Chapter 31

20 0 0
                                    

A/N:
Guys kay janine po muna ang POV kase po tungkol po sa dad niya at sa pag alis niya sa pilipinas thank you so much guys sa magustuhan niyo.

Enjoy the reading:

Janine POV:

Lahat sila na tahimik sa sinabi ko. Siguro tama na rin na sabihin ko sa kanila yun kase ayoko naman na ilihim sa kanila ang pagpunta ko sa amerika. Oo alam ko na lahat kami tutuparin namin lahat yung pangarap namin na maging model ng magazine sa ibat ibang bansa pero hindi ko yun matutupad sorry sa inyo. Tinignan nila ako at ngumiti yung kaba ko kanina napalitan ng ngiti dahil sa nakita ko.

Lumapit sakin si kyla at hinawakan ang dalawa kung kamay. "Janine naiintindihan ka namin ok lang kahit umalis ka sa bansa alam naman namin ang dahilan kung bakit mo gusto pumunta ng amerika" sabi ni kyla sakin.

Kumunot yung noo ko. "Bakit niyo alam"takang tanong ko sa kanila.

"Dahil alam namin na mahal na mahal mo si tita Jennifer ayaw mo siyang nasasaktan o nahihirapan kaya kung ano naman ang sabihin niya sayo sinusunod mo siya" sabi ni shien sakin.

"Guys thank you dahil kahit busy man kayo o hindi pinuntahan niyo parin ako dito sa bahay" sabi ko sa kanila.

Lumapit naman sakin si keon. "Wala yun basta ikaw" sabi niya sakin.

"Ayy! sus sige na si cj na pansinin mo baka magselos pa" sabi ko sa kanya.

"Hoy! hindi kaya ako selosa" sabi ni cj samin habang naka busangot.

"Hoy! keon ilabas muna yung gayuma mo naka busangot na naman si miss busangot" sabi ni zhayna.

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni zhayna kaya ngayon pinapatawa na ni keon si cj ang sweet nila. Wait bakit ako kinikilig diba nga ayaw ko sa mga couple pero ok lang susubukan kuna magbago. Habang tawa ako ng tawa sa ginagawa ni keon kay cj. Lumapit naman sakin si angelo kaya na wala yung tawa ko. "Janine i need talk to you" sabi sakin ni angelo.

Tumingin ako sa kanya at binaling ko din ang tingin ko kila kyla na nagtatawan parin hanggang ngayon. "Guys usap muna kami ha" sabi ko sa kanila.

Nagtatawanan parin sila hanggang ngayon nag ok sign lang sila sakin habang hindi sila lumilingon sakin. Mabilis ko naman hinila ang kamay ni angelo papunta sa kwarto ko dito na lang baka kase hindi ko pa maintindihan kung malapit pa kami sa kanila mag usap eh. Ng makarating kami sa kwarto umupo muna kami sa kama at sinarado ko yung pinto.Tumingin ako sa kanya. "Anong paguusapan natin" tanong ko sa kanya.

"Janine yung dun sana sa sinabi ko sa beach" sabi ni angelo sakin habang naka yuko.

"Angelo sorry hindi ko talaga alam eh. sorry kung hindi ko pa kaya pumasok sa isang relationship" sabi ko sa kanya.

"Janine naman pwede muna naman sakin sabihin kung kailan mo ako sa sagutin hindi yung sasabihin mo sakin na hindi mo alam" sabi niya sakin.

Sumeryoso yung mukha ko. Ito lang yung madaling paraan para hindi na siya umasa sakin ayoko kase na masaktan pa ako katulad na lang kay mom. "Angelo hindi kita gusto" sabi ko sa kanya sa seryosong mukha.

Sinuntok niya ang pader sa kwarto ko at nakita ko na lang na may dugo na sa kamay niya at may tumulo ng luha sa mata niya kaya tumulo na rin ang luha ko. "Janine!!! why!!!damn it!!!" sabi niya sakin habang galit at sinuntok niya ang kamay sa pader.

"Sorry angelo" sabi ko sa kanya.

"Sorry yan na lang ba ang lalabas sa bibig mo bakit janine lahat naman ginawa ko ha. Tatanggapin ko pa kung sabihin mo sakin na bigyan lang kita ng kunting panahon tatanggapin ko naman yun dahil alam kung may problema ka sa family mo pero yung sabihin mo sakin na hindi mo ako gusto masakit yun para sakin" sabi niya sakin.

Iyak lang ako ng iyak na parang fountain na yung mata ko sa subrang luha ko. "Oo!!! hindi kita mahal!!! at kung pwede lubayan muna ako!!!" sigaw ko sa kanya.

"Tama nga sila napaka bitter mo talaga sige kung yan ang gusto mo lulubayan na kita" sabi niya sakin.

Lumakad na siya palabas ng kwarto ko na ang lalaki ng hakbang habang tumutulo na yung dugo sa kamay niya. Ako naman na pa upo sa tabi ng kama ko iyak ng iyak habang iyak ako ng iyak bigla naman lumapit sila shien sakin at niyakap nila ako habang umiiyak ako. "Janine anong ng yari at puro dugo yung kamay ni angelo" tanong sakin ni skie.

Umiiyak lang ako habang yakap yakap nila ako. "Sorry angelo, sorry" tanging sorry lang ang nababanggit ko habang iyak lang ako ng iyak.

"Guys mas mabuti iwan muna natin si janine para makapag isip siya" sabi ni shien.

Tumayo silang lahat at umalis sa kwarto ko sinarado naman ni keon yung pinto ng kwarto ko. Pagkaalis nila dumapa ako sa kama ko habang iniiyakan ko yung unan ko at laging sinasabi ko lang ang sorry angelo yan lang ang lumalabas sa bibig ko. At hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.



*****
Pagkagising ko nakita ko sila zhayna kyla at si cj na nakatingin sakin umupo naman ako at kumunot yung noo ko. "Bakit kayo nandito"tanong ko sa kanila.

Ngumiti sila sakin "Nandito kami para ipagluto ka" sabi nila sakin.

"Meron naman kami mga maid bakit kayo pa yung magluluto" tanong ko sa kanila.

"Wala lang gusto ka lang namin ipagluto tsaka hindi naman kami yung nagluluto eh si shien nasa baba nagluluto" sabi ni kyla.

Tag-iisang batok ang binigay ko kanila. "Eh! si shien naman pala yung nagluluto tapos sabihin niyo nandito kayo para ipagluto ako ako ba pinagloloko niyo" sabi ko sa kanila.

Nag piece sign sila sakin at ngiti ng subrang lapad. Problema ng mga toh"Gusto ka lang namin pangitiin" sabi ni kyla sakin.

"Grabe na pangiti mo nga ako" sabi ko sa kanila.

Tumili naman si zhayna na kala mo may nakakakilig "Janine ikaw na nga yan yung janine na mataray ikaw na talaga" sabi ni zhayna sakin.

Bigla naman may pumasok sa pintuan at nakita namin dun si shien na may dalang spaghetti, fried chicken, tsaka vegetable salad, Mukhang mapaparami na naman kain ko dito.

"Janine ano bang nagyari kagabi at galit na galit si angelo" sabat ni zhayna.

Bigla naman akong napahinto sa kinakain ko ng fried chicken naalala ko na naman kase yung kagabi. Tinignan ko sila at parang nag aabang ng sagot ko. "Binasted ko kase siya kagabi at sinabi ko na lubayan niya na ako" sabi ko sa kanila habang naka simangot.

Tumili naman sila. "So nililigawan kana ni angelo" sabi ni zhayna sakin.

"Oo pero hindi ko siya sinagot" sabi ko sa kanila.

Bigla naman silang sumingot. "Bakit naman" sabi nila sakin.

Malapit na naman tumulo yung luha ko kaya bago pa ako makapag salita sumabat na si kyla. Siguro nakita niya na luluha na ako kaya siya na lang yung nagsalit. "Ah! kain na lang tayo" sabat ni kyla.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon