♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?"
Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...
Dalawang prinsesa ang nagtatago sa likod ng isang matayog na poste, inaabangan ang pagdaan ng mga lingkod. Tatakas sila upang makita ang siyudad sa labas ng palasyo ngunit ang isa ay alalang-alala. Malalagot sila sa Reyna kapag nalaman ang kanilang pagtakas sa gitna ng gabi.
"Ate Calla, ayoko na. Ayoko nang sumama," naiiyak na sabi ng isa.
Sinamaan siya ng tingin ng nakakatanda, kasabay ng nakakalokong ngiti. "Akala ko ba gusto mo 'to, Freja?"
Tumalikod na si Freja sa kanya. "Babalik na 'ko sa silid. Ayokong maparusahan." Ngunit mabilis siyang hinatak pabalik ng ate niya sa pagtatago. Napaiyak siya sa kuko nito sa kanyang balat. "Ate, masakit-"
"Makinig ka. Sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan mo ako!" marahas na bulong ni Calla.
Nakaramdam ng galit si Freja sa kanyang batang puso. "Lagi na lang, at pagkatapos ano? Ako ang sasalo ng galit sa mga kalokohan mo." Alam niyang hindi niya dapat sinasagot ang prinsesang magmamana ng trono ng Khragnas habang siya'y anak lamang ng konsorte ngunit hindi niya na talaga kaya.
Dahil dito ay nanlisik ang mga mata ni Calla sa kanya, parehong inis at sakit. "Sinasagot mo na ba ako, ha Freja?" Lalong humigpit ang kapit niya sa braso ng nakakabata. Pilit tinatanggal ni Freja ang kamay nito ngunit mas lalo lang binabaon ni Calla ang mga kuko. "Susundin mo ako! Dahil ako ang magiging reyna ng Khragnas pagdating ng panahon!"
"Tama na!" iyak ni Freja. "Tama na, tama na! Sana'y hindi na lang kita nakilala– Sana– Sana hindi ka na lang nabuhay!"
.
.
.
- "Freja, wag mong gagamitin ang kapangyarihang taglay mo." -
- "Dahil ang presyo ng iyong hiling. . . ay mga taong malapit sa iyong puso." -
- "Pag-ibig para sa galit." -
- "Buhay para sa kamatayan." -
.
.
.
"Sana mawala ka na, Calla!"
Sinigaw niya iyon na may lakas at galit at padalus-dalos. Hindi unawa ang kahulugan at bigat ng kanyang hiling. Hindi alam ang magiging bunga ng kanyang mga salita.
Pumikit siya at umiyak at pagmulat niya ng mata ay [ w a l a ] na ang ate niya. Sa mga segundong iyon, namatay rin ang kanyang konsorteng ina sa silid nito. Tila may ningas ng apoy sa leeg nito, simbolo ng tinubos na buhay.
Tumingin ang batang si Freja sa paligid at nang mapagtanto ang nagawa ay naglabas ng nagdurusang sigaw.
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.