Chapter58

14 0 0
                                    

Angelo POV:

Lumapit ako sa lap top na naka busangot. "Bakit"sabi ko sa malungkot na boses.

"Oh! bakit ganyan yang mukha mo minsan na nga lang ako magvideo call tapos ganyan pa makikita ko sayo"sabi niya sakin.

"Eh! kase naman e ni text, chat o kahit magpadala ka man lang ng sulat hindi mo magawa di mo ba alam na nag aalala ako sayo minsan nga gustong gusto ko ng puntahan ka dyan kaso hindi ko lang magawa dahila ayw kung iwan yung trabaho ko" sabi ko.

"Eh! bakit hindi mo sabihin kay ate camille o kaya kay mom or kay dad"sabi ni janine.

"Symepre ayoko sabihin sa kanila dahil busy lang sila sa work tsaka dapat sakin mo rin sinasabi dahil boyfriend mo ako"sabi ko sa kanya.

"Ay! LQ na naman"sabi ni zhayna

Hindi namin siya pinakinggan tinignan ko ulit si janine at naka yuko lang siya. "Di mo ba alam na kapag umuwi ako galing work lagi kung chinecheck kung online ka para makausap man lang kita para mawala man lang yung pagod ko. Pero wala dahil bago ako matulog tinitignan ko ulit kung nagreply kaba sa chat ko tapos pagkagising ko sa umaga wala din ano ba janine"sabi ko sa kanya habang may galit akong nararamdama.

Na kita ko siyang umiyak at muling tumingin sakin habang umiiyak hinimas himas naman ni dwayne ang likod ko. "Bro clam down"sabi niya sakin.

"Sorry"sabi ni janine habang umiiyak.

"Janine naman"sabi ko.

"Sorry na dahil kung hindi kita nachachat o kahit na magvideo call tayo busy kase ako sa work ko dahil inaarist ko lahat ng mga gawain sa kompanya sorry dahil hindi kita magawang tawagan dahil minsan gabing gabi na ako umuuwi dahil sa company at sorry din dahil napaka tanga ko sorry"sabi niya sakin.

Bigla naman lahat ng galit ko na wala ng sabihin niya yun siguro intindihin ko na lang siya pangarap kase ito ng magulang niya para sa kanya kaya naiintindihan ko.Huminga akong malalim at tinignan ulit siya. "Na iintindihan ko sorry din"

Ngumiti siya sakin. "I'm try it kapag may oras ako hindi ko pa kase alam yung mga gawain sa company kaya may nagtuturo sakin dito tinutulungan niya ako magarist ng mga appointment at mga cliente kaso ang sungit dapat lagi daw akong may energy" sabi ni janine.

Napansin ko naman na tumutunog yung cellphone niya. "Yung phone mo natunog mukhang may na tawag sayo" sabi ko.

"Oo nga janine kanina ko pa yan na papansin" sabat ni dwayne.

"Ah! wag niyo na lang pansinin. Oo nga pala kamusta kayong lahat balita ko naaksidente daw si keon" sabi ni janine samin.

"Grabe ka janine may pagkachismosa karin pala kala ko si kyla lang at si zhayna" sabi ni dwayne.

Piningot naman siya nung dalawa. "Ang cute mo talaga dwayne gusto kitang ihagis sa ilog ng hindi kana makita" sabi ni kyla.

"Love oh! inaaway na naman nila ako" pagsusubong ni dwayne at lumapit pa talaga kay shien at yumakap sa likod niya habang ang ulo niya nasa balikat ni shien.

"Yan kase ang dal dal mo kase" sabi ni shien.

"Ok naman na ako janine" sabi ni keon.

"Pagaling ka ha! para pagnatapos ng magpakasal sila ate at kuya harry sunod na kayo" sabi ni janine.

"Oo ba gusto mo ikaw pa gawin namin ninang sa kasal eh!" sabi ni keon.

"Pero bago yun kami munang dalawa ni baby ko"sabat ni kuya harry.

"Hindi kapa nga nagpropose sakin eh!" sabi ni ate camille.

"Basta magpapakasal tayo maghintay kalang"sabi ni kuya harry sabay wink.

"Hehehe.... guys miss kuna kayo minsan naman punta kayo dito" sabi ni janine.

"Libre mo kami ticket" sabat ni shien.

"Kala ko ba nagbago kana shien" sabi ni cj.

"Nagbago na nga ako ngayon lang naman ako magpapalibre eh!" sabi ni shien.

"Tss! ang sabihin mo hindi mo parin matiis yang pagkakuripot mo" sabi zhayna.

"Hoy! grabe kayo sakin ha" sabi ni shien.

"Janine hindi namin sure kung kailan kami makakapunta dyan dahil busy kami sa mga work namin kami busy sa photoshot" sabi ni kyla.

"Oo nga janine pero tanong namin kay manager kung payag siya" sabi ni cj.

"Ok sige" sabi ni janine.

"Ako ewan ko dahil busy din ako sa traning ko sa car rising " sabi ko.

"Ok lang guys alam ko naman na busy na kayo dahil may mga trabaho na kayo kaya ok lang sakin" sabi ni janine.

"Sorry janine" sabi naming lahat.

Umiyak naman si janine kaya pinunasan niya. "D-daya n-niyo pi-pina i-iyak n-niyo n-naman  ako" pautal utal niyang sabi na may kasamang sinok basa na naman ang luha niya.

Gusto ko siyang puntahan kaso may traning kase ako sa car rising dahil sasali ako. Ngumiti naman kami. "Ingatan mo sarili mo dyan wag ka magpakagutom at wag karin masyadong matulog ng matagal" sabi ko

"Yes! boyfriend" sabi niya sakin.

"Janine ako pupunta dyan magstay ako sa amerika ng dalawang linggo dahil sabi ni dad ako daw yung makipag meeting sa business partner niya sa amerika dapat nga sa canada kaya lang si dad na lang daw yung andun"sabi ni dwayne.

Lahat kami tumingin sa kanya saglit na tahimik kaming lahat. "Bakit ngayon mo lang sinabi samin" sabi ni shien.

"Eh! kase bago tayo pumunta dito kinausap ako ni dad na ako nga daw yung makikipag meeting ayoko sana kase alam ko maiiwan ko kayo lalong lalo kana kaya lang importante daw yun" sabi ni dwayne.

"Ano iiwan mo din ako" sabi ni shien habang naka simangot.

Niyakap ulit siya ni dwayne sa likura. "Hindi naman sa ganun love tsaka sorry kung hindi ko nasabi kaagad sayo na aalis ako biglaan kase kaya sorry na tsaka dalawang linggo lang naman ako eh!"

Huminga ng malalim si shien. "Sige na nga pero wag kang titingin ng mga babae dun may mga spy akong pinadala dun para bantayan ka" sabi ni shien.

"Grabe ka naman sakin kala mo naman babaero ako eh! si skie lang naman samin yung babaero eh" Sabi ni dwayne kay skie.

Binato ni skie si dwayne ng unan. "Hoy! isip bata para sabihin ko sayo kahit play boy man ako pag ako nagmahal sagad hanggang ilalim ng lupa" sabi ni skie.

"In one... two... three hugot!!!" sabay sabay naming sabi at nagsayaw pa kaming apat nagsitawanan naman yung girls pati na rin si kuya harry.

"Saan niyo naman na laman niyang hugot hugot niyong yan" sabi ni cj.

"Sa mga batang kanto na ririnig lang namin kaya ginaya namin diba guys" sabi ni keon.

Nag apir kaming lima. "Buo na naman ang The casanova boys" sabi ni skie.

"Oo nga eh!" sabi ni dwayne.

"Janine ikaw na lang yung kulang para mabuo tayong sampo" sabi ni cj.

Ngumiti naman si janine. "Hayaan niyo isang taon na lang yung hihintayin natin para makauwi na rin ako" sabi ni janine.

"Hihintayin ka namin" sabi ni ate camille.

The Famous Girls  Meets The Casanova Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon