࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
f r e j a
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Pagdating namin sa Galeon ay kinonsumo ako ng lungkot. Habang ginagabayan sina Tegan at Ban ng mga lingkod tungo sa kanilang mga silid ay nanatili ako sa lobby na nakatanaw sa hagdanan, nagbabalik ang ala-ala noong nakita ko si Cian pababa at inakala kong siya si Kaius.
Sana'y sinalubong man lang niya ako.
Umiling ako agad, gulat sa mga naisip. Hindi na ako Reyna ng lalaking 'yon. At isa pa, si Ekko ang... Pinilit kong isara ang mga mata at burahin ang mga naaalala. Hinawakan ako ni Ria sa kamay at naalala ko kung nasaan ako.
"Masama ang tingin nila sa'tin," bulong niya habang nakatingin sa mga kawal.
At nalaman kong tama siya. Ang mga kawal na 'to ay ang mga rebeldeng nakasama namin sa kampo noon. Sinisingkitan nila ang bawat galaw namin ni Ria, halata ang kawalan ng tiwala. Syempre'y ganito ang magiging tingin nila sa'min.
Kami'y mga purong dugong Khragna dito, at ang isa'y kapatid pa ng kaaway.
"Nandito na kayo."
Lumipat ang aking tingin sa boses na iyon.
Hindi ko napigilan ang paglundag ng puso ko. Sa hagdanan, isang kamay sa barandilya, ay si Kaius na may maliit na ngiti. Nanatili ako sa aking kinatatayuan, halu-halo ang emosyon. Sinalubong niya ako. Hindi halata ngunit nakikita kong hinihingal siya. Siguro'y tumakbo siya agad nang malamang dumating na kami.
Ngumiti ako sa sarili ko.
Bumaba siya sa hagdan, mga mata'y hindi ako nilulubayan hanggang sa nasa harap ko na siya. Tinawag ko ang mga salita ngunit hindi sila dumating, at hindi rin gumalaw ang bibig niya. Tanging ngiti lang ang kailangan naming dalawa, at kahit papano-
Sapat na iyon.
Napansin ko ang kaunting nyebe sa kanyang buhok at ang mga kamay niya sa gilid na nanginginig. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang kamay niyang malamig at inipit sa mga palad ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
Ang kamay niya, ang gaspang at pakiramdam nito, ay parang pagbabalik sa tahanan mo. Pamilyar at magaan sa loob. Lahat ng pag-aalala ko nitong mga nakaraang araw ay nawala. Lumunok ako, hindi makatingin kay Kaius ngunit kinuha niya ang baba ko sa isang kamay at inangat ang aking mukha.
"Balak mo ba akong bigyan ng sakit sa puso?" malambot ang boses niya.
At pakiramdam ko'y nais kong maiyak.
"Ikaw na bigla-bigla na lang akong hinahawakan ng ganito," bulong niya.
Kahit gaano karaming beses kaming magsakitan, hinihila pa rin niya ako pabalik. At alam ko. Alam kong nakakasuka sa marami ang ganitong pagtingin ko sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko maiwasang bumalik sa kanya.
Lalo na kung ganito ang Kaius na nasa harap ko.
Nakangiti.
Malamlam ang mga mata.
At nakatingin sa'kin na tila ako ang araw sa kanyang madilim na mundo.
"Nandito na ako," bulong ko.
Tumango siya at inilapat ang kamay sa ibabaw ngkamay ko. "Mmh."
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇e k k o
![](https://img.wattpad.com/cover/73983023-288-k846468.jpg)
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasy♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...