Chapter69

18 0 0
                                    

Jaybe POV:

Ito ako ngayon at bitbit ko ang maleta namin ni sweetie uuwi na kami sa pilipinas dahil yung mga iniwan namin na trabaho dun si angelo nakabusangot. "Ano ok na ba wala na kayong nakalimutan!" sabi ni kuya.

"Wala na po!" sabi ni cj.

"Ok alis na tayo" sabi ni ate camille.

"Yaya paki sabi na lang kay janine na umalis na kami" sabi ni ate camille sa kasambahay nila.

"Ok miss!" sabi nung maid.

Sumakay na kami sa van at inihatid na nila kami sa airport. Ang lungkot namin lahat dahil isang araw lang kami pero masaya din kami dahil lahat kami ang daming ginawa sa america.

"Sweetie sayang hindi tayo maihahatid ni janine" sabi sakin ni kyla.

"Ok lang yun" sabi ko.

"Masaya ba ang vacation niyo" sabi ni ate camille.

"Masaya pero bitin din dahil unti lang yung araw na magkakasama tayo" sabi ni skie.

Si dwayne ang maghahatid samin sa airport busy kase si janine sa office kaya siya na lang. Ngumiti naman si kuya. "Ok lang yun guys next time na lang" sabi ni kuya.

"Sabagay marami pa naman next time diba" sabi ni cj.

"Kaya wag na kayong malungkot" sabi ni keon.

"Oo nga guys be happy ok" sabi naman ni zhayna.

"Ok!" sabi ni kyla.

Habang nasa daan kami nakikita ko naman na tulog na si kyla sumandal siya sakin habang yakap niya ako. Kaya pinabayaan ko na lang siya.

Hay! ito ang masasabi mong matatag na pagkaibigan dahil kahit meron sa inyong may masasaktan o meron man sa inyong malalayo nandyan kayo para patatagin at parapayuhan ang mga kaibigan mo. Sana lagi kaming ganito yung walang problema at laging masaya.

Nakakamiss lang at kulang kami ng dalawa pero kahit ganun naiintindihan naman namin kaya kahit may malayo man samin alam namin na lagi parin kaming buo kahit maghihiwalay kami.

Bigla naman huminto ang van na sinasakyan namin. "Guys nandito na tayo sa airport" sabi ni kuya.

Ginising ko si kyla. "Sweetie nandito na tayo sa airport" sabi ko.

Gumalaw galaw naman siya at kinusot kusot niya ang mata niya ang ganda niya talaga grabe hindi ko inexpect na magkakaron ako ng girlfriend ng maganda kaya mahal na mahal ko siya kahit maldita pa siya. Tumingin siya sakin. "Andito na tayo" sabi niya.

Ngumiti ako at tumango tango. Hinampas naman niya ako sa dibdib ko pero mahina lang. "Ikaw talaga naiinlove na talaga ako sayo" sabi niya.

"Mas inlove na inlove ako sayo sweetie" sabi ko.

"Halika na nga baka ano pang magawa ko sayo" sabi niya sakin.

"Di ako papalag sweetie wag lang dito" sabi ko.

Hinampas niya ako ulit. "Ang manyak mo halika na nga" sabi niya.

Bumaba na kami sa van habang papasok na kami sa airport. "Kuya harry!!! at camille!!! guys!!!" sigaw sa di kalayuan samin.

Lumingon naman kami at na kita namin si janine na tumatakbo palapit samin.

"Alam mo angelo minsan yang girlfriend mo may pagkatanga hindi gumamit ng kotse at tatakbo dito" sabi ni zhayna.

Tinignan ko naman si angelo at sumilay ang mga ngiti niya. Tss! kala ko ba galit siya pumunta lang dito si janine ang lapad na ng ngiti.

Luampit samin si janine na hingal na hingal habang nakahawak yung isang kamay niya sa braso ni keon at yung isa nass dibdib niya at nakayuko habang habol habol ang paghinga. "Tubig!" sabi ni janine.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon