♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?"
Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...
Pinagmasdan ko silang magkayakap—si Ekko at Kaius.
Ang mukha ni Kaius na puno ng determinasyon at pag-aalala, at ang mga braso niya sa palibot ng katawan ni Ekko, isang kamay sa buhok nito—bakit hindi ako makahinga habang pinapanood ko sila ng ganito kalapit?
Freja, ano bang nangyayari sa'yo?
Hindi na dapat ako sumunod pa kay Ekko. Hindi na dapat ako nagtagal upang pakinggan ang pag-uusap nila. Hindi na dapat ako nanatili.
Ngunit sa isang hindi ko malamang dahilan, tila nakadikit ang mga paa ko sa lupa habang tinititigan ang dalawa.
Nagbalik sa'kin ang panahon noong ako ang nasa mga braso ni Kaius.
"Kaius, mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Kapag naging tapat kang Reyna sa'kin, magiging tapat akong Hari sa'yo."
Kumalas si Kaius sa pagyakap nila at may sinabi kay Ekko, na siyang tumango-tango. Binaba ko ang aking tingin, humingang malalim.
Bakit ako nasasaktan?
"Tapat na Hari, huh?" ngiti ko sa sarili saka sumandal sa pader upang tigilan nang manuod sa kanila. "Hindi na nga pala ako ang Reyna."
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.