07.

377 22 8
                                        



࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Hindi ako pupunta sa silid namin. Asa lang siya.

Tsaka anong 'namin'? Matutulog ako sa hiwalay na silid, malayo sa mga kamay at labi niya. Kung saan hindi siya magkakaroon ng tsansang samanatalahin ako o saktan ako gamit ng mga mararahas niyang salita.

Napadpad ako sa kaluob-luoban ng hardin kung saan una kaming nagkita ni Kaius nang gabi. Kung bakit dito? Di ko rin alam. Siguro dahil walang taong makakita sa'king magmaktol.

Pumulot ako ng bato at tinapon sa fountain. Hinding-hinding-hindi ako pupunta sa silid 'namin'. "Aasahan kita sa kwarto pag huminahon ka na. Sinong niloloko mo, ikaw nga 'tong kailangang huminahon eh."

Halos umusok na ang ilong ko sa inis. Asar-talo. Sino bang nagpasimuno nung hulaan na 'yun? Siya diba? Unang araw ko pa lang bilang bihag dito, tinangka na niya akong patayin!

"Huh. Sige, patayin mo 'ko. Tama pa rin naman ako kahit gawin mo 'yun," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa hardin.

Para na akong baliw, kinakausap ang sarili.

Eh sino bang hindi mababaliw sa kalagayan ko? Ipakasal ka sa isang mamamatay-tao (hindi ko pa naman nakitang pumatay si Kaius pero...) na may maala-anghel na mukha at perpektong katawan (hindi sa naaakit ako sa kanya, ha) at napakasama ng ugali at nakakagulat, dahil madaldal siya kahit papano. Puno siya ng biro na parang hindi biro at ang hilig niyang mang-asar. Tapos sa huli, hindi niya ako pakakasalan para raw panatilihin akong ligtas AT PAGKATAPOS, magpapaputok ng baril sa'kin.

Ang gulo niyang tao!

Ginulo ko ang buhok. "Hay!"

"Prinsesa."

Agad akong napalingon, hinahanap ang boses at nakita ang paglapit ni Cian. Ang Grand Knight ni Kaius. Nakita niya ba akong nagsasalitang mag-isa? Mahina akong natawa at hinaplos ang braso upang itago ang kahihiyan.

"M-May kailangan ka?" tanong ko, mahinahon.

"Wala naman, ngunit-" ngumiti siya at halos masilaw ako sa saya na naroon. "-Ikinagagalak kong makita nang malapitan ang matapang na dalagang pinadala ng Khragnas. Kung naging mainam lang ang mga bagay, sana'y ikaw na ang naging aming bagong Reyna."

Nagkibit-balikat ako. "Itanong mo na lang sa iyong sinumpaang Hari, haha."

"Ayos lang ba kayo? Mukha kayong tumakbo ng ilang kilometro."

Hinaplos ko ang pisngi. "Ayos lang ako."

"Sigurado kayo?"

"Alam mo, pareho kayong nakakairita ni Kaius." Nasabi ko iyon nang walang pagpipigil. Agad kong sinampal ang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Cian pero agad ding tumawa.

"Paumanhin! Hindi ko intensyon na inisin kayo." Umiling siya. "Ako na ang humihingi ng tawad sa lugar niya. Alam kong hindi siya ang pinakamasarap kasama, pero maniwala kayong hindi naman siya ganun kasama."

Hindi naman siya ganun kasama para tutukan ka ng baril at tangkain kang patayin, diba? Oo Cian. Oo.

"Ah, nga pala. Mula ka rin sa bahay ng Morgana?" tanong ko. Narinig ko iyon kanina sa seremonyas. "Kaanu-ano ka ni Kaius?"

Tumingin siya sa fountain, sa estatwa ni Reyna Agatha na may hawak na banga at nilalabasan ng tubig. Saka ngumiti sa hangin na parang inaalala ang mga sandali nila ni Kaius-- teka parang mali pakinggan ah? Umiling ako.

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon