janine POV:
"tok!tok!tok!"
"tok!tok ano ba janine buksan mo nga itong pinto"kainis naman o umagang umaga nakaka bad trip alam ng natutulog pa yung tao ehh....
nagulat ako sa subrang lakas ng pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. sinira na naman ni ate yung seradora ng pintuan na babad trip na ako ha.
"hoyyy..... ikaw babae ka di ba sinabi ko na sayo kagabi na wag ka matutulog mantika. naka ilang katok na ako ni boses mo hindi ko man lang narinig ganyan kaba talaga" ani ni ate camille
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa tulog. Nakakaantok naman kase ehh anong oras pa lang si ate talaga napaka tigre kung magalit.
"whaaaaa....." napasigaw ako sa subrang lamig ikaw ba naman buhusan ng napaka lamig na tubig na tinunaw sa yelo panigarado magigising ang diwa mo.
Tinignan ko nang masama si ate pero waepek para talaga siyang tigre kung magalit kainis kase gusto ko na umalis sa school na yun. bakit pa kase tinanggap niya yung school na binigay sa kanya ng magaling niyang ama kainis bad trip na naman yung umaga ko.
"hoyyy bumangun kana diyan dahil late kana at nandun na rin yung mga kaibigan mo hinihintay ka. kanina kapa nila ginigising pero ayaw mo buksan yung pinto kaya ako na lang yung nagbukas tulog mantika ka kase ehh... sige na maligo kana at mag toothbrush" ani ni ate camille
tumango na lang ako sa kanya. tapos tinignan ko yung orasan na gulat ako sa nakita ko.
" Shemay late na ako dapat 8:00 ang pasok sa school ehh anong oras na 9:00 na 1 hour na akong late shemay" agad ako pumunta sa banyo para magtoothbrush at maligo.pagkatapos kung maligo agad akong nagbihis ng unifrom. tapos nagmadali akong bumaba at wala ano ano hinatak ko na agad si cj wala na late na ako kaya nagmamadali na ako.
"hoyyy teka lang janine " alibay ni cj
"hali kana late na tayo sa school bakit hindi niyo kase agad ako ginising"ani ko sa apat
"wow ha hiyang hiya naman kami sa mata mong lagi na lang nakapikit dahil tulog mantika"sabi ni zhayna hayy naku nambabara na naman sira na nga araw ko sisirain niya pa lalo.
"bilisan niyo na. oo na tulog mantika na ako kaya bilisan niyo na wala akong ganang makipagtalo sa inyo"alibay ko sa kanila at naglakad na uli kami pa punta sa kotse ko kainis kase meron naman sila mga kotse napaka tamad kase magdala ehh.. napahinto ako malapit sa gate at may naalala ako hindi pa pala ako kumakain shemay agad ako bumalik sa dinning area para kumuha ng pagkain hehehe.... gutom ako ehh
"hoyyy janine saan ka pupunta ha" ani ni kyla bigla akong napahinto at tumingin sa kanya
"pupunta sa kusina kukuha ako ng pagkain ko. hindi pa ako kumakain simula ka gabi ehh. tsaka hindi rin ako nagalmusal ngayon" dumeretso na ako sa kusina pagkakuha ko ng pagkain pumunta na agad ako sa kotse.
pag pasok ko nakita ko silang lahat nakatingin sila sakin. na para bang nagtataka.
"ohh bakit ganyan kayo makatingin sakin. may problema ba sa pagmumukha ko" pagtataray ko sa kanila
"janine saan lupalok ka na naman ba ng galing kagabi at nakatulog mantika ka"ani ni shien
"at tsaka bakit gutom na gutom ka ha sabihin mo nga sa amin" alibay ni zhayna
"ehh kasi na bwisit ako kagabi kaya lumayas ako sa bahay at pumunta ako sa bar para uminom ng juice" ani ko sa kanila ang dami kase mga komento.
"ehh bakit ka lumyas sa bahay niyo" alibay ni zhayna hayy naku ayan na naman siya kainis!!.
"bakit ang dami niyo bang tanong ha" pagtataray ko sa kanila. kainis kase aga aga puro katanungan.
"hoyy janine ibaba mo nga yang kilay mo ahitin ko yan. ehh kase kanina kapa bad trip ehh tapos kagabi kinausap mo ako pasigaw pa. ehh hindi naman ako bingi para sigawan mo ako. tapos felling ko moody ka kagabi kaya nagtataka kami sayo" ani zhayna
"oo nga janine ano bang problema" ani cj
"wala yun wag na natin pag usapan"
"hoyy janine andito kaming kaibigan mo para tulungan ka kung ano man yang kinikimkim mong problema. ano pang silbi ng pagkakaibigan mo samin kung hindi mo ilalabas yang problema mo" ani ni shien ang taga payo kung kaibigan hayy... naku. sige na nga sabihin ko sa kanila.
"ehhh kasi yung magaling kong tatay pumunta sa bahay kahapon. ehh narinig ko sila mom ate at yung magaling kong dad naguusap sa may dinning area kaya narinig ko yung pinag uusapan nila" ani ko sa kanila
"ehh ano naman yung pinag uusapan nila" alibay ni kyla
"ang sabi ni dad kukuhanin kami ni ate. at duon daw kami titira sa bahay nila ng dalawang linggo"galit kong sabi
"ohh ayaw mo yun para matutunan munang patawarin ang daddy mo" ani ni kyla
"ehh kahit nga panandalian ko lang siyang makita inis na inis na ako sa kanya tapos ngayon makakasama ko pa siya araw araw at kasama pa yung kabit niya na kakainis"
"ehh diba matagal na naman niya yun pinagsisihan kaya nga ng hihingi na siya ng sorry sa mom mo tapos sa ate mo pero pinatawad na siya ng mom at ate mo. pero ikaw lang tong ayaw mo pang patawarin siya kase may namumuo pang galit sa puso mo" ani shien
"hindi ko pa siya kayang patawarin sa lahat na ginawa niya saamin nila mom ate"
"subukan mo lang. diba nga yung kabit niyang yun tinutulungan na lang niya ngayon. tsaka si tita Jennifer naman yung mahal niya ehh"ani ni shien
"ehh bakit niya kami iniwan nila mom at ate"
"ehh kasi nga nung nalaman ng dad mo na nakikipag kita pa rin yung kabit niya sa dati kinakasama niya na galit yung dad mo kaya nga pinalayas nung dad mo yung kabit niya diba"ani zhayna
"oo pero tinulungan parin niya yun oh anong tawag dun mahal niya parin yung kabit niya. kahit na pinag taksilan pa siya non"inis ko sabi
"alam mo janine kung meron kapa talagang galit para sa dad mo hindi mo talaga maiitindihan lahat ng sinasabi namin kaya subukan mong intindihan lahat ng sinasabi namin sayo para marealize mong tama lahat ng sinasabi namin sayo"ani shien
"ayoko!! basta ayoko sa tuwing iniisip ko lahat lahat ng ginawa niya samin hinding hindi ko siya papatawarin" inis kong sabi
"hoyy tama na yan andito na tayo sa school mamaya na natin yang pag usapan" ani ni kyla
hayyy.... sorry talaga mom hindi ko pa talaga kayang patawarin si dad alam ko nag aalala ka akin pero sorry talaga hindi ko pa talagang kaya intindihin lahat ng mga sinasabi niyong lahat sorry mom.
BINABASA MO ANG
The Famous Girls Meets The Casanova Boys
Novela JuvenilPano nga ba mabubuo ang pagiibigan ng sampu magkakaibigan kung sa puntong laro lang ang ginamit nila at higit sa lahat ang sinasabi nilang love paano nga ba pagtatagpuin sila ng tadhana at paano rin sila magkakakilala at ano nga ba ang ginawa nilang...