17.

322 19 3
                                    


Nangangawit na siya mula sa kanyang pwesto sa taas ng puno. Hawak ang sniper rifle ay inabangan niya ang pagdating ng mensahero mula Galeon. Inaatake na siya ng lamok, ngunit ang inaalala niya ay si Ban. Kung may nangyari kay Ban sa kamay ng Kaius na 'yon, hindi niya alam ang mangyayari sa organisasyon na binuo nila ng dalawang taon.

Ilang segundo pa ay nakarinig na siya ng mahinang kaluskos mula sa kalayuan. Isang babaeng maingat na naglalakad sa mga dahon ang kanyang nakita. Panay ang tingin nito sa likuran upang makasigurong walang sumusunod. Nang makasiguro ay naglabas siya ng salamin at pinailaw ito ng tatlong beses gamit ng natitirang sikat ng araw.

Iyon na ang signal na hinihintay ni Ekko.

Tumalon siya pababa ng puno at nilapitan si Nara. "Kamusta? Anong balita?"

Mamula-mula ang pisngi ni Nara dahil sa lamig. "Hindi mo aasahan ang nangyari, Ekko! Nagkaroon ng pag-atake kagabi sa Galeon at napatay ni Kaius ang mga pinadala ng Meriga. Pagkatapos ay nilipon niya ang mga traydor kanina para parusahan ng kamatayan."

Pumintig ang puso ni Ekko. Ang pinuno nila... "Si Ban? Ligtas siya?"

"Ligtas siya," ngiti ni Nara. "Walang pinarusahan si Kaius. At ang nakakagulat pa ay ang inanunsyo niyang plano sa lahat. Dahil dun ay sumumpa na ang lahat ng kawal at heneral ng Anja sa kanya, pati si Ban."

"At ang plano na iyon ay?"

Lumapad ang ngiti ni Nara. "Ang tulad ng plano ng organisasyon natin! Ang maging malayang bansa ang Anja mula sa Trinidad at emperyo."

Nanlaki ang mga mata ni Ekko. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ni Kaius. "Akala ko'y diktadurya ang nais niya?"

"Hindi ko alam kung iyon din ang patutunguhan ng plano niya sa huli, ngunit hindi ba magandang simula ito?" masayang wika ni Nara. Tumatalon-talon pa siya sa saya. "Sa tulong ni Kaius, magagawa nating kalabanin ang Meriga at Khragnas. Kung magiging diktador siya sa huli, maaari naman natin siyang abandunahin diba?"

Naglayo ng tingin si Ekko. Bilang isang purong-dugong Khragna, tila may kutob siyang masama. Isang Anja na malaya? Ibig bang sabihin... isang Anja na Anjan lang ang mamamayan?

Ngunit masaya si Nara, ang isa sa mga babae sa kampo na nagtitiwala sa kanya, kaya ayaw niyang basagin ang saya nito. "Tama. Isa pa, alam ni Ban ang ginagawa niya. Hindi niya tayo ilalagay sa kapahamakan kung hindi kailangan, diba?"

"Oo naman!"

Dumating siya dito upang matigil ang caste sa tatlong bansa. Ngunit—

Ang makipagtulungan kay Kaius—iyon nga ba ang tamang paraan?

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon