♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?"
Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...
Nagising ako sa gitna ng gabi at nagulat nang makita si Freja na nakatulog na sa kanyang posisyon. Nakaupo siya sa kama, mga binti ay nakalapat sa kutson, likod sa headboard at ang ulo ay nakasandal sa poste ng kama.
At ang mas nakakagulat ay...
Magkakonekta pa rin ang kamay naming dalawa.
Maingat akong gumalaw upang hindi siya gumising. Nalaglag ang bimpo mula sa aking noo. Hindi ko iyon pinansin.
Humiga ako sa aking tagiliran upang mapagmasdan siyang mapaliguan ng liwanag ng buwan. Kumurap-kurap ako. Para siyang anghel na natutulog. O diwata. O kahit anong matatawag mong maganda.
Sumimangot ako sa mga naiisip. Mali ito.
"Freja," bulong ko habang pinagmamasdan siya. "Pwede bang...manatili kang ganito?"
Pinisil ko ang kamay niya, mahina.
"Ikaw na ang maghanda ng pagkain ko. Ikaw na rin ang tumabi sa'kin sa pagtulog. Pwede ba iyon?" Yumuko ako. "Pwede ko bang...hilingin ang mga bagay na iyon?"
Naglabas siya ng hininga.
"Alam mo kasi, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko nang ganito."
Mali bang hilingin iyon?
"Ikaw lang ang yumakap sa akin na tila hindi ako isang maduming hayop. Ikaw lang din ang ngumiti sa'kin na parang isa akong normal na tao. Pakiramdam ko, pag ikaw ang kasama ko, ligtas ako. At hindi ko kailangang matakot para sa buhay ko."
Mali ba ang gustuhin ko ang mga ito?
"Ikaw," bulong ko, haplos ang kamay niya. "...ang sumira sa depensa ko nang ganito kadali. Bakit huh?"
Bakit lahat ng mali ay nagiging tama pagdating sa'yo?
Sabihin mo nga. Lagnat lang ito.
Pero Freja...
Ano 'tong nararamdaman ko sa'yo?
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.