05.

431 28 12
                                    


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Kinamumuhian ko siya. At ang nakakainis niyang perpektong mukha.

Hindi ako makapaniwalang nahalikan ako ng demonyong iyon! Isa siyang halimaw. Hayop. Bastardo. Ugh! Kahit ilang beses na akong nagmumog at nagsepilyo, tila hindi mawala-wala ang lason na iniwan niya sa dila ko. Hanggang sa pagtulog ko, hindi malimutan ng labi ko ang multo ng halik na 'yun. Na tila binubura ang memorya ng iba...

Ahas siya!!!

Kinokonsumo ko na ang lahat ng pagtitimpi na meron ako para lang hindi magwala habang inaayusan ni Ria.

Ito na ang araw ng aming kasal at ang pagsumpa ko sa Kaius na 'yon. Pinagmasdan ko ang aking leeg sa salamin at naisip na mamaya'y ililipat na ng mga diyos ang kadena ko mula kay Ate Milly papunta sa mga kamay ng bastardong 'yon.

Masisiyahan ba ako dahil makakawala na ako sa gapos ni ate Milly?

O lalong malulugmok dahil matatali na sa isang halimaw?

Maliwanag ang umaga at sa nakabukas na bintana ng silid ko'y pumapasok ang lumalamig na hangin. Malapit na ang taglagas. Ilang buwan pa at babagsak na rin ang nyebe. Ilang taglamig kaya ang igugugol ko sa kulungang 'to?

Hindi na iyon mahalaga.

Dito na ako mamatay. Gawa man ni Kaius, o ng aking konsensya, ang kamatayan ko ay sigurado na.

Niyukom ko ang aking kamay.

Hindi, isang rason sa aking utak ang bumulong, may paraan pa para makaalis sa sitwasyong 'to. Nabanggit ni Kaius ang banal na tipan, isang extraordinaryong kakayahan ng mga monarkiya. May koneksyon ba iyon sa pagkamatay ni Haring Exequiel? Kung hindi lang iyon isang alamat, maaari kong...

Tama.

Kailangan kong magtagumpay. Para sa aking kalayaan.

"Ngumiti kayo, Binibini." sabi ni Ria. Tiningnan ko siya, nalilito. "Para malagay ko nang maayos ang blush. Pasensya na po."

"Ah." Ngumiti ako at nagtrabaho siya.

"Alam kong malungkot kayo ngayon, pero magiging maayos din ang lahat," sabi ng aking lingkod habang gumagalaw ang mga kamay. Napakabait ng boses niya at nakaka-kalma. "Naniniwala akong may mga taong tulad ni Ginoong Kaius na maaaring mailigtas."

"Mailigtas mula saan, Ria?"

Ngumiti siya at naglagay ng pula sa aking mga labi. "Mula sa mga demonyo nila."

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Nagmula kami sa magkabilang dulo ng pasilyo, sinusundan ng tren ng mga lingkod.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakakainsulto niyang ngisi, tila ba may binabalak na masama paglapit sa'kin. Nilayo ko agad ang aking tingin. Mabuti na lang at may kapa akong suot... Hindi niya makikita ang pagtayo ng mga balahibo ko.

At kahit kasal ang idadaos, parehas kaming nakasuot ng itim na tila isa itong lamay; at kapa bilang palatandaan ng aming titulo bilang bagong monarkiya ng Anja. Sa ulo niya ang makinang na gintong korona hubog sa pigura ng mga ahas na magkakapatong, tila pagpupugay sa bandila ng Morgana, habang ang ulo ko'y bakante.

"Bagay na bagay sa'yo," sabi ko patungkol sa kanyang korona.

Hindi naman siya mukhang nainsulto—mukha pa nga siyang natutuwa. "Gusto mo ng replika? Pwede kong ipagawa bilang regalo ko sa kasal natin. Tingin ko'y nababagay rin iyon sa'yo."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon