࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
f r e j a
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Ako ang nagtali ng laso sa uniporme ni Anwen nang suotin niya itong muli. Sa buong proseso ay tahimik lamang ako, hindi mapakali. Sa totoo lang, nakikita ko ang kabutihan na nais makamit ng plano ni Kaius. Pero... Hindi ba't gagawa lang din iyon ng mas malalang caste? Nasaan ang lugar ng mga Khragna at Merigan sa Anja na sinasabi niya?
"Anong gumugulo sa inyo, Kamahalan?" tanong ni Anwen.
Napigil ang mga kamay ko sa paggalaw.
"Wala," ngiti ko sa kanya. "Masaya lang ako na ligtas ka na. Medyo mayabang lang si Kaius pero bibigay din pala sa gusto ko. Hehe."
"Pero may katotohanan sa pambibintang niya sa'kin," bulong ni Anwen.
"Huh?"
Nagtama ang aming mga mata. "Pinadala ako dito ni Reyna Emily upang patayin siya." Nagbaba ako ng tingin dahil tama ang hinala ko. Syempre gagawin ni ate Milly ang lahat upang magtagumpay. "Ngunit, nasa'yo ang katapatan ko Freja."
Natigilan ako at nag-angat ng tingin. "A-Ano?"
Ngumiti ang Grand Knight ko. "Sa'yo ako sumumpa, at hindi kay Reyna Emily. Ngunit kung inutos mo sa'king patayin ko si Kaius, gagawin ko. Nais ko lang malaman mo na...ikaw ang susundin ko. At walang iba."
Sa sobrang gulat ko sa mababait na salitang iyon ay hindi ko napigilang yakapin siya. Hinigpitan ko ang yakap na iyon at hinaplos niya ang buhok ko na parang isang tunay na kapatid. "Salamat, Anwen."
"Salamat din, Kamahalan, sa pagtatanggol sa'kin."
"Mm."
Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ako sa mga balikat, seryoso ang tingin. "Ngunit ikaw—Kailangan mong tukuyin kung nakanino ang katapatan mo." Nanlamig ang balat ko. Naalala ko ang misyon ko... ang patayin si Kaius. Ako ang susundin ni Anwen, ngunit ako? Sinong susundin ko?
"Reyna, kailangan mong tukuyin kung kanino ka magiging tapat. Kay Reyna Emily, na iyong kapatid, o kay Haring Kaius, na iyong kalaban."
Sa mga narinig, sinipat ng aking mga daliri ang aking leeg, hinahanap doon ang kwintas na binigay sa akin ni Alexis bilalang paalala ng mga nakataya sa aking misyon. Ngunit... "Huh?"
Sa kaguluhan kagabi, mukhang nawala ito sa akin.
"Alexis..."
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Kumatok ako kinagabihan sa bagong silid namin ni Kaius. "Buksan mo 'to," tawag ko, inaasahang makikilala na niya ang boses ko bilang kasiguruhan. Ilang segundo at narinig ko ang pagtatanggal niya ng tatlong lock. Sumilip siya sa uwang ng pinto at walang kangiti-ngiting pinapasok ako.
"Sa'n ka galing?" tanong lang niya saka umupo sa sopa.
"Sa kusina," walang gana kong sagot. Nilapag ko sa mesa sa pagitan namin ang sopas na pinagawa ko. "Dinalhan kita ng makakain. Alam kong wala pang laman ang tyan mo."
Tinitigan niya ang sopas at ang kutsarang nasa tabi nito.
Kinuha niya ang kutsara at tumitig sa'kin.
Pinilit kong maging neutral ang mukha.
Nilapag niya ang kutsara. "Ituturing ko 'to bilang senyales na nakapagdesisyon ka na."
Blanko ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasi♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...