20.

330 23 14
                                    

   
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Ito na ang pagkakataong maghiganti sa lalaking 'to. Pwede mo na siyang saktan. Pwede mo na siyang saksakin habang tulog o pasakan ng unan sa mukha. Pwede ka nang magtagumpay sa misyon mo at lumaya. Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang matapos na ang misyon at lumaya at mabuhay?

Ngunit ang pinili ko ay buhatin ang ilang-kilong katawan ni Kaius tungo sa kama at hikahos na pahigain siya dun. Hikahos, dahil napakabigat niya. Hindi gawa ang katawan ko sa ganito, ugh.

"Hay nako, magkakalagnat ka na lang—ang bigat mo pa," naiinis kong bulong nang matapos.

Pero um, diba tinatanggalan ng pantaas ang mga may lagnat?

At ang mga mata ko naman na walang naitulong ay nahanap ang pawis sa kanyang templo at leeg. Namula ang aking pisngi. "Hala, hindi hindi hindi hindi. Ayoko nga." Ang hubaran ang lalaking 'to ang pinakahuling gagawin ko sa mundo 'no!

"Ano bang gagawin ko?" alala kong bulong habang nagpapalakad-lakad.

At himala naman na kumalam ang tyan niya kaya napangiti ako. "Tama. Pagkain."

Madali akong lumabas at hinanap si Ria.

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

"Ano, Kamahalan, sigurado po ba kayo?" tanong ni Ria.

Nakatakip na ako ng mga mata. "Oo, sige na. Dalian mo lang kasi kailangan ko pa siyang pakainin."

Narinig ko na lang ang paggalaw ng lingkod ko. Unti-unti niyang tinanggal ang butones sa polo ni Kaius—at bakit ko alam? (Hindi ako sumisilip ah.) Oo nga, hindi ako sumisilip sa mga daliri ko!

Napalundag na lang kami ni Ria nang biglang hawakan ni Kaius ang pala-pulsuan niya. Nakapikit pa siya. "Sino ka?" nanghihina niyang tanong. "Bakit mo...Bakit mo 'ko hinuhubaran?"

Tumingin sa'kin si Ria na nanghihingi ng tulong. "K-Kasi po—"

"Ako na, Ria. Sige na, bumalik ka na sa silid mo. Ako nang gagawa niyan," sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay. Baka kasi mapatay ka ng lalaking may lagnat na 'to nang wala sa oras eh. Inilagay ni Ria ang bimpong malamig sa aking kamay. At saka umalis.

Gaaaah. Ano nang gagawin ko?! Pupunasan ko ang katawan ni Kaius?

Umupo ako sa kama, nakatalikod sa kanya.

"Freja?" tawag niya, magaspang ang boses. Eh bakit magaspang? Bakit ganyan?

"O-Oh?" Eh bakit ako nininerbyos?

"Bakit ka nandito?" Eh bakit nga ba?

"Kasi nag-aaway pa tayo kanina, bigla ka na lang nahimatay. Dapat kasi susungitan mo 'ko nun tapos sasabihan ng masakit na salita at paaalisin. Diba ganun naman ang normal natin? 'Yun ang normal sa'tin diba?" Piniga ko ang bimpo. "Tapos ikaw naman 'tong biglang hinimatay sa lagnat. Sus."

"May lagnat ako?"

Kakasabi nga lang. "Oo. Baliw ka ba huh? Ba't ka ba nagkasakit ah?"

"Hindi pwede," naramdaman kong bumabangon siya. "May dapat pa akong—"

Napilitan na akong humarap at nahanap ng mga kamay ko ang hubad niyang mga balikat. Ang init. "Umupo ka nga lang!" sabi ko, nilalayo ang tingin. "Naghirap akong buhatin ka ah. Masasayang pagod ko."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon