit pumunta ako sa likod ni shien habang naka hawak ako sa braso niya. "Ano ba dwayne"sabi ni shien.
"Si angelo kase binabato na naman ako"sabi ko.
"Syempre tignan mo si keon parang mansusuntok na sa sama ng tingin sayo"sabi ni angelo sakin.
Tinignan ko lang siya tapos nagpiece sign lang ako bigla naman lumapit sakin yung tatlo at pinaghahampas ako ng unan abno talaga ito lagi na lang nila ko kinakawawa. "Love!!! tulong ginugulpi ako ng mga mukong ng mga ito!!! love!!!!"sigaw ko habang naka higa na ako sa sahig.
"Bagay lang yan sayo dahil isip bata talaga yang pag-iisip mo"sabi sakin ni shien.
Biglang bumukas yung pinto kaya na tigil sila sa paghampas ng unan sakin at lumingon kaming lahat sa pintuan kaya na kita namin sila kuya harry at may dalang pagkain mukhang masarap ata yung dala nila si ate camille naman pumasok din at may dala dalang lap top. "Hi!!! guys!!"sigaw ni ate camille habang naka ngiti.
Inilapag naman ni keon yung prutas at nakipag kamay kay keon. "Bro musta na"sabi ni kuya harry.
"Ok naman ako kuya medyo sumasakit sakit lang yung ulo ko pa minsan minsan pero sabi ng doctor ok na daw ako"sabi ni keon.
Gusto makita kung ano yung nasa lap top kaso nakatalikod kase kaya hindi ko makita. "Ok naman yang nurse mo"sabi ni harry sabay tingin kay cj at ngumiti.
Ngumiti naman si keon. "Ok naman kuya harry "sabi ni keon.
"Sabi ko sayo kuya marunong ako mag alaga eh!"sabi ni cj kay kuya harry.
"Oo na manay magaling kana"sabi ni kuya harry.
Ngumiti lang si cj. "Wait nga lang kanina pa ako na ngangati gusto ko sanang malaman kung ano ba yung nasa lap top"sabi ko kating kating na kase ako na malaman kung ano ba yun.
"Gusto niyo bang makita"sabi ni ate camille habang ang lapad ng ngiti.
"Ano ba yan"sabi ko
"Yes!! ate camille"sabi naman ni shien.
"Taran!!!"sabi niya sabay harap sa samin ng lap top.
Nagulat naman kaming lahat si janine pala yun ang tagal namin siyang hindi na kita simula ng magkaron ng issue kila cj at keon ang tagal na rin kamusta na kaya siya. Tinigna ko siya at ang dami nag bago sa kanya lalo siyang gumanda ang ganda ng buhok niyo naka kulot siya tapos meron kulay yung buhok niya sa baba na kulay pink at purple. At lalo siyang pumuti sa buhok niya at parang lalo siyang kuminis at ang ganda ganda niya.
"Kamusta kana dyan"sabi ni cj.
"Ito ok naman"sabi ni janine.
"Bungga ang hairstyle mo ha! pareho na tayong maganda"pagbibiro ni zhayna.
Binatukan naman siya ni kyla. "Hoy! wag ka nga feeling dyan kala mo naman maganda ka"sabi ni kyla.
Tinignan lang siya ng masama ni zhayna. "Janine lalo kang gumanda"sabi ko.
"Oo nga janine" sabi naman ni jaybe.
"Your so pretty"sabi nila keon at skie.
Tag iisang batok naman kami galing sa girlfriend namin ang sweet nila magselos nuh!. "Wow thank you ha! sa papuri niyo kay janine kahit nandito lang kami"sabi ni zhayna.
"Sorry naman"sabay sabay namin sabi.
"Guy's may pasalobang ako sa inyong lahat"sabi ni janine.
Bigla naman lumapad ang mga ngiti ng apat sabay lapit sa lap top. "Ano patingin"sabi ni kyla.
Pinakita naman ni janine yun. Ang daming mallows na favorite ni kyla. "Ito oh!"sabi niya.
"Shit yung favorite kung mallows whaaa!!!"sigaw niya.
"Asan yung sakin"sabi ni zhayna.
"Ito ang kay zhayna" binigay sa kanya ni janine ang isang bag na maganda dahil mahilig din sa bag si zhayna lalo na sa mga hellow kitty.
"Waaaaah!!! shemay hellow kitty talaga ang design ang ganda alam na alam mo talaga ang favorite ko"sabi ni zhayna.
"Syempre best friend ko kayo eh! kaya lahat ng etc niyo sa buhay alam ko"sabi ni janine.
"Thanks my ugly friend hehehe joke lang"sabi ni zhayna.
Ngumiti lang si janine. "Ito naman yung kay shien"sabi ni janine.
Pinakita samin ni janine yung favorite ni shien na si sam smith lahat ng kanta ni sam smith gusto niya kaya binili niya ng album na may pirma ni sam smith. "Thank you janine"sabi ni shien.
"Your welcome nagpakahirap pa akong papirmahan sa kanya yan kulang na lang lumuhod ako sa harap niya para lang pirmahan niya yang album na yan"sabi ni janine.
"Thank you talaga janine i'm promise na iingatan ko talaga siya" sabi ni shien.
"Wala yung sakin daya"sabi ni cj at nagpout pa siya.
"My best friend my beautiful friend syempre meron ang favorite natin tatlo nila ate camille"sabi niya.
Isang VIP ticket sa EXO at sa 2NE1. "Oh! my! g! waaah!!! ate camille ang favorite natin thank you thank you janine"sabi ni cj habang tumatalon talon silang dalawa ni ate camille.
"Wala yun best friend ko naman kayo at tsaka dahil ngayon lang ako nagskype kaya sinabi ko na sa inyo sabi ko nga pagdating ko na lang sa pilipinas kaso wala eh! hindi ko na pigilan yung sarili ko kaya pinatingin ko muna sa inyo"sabi ni janine.
Kanina pa tumutunog yung cellphone niya pero hindi niya sinasagot. "Kami wala"sabi ni keon.
"Syempre meron kayo pa tsaka marami pa akong pa salubong kaso sa pag uwi ko na lang ipakita"sabi niya samin.
"Ok sige" sabi ni jaybe.
"Asan pala si angelo"sabi ni janine.
Hinanap namin si angelo at na kita namin siyang kumakain ng prutas. "Hoy! mr. salvador tawag kani janine"sabi ko.
Malungkot siyang lumapit sa lap top. Ano kayang problema ng lalaki na ito siguro nag aaway sila pero hinanap nga ni janine si angelo bakit kaya.
BINABASA MO ANG
The Famous Girls Meets The Casanova Boys
Novela JuvenilPano nga ba mabubuo ang pagiibigan ng sampu magkakaibigan kung sa puntong laro lang ang ginamit nila at higit sa lahat ang sinasabi nilang love paano nga ba pagtatagpuin sila ng tadhana at paano rin sila magkakakilala at ano nga ba ang ginawa nilang...