࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
- epilogue - *
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇Palasyo ng Serafin, Khragnas
Suot ang mabigat na korona ng Prinsesa ng Augustine, pati na ang kahel-pulang kapa ay tumungo si Freja paakyat ng mga baitang. Tila ang itim na bestida niya ang pangalawang balat. Lahat ng inosente sa kanya'y wala na. Narating niya ang tuktok ng platform ng bulwagan, kung saan naghihintay ang Emperador sa kanyang trono. Napapaligiran siya ni Emily, Rhaine, Calla, Mari, Alexis at Ria.
Palasyo ng Vause, Meriga
Kuminang ang pilak at itim na kapa ni Kaius pati na ang koronang kanyang sinusuot habang papataas siya sa mga baitang tungo sa trono ng Meriga. Naroon, naghihintay si Sigrid at Dominic, ang krus nila'y kulang na. Si Jiro, na may kwelyong pang-aso ay hawak ni Kaius sa isang leash. Sumusunod ito sa bawat galaw ni Kaius hanggang marating nila ang tuktok. Hinawi ng binata ang kapa at umupo ng elegante sa trono.
"Mamamayan ng buong emperyo!" ang parehong anunsyo ni Freja at Kaius.
"Ako ang ika-labing-pitong prinsesa ng Emperyong Augustine, anak ng Emperador Armand, isang purong-dugong Augustine—Prinsesa Freja."
"Ako ang ika-labinlimang Hari ng Anja, ang unang Emperador ng emperyong Kaian—Emperador Kaius."
"Bilang konklusyon sa labanan ng Meriga at Anja, ikinalulungkot kong ibalita na nakuha ng Anja ang Meriga."
"At ako, bilang ang nanalo sa labanang ito, ang mamumuno sa Meriga. Mula ngayon, ang Meriga ay magiging bahagi ng aking emperyo."
"Dahil dito, makikipagtulungan ang Mahal na Emperador ng Augustine sa Reyna ng Khragnas upang magpalakas sa susunod na pag-atake."
"At kapag sapat na ang pwersa, ilulunsad ko ang pangalawang yugto ng digmaang ito."
"Ibabalik namin ang Meriga at pababagsakin ang Anja."
"Sasakupin ko ang Khragnas at pababagsakin ang emperyong Augustine."
"Kasama nito, papatawan ng kamatayan ang mga traydor na si Sigrid at Kaius!"
"Isusunod kong paluluhurin si Emily at Freja."
Ngumiti nang kalkulado si Freja.
"Magwawagi tayo sa digmaan. MABUHAY ANG EMPERYONG AUGUSTINE!"
Niyukom ni Kaius ang mga palad.
"Makakamit natin ang tagumpay. MABUHAY ANG EMPERYONG KAIAN!"
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasia♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...