Chapter30

32 0 0
                                    

Shien POV:

"Yaya asan ba yung tinago kung dress" tanong ko kaya yaya.

Nandito ako ngayon sa closet ko at hinahanap yung tinago kung dress. Pero hindi ko mahanap asan na ba kase yun hindi ko naman ginagalaw yun eh. "Eto ba yun" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si dwayne na bitbit ang dress na hinahanap ko.

"Bakit ka nandito"tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin. "Diba pupuntahan natin si janine" sabi ni dwayne sakin.

Ayy oo nga pala pupuntahan pala namin si janine nakalimutan kuna sa kakahanap ko sa dress. Lumapit sakin si dwayne at kinis niya ako sa lips ng mabilis. "Oh ayan na yung dress mo magpalit kana para pumunta na tayo kila janine naghihintay na sila zhayna sa baba" sabi sakin ni dwayne.

Kinuha ko agad yung dress tapos mabilis akong na ligo at nagtoothbrush. Pagkalabas ko sa kwarto na kita ko si dwayne na tinitignan yung magazine namin. Lumapit ako sa kanya. "Hoy! ano yan" sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at ngumiti ang pogi niya talaga. "Ang ganda mo love" sabi niya sakin.

"Tss! nambola kapa sige na hali kana alis na tayo panigurado inip na inip na yun si kyla maarte pa naman yun" sabi ko sa kanya.

Sabay kami lumabas na magkahawak yung kamay namin.Ng makababa kami nakita ko si yaya sa kusina. "Yaya aalis na po kami" sabi ko kay yaya.

"Oh! sige mag-iingat kayo ha dwayne bantayan mo yung alaga ko" sabi ni yaya kay dwayne.

"Opo sige po alis na po kami" sabi dwayne kay yaya.

Kumaway na lang kami kay yaya at pumunta na kami sa kotse ni dwayne. Oo kaming dalawa lang kase si kyla naka sabay kay jaybe, si cj naman naka sakay din sa kotse ni keon, pati rin si zhayna at si skie, tapos yung isa nagsosolo wala kaseng partner eh. Hay naku talaga tong si angelo ayaw pa umamin halata naman sa kanya na may gusto siya kay janine eh.

Ng makarating kami sa labas ng gate na kita ko si kyla na nasa labas kasama si jaybe lumapit siya sakin. "Hoy shien bakit ang tagal mo kanina kapa namin hinihimtay dito sa labas" sabi ni kyla sakin.

"Sorry naman alam mo ang arte mo talaga ayaw mo man lang makagat ng lamok dito sa labas" sabi ko sa kanya.

"Tss! malamang baka magkasakit pa ako nuh" sabi ni kyla sakin.

"Oo na hali kana pumunta na tayo dun" sabi ko sa kanila.

Sumakay na kami sa mga kotse na dala dala nila. Pagkapasok ko sa kotse ni dwayne mabilis niyang pinaandar yung kotse papunta kila janine. At mas lalo naman ako na gulat sa bilis ng pagpatakbo ni angelo grabe hindi ko kaya kung duon ako sasakay baka mahimatay lang ako. "Sport car kase yan si angelo kaya mabilis siya magpaandar ng kahit anong sasakyan" sabat ni dwayne sakin.

Lumingon ako sa kanya. "Ahh kaya pala yun yung kinuha niya sport" sabi ko sa kanya.

"Yap at take note magaling din yan magbasketball at saming groupo siya lang ang laging nanalo samin lagi siyang first sport car at basketball" sabi sakin ni dwayne.

Grabe ang galing niya pogi na magaling pa sa mga sport at pinagtitilian pa ng mga babae pareho sila ni janine grabe much talaga sila sa isat isa.Tumingin ako kay dwayne "Eh! ikaw"tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin. "Ako wala akong hilig sa sport pero gusto kung maging vocalist. Meron kami banda at yun ang lagi namin ginagawa kapag wala kaming pasok o kaya kapag bored kami" sabi niya sakin.

"Kayong lima" takang tanong ko sa kanya.

"Yap!" sabi niya sakin.

"Ahh kaya pala kayo sikat. e bakit casanova ang pangalan ng group niyo" tanong ko ulit sa kanya.

"Love wag ka magagalit ah" sabi niya sakin.

Siguro marami pa talaga akong hindi alam sa kanya kaya iintindihin ko siya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Kase kami dati lagi kami may mga kasamang babae lagi kami pumupunta sa bar nagiinom minsan meron din kami na isasama sa mga hotel o san pang lugar" sabi sakin ni dwayne.

"So pariwala pala kayo dati" sabi ko kay dwayne.

Tumango siya sakin "Pero nagbago lahat ng yun nung dumating kayo sa buhay namin dun namin na rialize na sinisira lang namin ang buhay namin" sabi dwayne sakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Naiintindihan naman kita eh. Kaya alam ko lahat ng sinasabi mo pero tama pala yung sinabi ni angelo samin. Na kahit pangit ang tingin namin sa inyo iba parin pag nag seryoso kayo" sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin at inihinto niya yung sasakyan niya at niyakap niya ako. "Thank you love for understand" sabi niya sakin.

"It's ok" sabi ko sa kanya.

At hinalikan niya ako sa noo ko at sa ilong sabay sa lips. Pagkatapos dinikit niya ang noo niya sa noo ko. "I love you so much" sabi niya sakin.

"I love you more love" sabi ko sa kanya. At hinalikan niya ako sa lips ng matagal kaya naubusan kami ng hangin.

Ng makawala kami sa mga halik namin mabilis niya pinaandar yung kotse niya papunta sa bahay nila janine. Ng makarating kami dun nakita ko na sila nakaupo sa sofa na mahaba. "Hoy bakit ang tagal niyo" sabi ni cj samin.

"Eh! kase----" sabi ko. Kainis ayoko sabihin sa kanila.

"Ahh! ano meron kaseng bata na ng hihingi ng pagkain kaya na late kami tsaka na traffic kami" sabi ni dawyne.

Hayy salamat ayoko kaseng sabihin na nagchismisan pa kami eh. "Ah ok" sabi ni cj samin.

"Asan si janine"tanong ko sa kanila.

"Nandun pa sa kwarto niya magshashower pa daw siya" sabi ni kyla.

Umupo ako sa tabi ni keon at kumain ako ng. Teka lang bakit puro korean food ang handa nila.Tinignan ko si zhayna "Korean food ba toh"tanong ko sa kanila.

"Ah hindi siguro Italian food"sabi ni zhayna.

"Tss! ang sabi ko bakit puro korean yung pagkain" sabi ko sa kanila.

Meron kimchi,bibimbap,bulgogi ,japchae tsaka yung favorite kung yangnyeom tongdak. Ang sarap talaga mukhang mapapadami ako ng kain neto kumuha ako ng yangnyeom tongdak yung favorite kung pagkain at kinain ko yun. "Ang sarap sino nagluto neto"tanong ko sa kanilang lahat habang kumakain ako.

"Si ate camille kase yung daddy niya daw umuwi ng korean tapos nagpadala daw ng korean food" sabi ni kyla.

Bigla naman ako na tigil sa kinakain ko. "Eh! si janine"tanong ko sa kanila.

"Bakit kayo nandito" Tumingin kami banda sa may hagdan at na kita namin si janine dun na malungkot.

Pinuntahan kami ni janine sa may sofa.Tumingin siya samin at parang wala kang makikitang janine na mataray sa kanya dahil parang punong puno siya ng lungkot. "Janine ok ka lang ba" sabi ni cj.

"Ok lang ako" sabi niya habang nakas simangot.

"Grabe ok ka nga talaga dahil halata sa mukha mo" sabat ni zhayna.

"Janine nandito kami sabihin mo lang lahat ng sama ng loob mo. Hindi yung sinasarili mo" sabi ko sa kanya.

Umiyak na siya sa harap namin. "Thank you sa inyo dahil nandyan parin kayo kahit minsan hindi ko sinasabi lahat ng sama ng loob ko sa inyo"

Ngumiti kami sa kanya "Sige makikinig kami sayo" sabi ko sa kanya.

"Guys sorry pero aalis na ako sa pilipinas pupunta ako sa amerika dahil ibibigay na ni dad yung company niya sakin sa amerika" sabi niya samin.

Natigilan kaming lahat sa sinabi niya lahat kami tahimik pero si angelo mukhang seryoso lang siya. Ang daming katangan sa utak ko.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon