Skie POV:
Nandito lahat ng kaibigan ko sa bahay at nag-uusap usap kami tungkol sa proposal na gagawin ko mamaya. At ito namang mga kaibigan ko inaasar ako kasi daw napaka torpe ko katulad na lang ngayon.
"Alam mo ang torpe torpe mo"tinapik tapik ako ni keon at umupo siya sa tabi ko. "Tignan mo ako nakapag propose ng hindi torpe"sabi niya sakin.
Inalis ko ang kamay niya sa arm ko at tumingin sa kanya. "Wow! Hiyang hiya ako sayo bro. Kaya pala nung unang niligawan mo si Cj nangangatog pa yang tuhod mo sa subrang kaba. Tapos ngayon sasabihin mo torpe ako mukha mo"sabi ko.
Tinignan niya ako ng masama tsaka pumunta sa tabi ni angelo at nakipag video game. Lumapit naman sakin si jaybe. "Bro alam mo may maganda akong naisip"sabi ni jaybe sakin.
"Ano naman yun"tanong ko.
Ngumiti siya sakin. Alam kuna gagawin niya kaya nag apir kaming dalawa.
Zhayna POV:
"Hoy! Shien hindi kaba naiinip dito sa bahay niyo ang boring. Hindi pwede yan lalo ng buntis ka baka makasama sa baby mo kung hindi ka man lang lumabas labas ng bahay"sermon ni cj sa kanya.
"Lumalabas labas naman ako. Pero ayoko lang talaga"sabi ni shien.
"Bakit anong masamang hangin ang nasa labas at ayaw mong lumabas"sabi ko.
Tumingin sila sakin. "Sino pa ba ang taong mahaningin dito kundi ikaw lang"sabi ni janine sakin.
Tss! Ito talagang babae na ito. Dapat di na lang ito umuwi eh! Well correct naman siya. Pero mas maganda talaga ako di lang nila matanggap sa sarili nila pero its ok for me. But I don't know for my friend hehehe!!!
"Tsk!"sabi ko sabay irap ko sa kanya.
Tinignan lang ako ng masama ni janine. "Hoy! Shien hindi pwede yan kailangan mong lumabas labas kahit once a week lang dapat nga once a day lang e!"sabi ni kyla.
"Oo! Nga shien. Hindi kaba nagpapaaraw tuwing umaga"sabi ni janine.
"Nagpapaaraw naman ako ang kaso ayoko lang talaga lumabas. Tsaka ang gusto ko lagi kulang kasama si love ko dahil namimiss ko siya kapag hindi ko siya nakikita"sabi ni shien habang nakapout.
"Ang corny mo!"sabi ko.
Binatukan ako ni kyla. Itong babaeng ito ang hilig mangbatok. "Anong corny dun e! Hindi naman siya tulad sayo na selosa"sabi ni kyla.
"Tsk! Basta"sabi ko.
"Alam mo namang buntis si shien normal lang talaga sa isang buntis yung mga pinaglilihian niya kaya kung pwede yang bibig mo pakitikom na lang kung wala namang magandang sasabihin maliwanag" sabi ni kyla habang naka smirk.
Inarapan kuna lang siya nakakainis wala man lang nagtanggol sakin kinakawawa talaga nila ang pretty zhayna huhuhu!!! Pagsisipatayin ko sila isa-isa e!.
Pero joke! Kahit naman inaaway ako ng mga yan. Mahal parin naman nila ako at mahalin ko parin naman sila.
Habang nakaupo ako sa sofa at naka talumbaba ng left hand ko at kumakain ako ng clover. "Hoy! Zhayna hinaan mo nga yang TV"sabi ni Cj.
Tumingin ako sa kanya ng masama. "At bakit naman"sabi ko.
"Basta parang may parang tumutunog"sabi ni Cj.
"Tsk! Wala yun guni-guni mo lang yun"sabi ko sabay tutok ulit sa TV
"Oo nga nuh!"tumingin sakin si shien. "Patayin mo yan"sabi ni shien.
Tinarayan ko sila sabay tingin sa TV at pinatay ko. "Kapag wala yan batok kayo sakin"sabi ko.
"Sige subukan mo akong saktan itatama ko sayo itong five inches na takong ng sapatos ko"sabi ni kyla.
Inarapan kuna lang siya at oo nga parang may kumakanta unti unti namin naririnig yung kumakanta. Parang galing sa labas yung kumakanta. Agad namang lumapit dun si kyla kaya sumunod ako. "Sino yung kuma--"hindi kuna na ituloy yung sasabihin ko dahil may tumakip agad sa mata ko kaya nagulat ako.
Hinawakan ko yung kamay na nakatakip sa mata ko. "Hoy! Wag niyo ngang takpan yung mata ko!"sabi ko.
Pero wala man lang sumagot. "Hoy! Ano ba isa... Dalawa... Hindi nako natutuwa ha! Kapag tumatatlo ito sasapakin ko kung sino man yang tumatakip sa mata ko"sabi ko.
"Sige subukan mo nga"rinig kung bulong sa may tainga ko nung marinig ko yung boses na yun natigil ako sa pagsasalita.
Kilala ko yung boses na yun. Parang familiar yung voice nun sakin ah! Nung alisin niya ang kamay niya sa mga mata ko unti unti ko naman idinilat ang mga mata ko at tumingin ako sa likuran kung saan may bumulong sakin. Nung makita ko kung sino yun na lungkot ako dahil si angelo pala habang nakatingin sakin with matching smiling face.
Lumapit ako sa kanya habang nagtataka. "Ikaw ba yung nagbulong sakin"tanong ko.
"I don't know nandito lang ako e!"sabi ni angelo habang nakasandal sa pader at nakatingin sa cellphone.
Tumingin naman ako sa paligid at nakita kung wala na yung mga kaibigan ko. Tumingin ulit ako kay angelo. "Nasan sila janine"tanong ko.
Tumingin siya sakin saglit at tinuon ulit ang tingin sa cellphone tapos tinuro niya yung pinto ng kwarto. Kaya pumunta na ako dun dina ako nagpaalam dahil busy sa phone. Ng buksan ko ang pinto nakita ko si kyla. Tinuro naman niya yung isang pinto kaya pumunta ako dun diko na rin inistorbo dahil busy rin kakain ng mallows. Ng makarating ako sa tapat may na kita akong note na nakadikit sa pinto. "Bawal istorbohin ang buntis sa susunod na pinto na lang"sabi ni shien sa note.
Nakakainis naman kasi bago ka makapunta sa hagdan tatlong kwarto muna ang dadaanan mo. Kasi naman si dwayne makapili ng bahay kulang na lang maging mansyon ito. Pumunta na lang ako dun sa pangatlong pinto. Kumatok naman ako ng mabuksan nakita ko si Dwayne. "Sorry busy ang tao"sabi niya sakin ng buksan niya ang pinto.
Kaya bumaba na ako nakita ko naman dun sa baba sila cj, keon at janine, jaybe, at may binigay sila sakin na bulaklak isa isa nila binigay sakin yun. "Oh! Kahit minsan naiinis ako sayo dahil binabara mo ako"ngumiti siya sakin. "Pasalamat ka may maganda kang kaibigan! Oh! Wag kana mambara minsan lang pwede"babala niya sakin.
Napangiwi na lang ako sa kanya at tinuro nila ang palabas ng bahay nila dwayne. Kaya lumabas ako pagkalabas ko nakita ko si skie na nakangiti sakin. Lumapit siya sakin at bigla namang may tumog-tog kaya sumayaw kami habang nagsasayaw ngumiti siya sakin. "Alam mo kahit selosa ka mahal na mahal parin kita kahit na puro pasa at sugat na ang umaabot sakin"sabi niya.
Salubong naman ang kilay ko sabay hampas sa braso niya. "Grabe ka sakin"sabi ko habang nakapout.
Ngumiti siya at hinawakan niya ako sa baba at inangat niya ang mukha ko. "Pero kahit ganun kapa mahal na mahal kita kaya ngayon"lumuhod siya sa harap ko kaya ako may putak na mula sa mga mata ko. "Mrs zhayna tolentino maniego will you marry me now and forever"sabi ni skie sakin.
Lalo akong napaiyak dahil sa subrang tuwa kaya tumingin ako sa kanya habang ang pisngi ko kulang nalang malagay ka ng balde sa harap ko. Mircle na lang kung mapuno yun gamit ang mga luha ko pero joke lang.
Ngumiti ako sabay tumngo ako sa kanya kaya tumayo siya at ngumiti sakin sabay yakap naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Famous Girls Meets The Casanova Boys
Teen FictionPano nga ba mabubuo ang pagiibigan ng sampu magkakaibigan kung sa puntong laro lang ang ginamit nila at higit sa lahat ang sinasabi nilang love paano nga ba pagtatagpuin sila ng tadhana at paano rin sila magkakakilala at ano nga ba ang ginawa nilang...