Christine Joy POV:
"Mama!!! kuya!!! aalis na po ako!!" sigaw ko kay mama at kuya harry sa kusina.
Pinuntahan ako ni kuya sa salas at ginulo ni kuya yung buhok ko. Kainis talaga si kuya hobby na ata niya na guluhin yung buhok ko kakasuklay ko palang tapos ang gulo na naman. Tinignan ko ng masama si kuya tapos sumingot ako sa kanya "Kuya naman kainis ka alam mo naman kakasuklay ko lang eh" sabi ko kay kuya.
Ngumiti sakin si kuya at inakbayan ako "Asan na yung magaling mong boyfriend"tanong sakin ni kuya.
Napaisip tuloy ako bago kami umalis sa tagaytay sinabi niya sakin na siya lang daw yung maghahatid sundo sakin sa school para daw magkasama kami. Pero bakit ngayon wala pa siya kahit nga kagabi hindi man lang siya nagtext o tumawag man lang.Tinignan ko si kuya at naka kunot yung noo niya.
"Kapag sinabi ko kay kuya baka resbakan niya si keon kawawa naman yung my labz ko hindi lang ako na hatid at na text mabubugbog na siya ni kuya wag ko na lang sabihin sa kanya gagawa na lang ako ng palusot bahala na si wonder woman" sabi ko sa isip ko.
"Ahh... Kuya baka busy lang po yun" sabi ko kay kuya habang naka fake smile ako.
Kunot naman ang noo ni kuya at tumingin sakin "Nag aaway ba kayong dalawa" sabi sakin ni kuya habang seryoso yung mukha niya.
Umiling iling ako sa kanya. "Kuya hindi naman eh" sabi ko kay kuya."Kuya alis na ako bye" sabi ko kay kuya.
Tapos umalis na ako sumakay na ako sa kotse ko pagkatapos. Pinaadar ko na yung kotse papuntang school. Habang nasa daan ako iniisip ko si keon.
"Bakit hindi kaya siya naghatid sakin ang daya niya talaga sabi niya sakin siya daw ang magsusundo pero bakit wala pa siya kainis talaga yung keon jermain abella na yun lagot talaga sakin pagnakita ko yun" sabi ko sa isip ko.
Ng makarating ako sa school sinalubong ako ng mga kaibigan ko pati na rin yung apat. Tinignan ko sila isa isa at hinanap ko si keon pero wala talaga siya. Na iinis na ako saan ba yun pumunta unang pasok namin sa school tapos ngayon wala siya kainis. "Pasok na ako sa room" sabi ko sa kanila habang naka simangot ako.
"Cj ok ka lang" sabi ni zhayna sakin.
"Ok lang ako na pagod lang ako siguro sige bye" sabi ko sa kanila.
Ng maglakad na ako biglang may tumawag sa pangalan ko at pagtingin ko si keon na pawis na pawis na pumasok. Tinignan ko lang siya at naglakad na ulit ako naiinis ako sa kanya. "Cj!!" tawag niya ulit sakin.
Ng makalapit siya sakin niyakap niya ako habang habol habol niya ang paghinga niya. Tinignan ko siya at inalis ko bigla tingin ko sa kanya dahil naiinis ako tinitigan niya ako."Cj sorry kung hindi kita na sundo sinama kase ako ni mama sa airport kase susunduin niya daw yung kaibigan niya nung high school kasama yung anak nun kaya sorry talaga" sabi niya sakin.
Ngumiti ako sa kanya naiintindihan ko kung bakit pero parang ang sama ng kutob ko ewan ko pero bigla na lang may kutob ako hindi maganda eh. Tumingin ako sa kanya ang nagsmile ako "Ok lang naiintindihan ko pero bakit hindi mo ako tinawagan o tinext man lang" sabi ko sa kanya.
"Sorry my labz kase antok na antok na ako kagabi eh" sabi niya sakin.
"Kahit good night man lang hindi mo ako tinext" sabi ko sa kanya.
"Sorry na my labz babawi ako sayo gusto mo magdate tayo paguwian natin" sabi sakin ni keon.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige pero sa susunod tatawagan mo ako o itetext ha" sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin at inakbayan ako "Ok my labz" sabi niya sakin.
Bigla naman nagsalita si zhayna "Bati na kayo pwede na ba tayong pumasok sa school at duon na lang kayo magharutan" sabi ni zhayna samin.
BINABASA MO ANG
The Famous Girls Meets The Casanova Boys
TienerfictiePano nga ba mabubuo ang pagiibigan ng sampu magkakaibigan kung sa puntong laro lang ang ginamit nila at higit sa lahat ang sinasabi nilang love paano nga ba pagtatagpuin sila ng tadhana at paano rin sila magkakakilala at ano nga ba ang ginawa nilang...