Chapter27

25 2 0
                                    

Janine POV:

Pauwi na ako ngayon dahil nandito ako sa photoshot para sa bago kung magazine ngayon.Sumakay na ako sa kotse ko at agad ko yun pinaandar pa punta sa bahay namin.Nang makarating ako sa bahay kumunot yung noo ko at may galit akong nararamdaman tinignan ko si mom at si ate at nakaupo sila habang naka tingin sakin.

"Mom! punta muna ako sa kwarto ko" sabi ko kay mom.

Naka ilang hakbang palang ako ng tawagin ni mom yung pangalan ko. "Honey may sasabihin sayo ang dad mo" sabi ni mom sakin.

Nilingun ko sila si ate walang imik lang dahil alam niya kung bakit ako ganito pati nga rin si mom eh. Kaso ang kapal lang talaga ng mukha ng magaling kung tatay at pumupunta pa dito. "Wala kami pwedeng pag-usapan mom tsaka wala akong tatay" sabi ko sakanila.

"Honey!! wala kanang respeto sa dad mo" sabi ni mom sakin.

"Bakit mom ng iwan niya ba tayo ni respeto niya si ate bilang anak. Tinulak niya si ate pero ano ginawa niya imbis na tulungan niya si ate umalis na lang siya na para bang isang laruan lang tayo na kapag sawa na siya itatapon niya na lang tayo" sabi ko kay mom.

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko kaya hindi ko na napigilan yung luha nakanina pa gustong tumulo. hinawakan ni mom yung mukha ko "I'm sorry honey" sabi sakin ni mom na umiiyak habang inaalalayan siya ni dad.

"Mom! tayo yung iniwan tayo yung pinagpalit sa iba tapos ngayon sakin mo pa isasampal yan" sabi ko kay mom habang iyak din ako ng iyak.

"Honey!! I'm sorry give me a second chance" sabi ni dad sakin.

"Second chance for what iniwan muna kami at nagtanan na kayo ng kabit mo ano pa para bigyan ko kayo ng second chance" sabi ko kay dad.

"Honey!! kaya ako nandito para kunin ka muna sa mom mo at tumira sakin para matutunan mo akong patawarin" sabi ni dad sakin.

"No! ayoko sumama sayo at ayoko tumira sa bahay mo kasama ang kabit mo" sabi ko kay dad.

Sumakay ako sa kotse ko habang iyak pa din ako ng iyak ng binuksan na ng gruad yung gate at mabilis ko yun pinaandar. Ewan ko kung saan na lang ako pupunta basta kung saan makakalimot ka ng mga problema. Ng makarating ako dito sa beach na pagmamay ari ng pamilya namin umupo muna ako at uminom ng alak bumili kase ako ng bear sa resturant bago ako pumunta dito. Ngayon lang ako iinum ng alak dahil kahit nag babar man ako juice lang ang iniinom ko dahil ayoko ng lasa ng alak pero ngayon gusto ko uminom ng marami para mawala lahat ng sama ng loob ko. Hindi naman ako pababayaan ng mga caretaker dito dahil lagot sila sa pamilya ko kung meron man may mangyaring masama sakin.

"Tama na yan lasing na lasing kana"

Tinignan ko kung saan galing yung boses na yung tumingala ako at nakita ko si angelo. Iyak pa din ako ng iyak. Kinuha niya yung bear ko at ininom niya yun. Tinignan ko siya habang iyak lang ako ng iyak na parang bata niyakap niya ako. "Iiyak mo lang" sabi niya sakin.

Umiyak iyak lang ako habang yakap yakap niya ako. Pagkatapos kumuha ako ng alak tapos inubos ko yung laman niyon tsaka binato ko yun sa dagat at sumigaw sigaw ako. "Dad!!!! nakakainis ka!!!! bakit mo kami iniwan!!!!! bakit!!! bakit!!!! bakit!!!!" sigaw ko ng sigaw wala akong pakialam kung mawalan na ako ng boses.

Niyakap ako ni angelo sa likod ko at ako naman iyak lang din ako ng iyak habang nagsasalita parin ako. "Tama na janine! tama na lasing kana" sabi niya sakin.

Umupo ulit ako at lahat ng alak inubos ko hanggang sa wala na akong makita pa at nakatulog na ako.







Angelo POV:

"Janine tama na yang lasing kana" sabi ko kay janine.

Umupo siya at ininom niya yung lahat ng alak hindi kuna napigilan dahil ayaw niya ng pigilan ko siya. Namalayan ko na lang na masusubsob na pala siya sa buhangin sa beach. Binuhat ko siya at nakita ko dun yung isang matandang babae.

Ng makita niya kami agad siyang lumapit sakin at naggulat siya dahil karga ko si janine "Nako anong ginawa mo kay miss ocampo" sabi nung matandang caretaker.

"Wala lang po kase po nakita ko po siyang umiiyak sa tabi ng beach" sabi ko sa matandang babae.

"Ahh! ganun ba alam kuna kung bakit" sabi niya sakin.

"Ah... miss ano bang pangalan niyo po" tanong ko sa matanda.

"Ako ang nagbabantay dito sa beach na toh ako ang isa sa caretaker dito tawagin mo na lang ako na aleng dina" sabi sakin ni aleng dina

"Ahh sige po aleng dina" sabi ko. "Aleng dina pwede bang paliguan niyo si janine tsaka po paki bihisan na rin po kase po ang dami niyang na inom na alak" sabi ko kay aleng dina.

"Pag kakaalam ko kahit na may problema yang si miss hindi siya umiinom ng alak pero bakit ngayon" sabi niya sakin.

"Ewan ko rin po eh" sabi ko sa matanda.

Dinala ko si janine sa isang rest house at nilapag ko siya duon sa kama. Ng mailapag ko siya lumabas muna ako.Naisip ko yung dumating ako dun lahat na saksihan ko lahat lahat.

Kase pumunta ako kila janine para magsorry sa kanya dahil hindi kuna kaya na hindi kami nag aasaran o kahit na nagkukulitan. Ng makarating ako dun na kita ko si janine na kakarating lang ewan ko kung saan pumunta yun pagkatapos pumasok siya sa luob ng maka pasok siya lumabas ako sa kotse ko at pumunta ako sa gate nila pina pasok naman ako ng gruad dahil kilala niya na ako pagkadating ko sa pintuan na kita ko si janine dun at naka kunot ang noo na parang galit na galit dahil sa dad niya. Nakita ko rin na sinampal siya ng mommy niya at duon lumayas siya nung may sinabi yung daddy niya sa kanya.

Natigil ako sa kakaisip ng marinig ko yung tawag sakin ni aleng dina at lumapit naman ako sa kanya."Iho bantayan mo maigi si janine ha" sabi sakin ni aleng dina.

"Opo aleng dina angelo na lang po itawag niyo sakin" sabi ko kay aleng dina

"Ano kaba ni janine at kasama mo siya kaibigan kaba niya" sabi sakin ni aleng dina.

Ng isip muna ako ng matagal. "Ah.. boyfriend niya po ako" sabi ko kay aleng dina.

Ngumiti naman ako! Bakit totoo naman kaso fake relationship nga lang. Tinignan ako ni aleng dina na para bang nagtataka. "Talaga pagkakaalam ko hindi pa nagkakaron si miss janine ng boyfriend eh! kase alam ko galit siya sa mga lalaki" takang tanong niya sakin.

Napatawa naman ako sa sinabi ni aleng dina.Well tama naman siya kaso sakin pumayag siya sa deal namin eh. "Ahh sige po puntahan ko na po si janine"

Umalis na ako tapos pumunta na ako sa rest house na tinulugan ni janine. Ng makapunta ako dun kinuha ko yung balde na maliit na may tubig at towel piniga ko yung towel at pinunas ko yun kay janine sa noo.

"Janine sorry ha! dahil pinagsalitaan kita ng hindi maganda na dala lang ako ng galit dahil sa inis ko sayo alam mo janine kahit galit ka sa mga lalaki at sa mga couple na nakikita mo natutuwa ako sayo ewan ko nga kung bakit pero alam mo parang na huhulog na ako sayo janine gusto na kita" sabi ko sa tulog.

Tinignan ko siya at nakita ko yung mapula niya labi na parang napaka lambot parang gusto ko na tuloy siyang halikan. "Good night janine, i love you" sabi ko sa kanya habang ang himbing ng tulog niya.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon