08.

365 21 8
                                    



࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Palasyo ng Vause, Meriga

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

"Trystan," tawag ni Jiro sa kanyang Grand Knight. Mabilis silang naglakad tungo sa silid ng pagpupulong. Umantabay ang matangkad na lalaki sa kanyang tabi at yumuko, handa na sa mga utos. "Kamusta ang mga broadcast? Maayos ba ang pagputol nila?"

"Opo, Kamahalan" sagot ng Grand Knight. "Pero... may mga kumakalat pa ring kuha mula sa araw na iyon-"

Natigil itong magsalita nang matalim siyan tingnan ni Jiro.

"Burahin niyo lahat. Lahat." Mababa ang boses ng Hari. "Wala akong pakialam kung huliin niyo ang sinuman nanunuod nun o pugutan ng ulo." Nagyukom siya ng kamay. "Ang manuod at matuwa sa rebelyon ng Kaius na iyon ay katrayduran sa korona."

Kumukulo na ang dugo niya. Mula't simula, dapat ay naniwala na siya sa kapatid niyang prinsesa, kay Sigrid. Mukhang totoo ang mga tsismis na nasagap nito sa mga Bahay ng Korte tungkol kay Kaius. Dapat ay simula pa lang, pinigilan na niya ang pagsali ng lalaking iyon sa militar.

Ngayon, kailangan niya nang gawin ang lahat upang makontrol ang suwail na 'yun.

Nakarating sila sa silid at tumayo ang mga myembro ng Konseho sa kanyang pagdating. "Kamahalan."

Wala siyang oras sa batian. Sa screen na malaki sa harap ng kanyang upuan sa mesa ay ang mukha ng Reyna ng Khragnas--si Emily, gamit ng video transmission. Umupo si Jiro habang nasa likod naman niya si Trystan at ang prinsesang kapatid na si Sigrid.

"Gusto kong malaman kung bakit ang babaeng iyon pa ang pinadala mo kay Kaius!" galit na sigaw ni Jiro kay Emily. "Bakit hindi na lang si Anwen ang pinakasal sa kanya? Mas malaki ang tsansang magtagumpay tayo."

Kaiba kay Jiro, mahinahon si Emily sa pagsasalita. Tila isang ina sa nagmamaktol na bata. "Malakas ang suspetsa niya kapag si Anwen ang ipinadala bilang kanyang Reyna. Magtiwala tayo kay Freja."

Ngumisi si Jiro. "Magtiwala? Ni hindi nga siya makalaban nang posasan ng lalaking 'yon eh! Wala na tayong oras para maghintay. Anumang oras, ang Emerador ay..."

"Kumalma ka lang," diin ni Emily. "Hindi magmamadali si Kaius sa kanyang binabalak ngayong Hari na siya. Kung digmaan ang hangad niya, nananatiling angat ang dalawa nating bansa sa pwersa at sa teknolohiya. Isa pa, ang plano natin kay Freja ay nangangailangan ng panahon." Gumapang ang isang kalkuladong ngiti sa labi ng Reyna. "Kung nais nating mapaibig si Kaius sa kapatid ko, wag natin itong madaliin."

Nag-isip si Jiro at sinandal ang kanyang likuran sa upuan.

"Paibigin, sinasabi mo?" Ngumiti ang lalaki. Mukhang alam na niya ang plano. "At pagkatapos bumaba ng depensa ni Kaius, si Anwen ang tatapos sa kanya?"

Sinagot siya ng makinang na mga mata ni Emily.

"Ngunit tali na si Anwen kay Freja, paano tayo makakasigurong susunod siya sa'tin hanggang sa huli?"

Nagtaas ng noo si Emily, kampante. "Narito sa Khragnas ang pamilya niya, at sila'y sumumpa sa akin. Hindi mangangahas si Anwen kung nais niyang panatilihing buhay ang kanyang ama't ina."

Tumawa si Jiro. "Hindi ko alam na may tinatago ka palang pagka-sadista, Reyna."

"Salamat sa papuri, Kamahalan."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon